Oct 7, 2012

karamay mo ay Ako

Musta ka naman? Pagod ba?
Bakit mukhang di maganda ang aura mo ngayon
Siguro di ka na naman nya nai text noh?
ikaw naman kase, ilang beses na ba kitang sinabihan
na iba ang Mahal kesa Gusto
Spelling pa lang anlayo na, meaning pa kaya.

Kahapon ang saya-saya mo lang
sabi mo, today is the day that the Lord has made
kala ko nga kumakanta ka lang eh,
yun pala nagsi celebrate ka, kase tinawag ka nyang MAHAL
sorry, naman nakalimutan ko, yun nga pala nickname mo.

o, ba't ganyan ka makatingin? parang babasagin mo mukha ko.

ayan, umiiyak ka na naman....
tsk , tsk... ilang beses na ba kitang pinag sabihan
na wag ka mag tiwala basta basta, na paglalaruan ka lang nila
ilan beses na ba yan nangyari sa 'yo? isa, dalawa? di ko na mabilang
dahil sa tuwing haharap ka sa akin, 2 anyo lang nakikita ko
ang maligaya ka at nakangiti o kaya naman ay ganyan, lumuluha.

ano nga ba ang una nilang magugustuhan sa 'yo?
maabilidad ,maganda ka, may marangal na trabaho,may pangalan.
pakunwari na lamang ang pagmamahal, kase para sa kanila isa kang trophy
na ang makuha ka at makasama eh para na rin silang nanalo sa lottery,
pero pagkatapos ka nilang pakinabangan, ayan etsapwera ka na lamang.

ayokong pagalitan ka, dahil sa araw-araw na lamang na haharap ka sa akin
bago ka lumabas ng bahay, hindi ko maiwasan na mapailing dahil nag aalala ako sa 'yo,
inaabangan ang pagbabalik mo, upang sa muling pag harap mo sa akin ay malaman ko
kung ano ang naging takbo ng maghapon mo.

at gaya ngayon, hindi na naman ako nagkamali,
luhaan ka na naman...bigo ka na naman
magsisi ka man ay huli na, dahil nagtiwala ka at nagmahal
mali na naman ang tao na pinag alayan mo nito
at tulad ng mga nakaraang araw at gabi,
magpupunas ka ng luha mo habang nasa harapan ko
kung pwede lang kitang batukan at sapakin para magising
sa pagkaka bangungot mo, malamang nagawa ko na.

Sabagay, ano nga ba naman ang magagawa ng isang tulad ko
kundi ang magmasid at ipakita sa 'yo ang itsura ng iyong pagkatao
hanggang dito na lamang naman ang silbi ko
ang maging piping saksi sa mga halakhak kapag ang saya-saya mo
at maging karamay sa mga sandali kapag umaagos ang luha sa mga mata mo.

Sige na, ayusin mo na ang itsura mo,
taas noo mong ipakita sa mundo, hindi ka apektado
na bukas masaya ka na naman lalabas ng kwartong ito
nakangiti, parang walang pinag dadaanan...
parang di nagpahid ng luha
parang di nasaktan...
lagi mong tatandaan, andito lamang ako,
tahimik man at walang nasasabi, pero nakikita ko naman at nararamdaman
ang laman ng iyong kalooban.

Ayan, ganyan nga,ngumiti ka.

Kung gaano kasakit ang masaktan, ganoon mo dapat gawin kaganda ang iyong mukha
upang maging kapani-paniwala na ang lahat ay balewala.
Anuman ang mangyari hindi kita ipagkakanulo,

sikreto mo ay sikreto ko na rin, walang makakaalam na iba

kapag nararamdaman mo na ikaw ay nag-iisa at kailangan mo ng karamay,

alam mo naman kung saan ako matatagpuan di ba?

humarap ka lamang sa SALAMIN, at dadamayan kita.

***

Oct 3, 2012

Paalam Diablo

1 message received

hindi ko na kailangan pang tingnan kung kanino galing ang mensahe

very obvious naman na sa iyo yun nanggaling.

may naka assign na kaseng alert tone para sa 'yo

sa may ilang buwan natin na paglalaro ng Diablo 3 at paguusap gamit ang skype,

nakilala natin ang isa't - isa.

Ikaw ang Demon Hunter na nagtaboy palayo sa mga mobs na kumikitil

sa buhay ng Fragile Wizard na hawak ko nga.

Isang samahan ang nabuo, ilang persona ang ating nakasama, 

ang dati'y boring na buhay ko, ngayon ay naging masigla.

Pinasaya mo at binigyang kulay ang paglaban sa mobs at elite 

kung saan si boring na Templar lamang ang palagi kong kasama.

hindi pa man tayo nagkikita ng personal, daig pa natin ang matagal ng magkakilala

mas alam mo ang mga kahinaan ko at kakulitan sa loob at

labas ng laro na ating ginagalawan. Naging jive tayo dahil na rin siguro

sa common grounds na dinanas nating dalawa.

nasa stage ka ng pagkalito at dismaya, habang ako naman ay natapos at naka survive na.

magkatulong natin hinarap ang mga minions of hell at pinaslang sila habang 

hinahanap ang mga legendary at loots para natin maibenta.

Isang laro na nagbigay daan upang ikaw at ako ay makabuo ng isang samahan

Samahan na nagpabago sa aking katauhan.

Hindi ko alam kung bakit nasasaaktan ako tuwing mababanggit mo sya,

animo'y hinahampas ng mga elite at dinadaanan ng arcane

ang puso ko sa sakit na nadarama . Akala ko'y malilimot mo sya,

dahil ang Demon Hunter hero mo at Wizard character ko ay bagay na maging SILA.

Inakala ko na dahil palagi tayong magkasama, magkausap sa skype

at magka text magdamag, ay malilimot mo na sya.

Nakalimutan ko, na ang salitang TAYO ay sa larong Diablo 3 nga lamang pala. 

Na hindi tama ang nangyayaring ito, mali na may maramdaman ako sa 'yo

Dahil ang laro ay malayo sa katotohanan,

ang mga character na ating hero ay pang Diablo lamang

Katangahan ang magpantasya na sa bandang huli ay magiging tayo,

dahil napakaliwanag, pag natapos natin ang pagpapa level, babalik na tayo sa katotohanan.

Ako ay patuloy na mamumuhay mag-isa,

habang ikaw ay may pamilya na bubuuin at pananagutan.

kaya't bago pa ako ipagkanulo ng nararamdaman ko sa 'yo

kailangan ko ng wakasan ang aking kahibangan,

Paalam Diablo at sa iyong mga kasamahan

tama na ang may isang libong oras na ginugol sa laro na alam ko naman ang kahihinatnan

kailangan ko ng lumisan, kailangan ko ng mag logout at password ay kalimutan

bago pa man tuluyang lamunin ng maling paniniwala ang aking katauhan,

Kailangan kong ilabas ang aking sarili sa portal ng game na aking kinababaliwan.

at kung sakaling mapansin mo na tila may kulang na player sa iyong listahan,

Marahil ay iniwan ko na ang Portal kung saan kita natagpuan.

mag login ka sa teamviewer,

para makita mo kung may iba na akong pinagkaka abalahan.

Ikaw ay animo'y si Diablo. Pinaluha ako at sinaktan.

****

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

;