Dec 21, 2008

Kanlungan

Alam ko nagtatampo KA na,
nung dumating ako dito sa singapore sabi ko sa 'yo bigyan mo lang ako ng pagkakataon, lahat ng pagsisilbi gagawin ko sa 'yo.
Na hindi ako makakalimot, na hindi parin ako sasablay ng pagdalaw sa 'yo.

Tinupad mo naman lahat ng gusto ko, labi labis pa nga.
Nung una, nakakatupad pa ako sa promise ko,
pero sabi mo nga, ok lang wag ko araw-arawin kase kita mo naman ang hectic ng sched ko, pwede na kahit isang beses isang linggo.

Gaya ng kasabihan, promises are made to be broken, antagal natin hindi nagkita. Tagal din natin di nagkausap, hindi man lang kita nakumusta. Nu na ba update sa 'yo, alam ko kase ayos ka lang. takbuhan ka parin ng marami.
Nasilaw ako sa naabot ko, hindi na kita masyadong napansin.

Minsan kinausap kita, sabi mo ok lang kahit hindi kita dalawin dun sa bahay mo sa novena, madami ka pa naman ibang bahay. Kung saan ako malapit dun kita puntahan. Sabi mo pa it will only take 10-15mins para kausapin ko kahit ang mama mo. Parang mas mahaba pa nga ang byahe papasok ng trabaho.Mas mahaba pa ang tawag na nagagawa ko sa mga friends ko, kesa pagtawag sa mama mo.

Last year nagkasakit ako, akala ko normal lang, na gagaling agad ako. Kinatok kita,sabi mo kakayanin ko, na gagabayan mo ako. At tinupad mo naman, pero dahil uhaw ako sa tagumpay sumabak na ulit ako sa trabaho.Sabi mo hinay-hinay lang, ang pera madaling kitain pero ang kalusugan ang syang aking pupuhunanin. Eh matigas ang ulo ko, ayun bagsak na naman ako.

Akala ko hindi na ako makaka recover,lapit ulit ako sa 'yo,sabi mo matigas ang ulo ko. Pero sabay sa sinabi mong iyon, inabot mo ang palad mo, sabi mo sasamahan mo ako hanggang sa maka recover ulit ako. At muli, tinupad mo.
Sabay natin hinarap ang lahat hanggang makabalik ako sa dati kong sigla.

Ngunit sabi ko nga, tao lang ako. Laging nakakalimot. Naaaliw at nadadala sa agos ng aking kapaligiran. Muli na naman kitang nakalimutan. Naalala kita pero hindi naman ako gumagawa ng paraan para magkita tayo. Ang mama mo naman minsan ko lang matawagan, kalimitan fast call pa.

At ngayon nga, Nung sinabi sa akin ng doctor na wala pang lunas sa ngayon ang sakit ko, na pinag aaralan pa lang nila ito. Hindi ko alam kung kakatok ba akong muli sa pintuan mo. Nahihiya na ako, pero wala naman akong ibang tatakbuhan kundi ang tabi mo,kundi sa kanlungan mo.

Nagpasya ako, wala akong ibang tatakbuhan kundi ang kanlungan mo,muli akong kumatok sa yo,kagabi nga lang, kausap kita. Hindi ko akalain na ganun magiging sagot mo
"Papunta ka pa lang, sinalubong na kita. Nakita kong nahihirapan ka, kaya't kinarga na kita"

Gaya ng dati, alam kong hindi MO ako pababayaan, ramdam ko, andito ka lang at kasama kita. Maraming salamat Panginoon.

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;