habang naglalakad pauwi sa bahay, nakasabay ko ang dalawang magkapareha.
magkaakbay na, magka holding hands pa.
animo'y ayaw na mawawala ang isa't-isa.
napaisip ako, buti pa sila.
at habang binabagtas ko ang pauwi sa aking tinitirahan ay naglakbay ang aking diwa.
napakaraming bagay na salat sa aking buhay.
magarang kotse
malaking sweldo
marangyang tahanan
high end gadgets
madaming mamahaling sapatos
signatured clothes
alahas
BF
at habang patuloy ang aking pagbibilang ng mga bagay-bagay, naitanong ko sa sarili ko, ANO nga lang ba ang meron ako.
at muli, napaisip ako.
nang mula sa kung saan ay lumitaw ang imahe ng nakangiting mukha mo.
IKAW ang wala sila na meron lang ang isang AKO.
aanhin ko ang lahat ng gamit at yaman sa mundo kung walang isang tulad mo na kailanman ay hindi tumalikod para damayan ang isang ako.
salamat sa pagiging higit pa sa isang kaibigan.
***
money can buy love but not a true friend.
Dec 5, 2010
Nov 30, 2010
hibang
gabi na naman.
at gaya ng dati, andito na naman ako sa harap ng computer, nag hihintay na mag pop-out ang pangalan mo at makita kang naka online.
hindi naman kita ini-stalk, makita ko lang na naka online ka at mabati ng "hi, hello musta ka na?" ay buo na ang gabi ko, pwede na akong makatulog.
pero tulad ng nagdaang gabi, at mga sinundan pang gabi...hindi ka pa rin nag o- online.
hindi naman na ako umaasa na sasagot ka or mag ba buzz, gusto ko lang iparamdam sa 'yo ang presensya ko. na andito lang ako, naghihintay na pansinin mo.
kailan lamang ay mga text messages mo ang nagpapamulat sa mga mata ko, walang palya tuwing umaga ginigising mo ako.
at habang nasa trabaho, walang humpay ang send natin ng messages sa isa't - isa, bukod sa facebook, may yahoo messenger pa. kalimitan pa nga ay nag rereklamo tayo pareho na mabilis ma low batt ang mga celphone natin, sabay pareho tayong tatawa.
ang sarap balikan ng mga nakaraan, kung saan ikaw at ako ay nagkakaintindihan. walang alinlangan sa pagbibiruan. jive nga daw tayo di ba.
nagbago lang naman ang lahat nung gumimik tayo at dala marahil ng talanding pagkakataon...hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa 'yo ang isang salita na nakapag pabago ng inog ng ating mundo.
kasalanan ko ba ang umibig sa isang katulad mo?
babae lang ako...
at madaling mahulog ang damdamin, lalu na sa isang katulad mo na nagparamdam sa akin ng pagiging isang espesyal.
at sabi mo nga, espesyal ako.
espesyal na KAIBIGAN.
na hindi mo kayang sirain ang buhay at pagkatao dahil lamang sa aking nararamdaman.at simula ng gabing yun, nagbago na ang lahat.
muli, napatingin ako sa aking computer. at wari'y wala sa loob na kusang tumipa ang aking mga daliri sa keyboard ng isang mensahe na hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para paghugutan.
"salamat at ginising mo ako sa isang kahibangan. Kumusta na lamang sa Mrs mo, nawa'y lalu pang maging matibay ang inyong pagsasama"
sabay sa pag press ko ng enter key ay siya ring pagpatak ng luha sa aking mga mata.
*****
ang pag-ibig madaling matagpuan, pero ang tunay na kaibigan mahirap pakawalan.

Sep 12, 2010
sugal
mahilig ka bang magsugal?
noong bata pa ako, lagi akong hinahabol ng patpat na pamalo ng tyahin ko.
mahilig kase akong makipag laban ng pitik-patong, laro na gamit ay rubberband sabay pipitikin at kapag pumatong sa rubberband ng kalaban yun ang panalo, sabay may taya na piso.
kung sino ang talo, magbabayad.
matagal ko ng tinigilan ang pagsusugal, masama daw kase yun at walang idudulot na maganda sa kinabukasan.
hanggang sa nakilala kita.
at muli, natuto akong magsugal.
this time hindi na piso ang aking taya,
hindi kayang tumbasan ng pera ang aking pusta.
dahil puso at damdamin ko na.
kung hanggang saan tatagal ang aking pakikipaglaban, hindi ko pa alam.
basta ang mahalaga, ginagawa ko ang lahat para mapanalunan ka.
ang umaayaw ay di nagwawagi, at ang mga nagwawagi daw ay yung mga hindi umaayaw.
kahit di mo ako pinapansin at balewala sa 'yo anuman ang ipakita kong damdamin, patuloy kitang mamahalin.
isa kang blackjack na kailangan kong kamtin.
***
_________

Aug 14, 2010
manhid
nakakapagod din pala ang magmahal.
alam kong hindi tama ang umasa, alam kong wala akong mapapala, masasaktan lamang ako. pero ano nga ba ang magiging laban ng isang pusong nagmamahal.
totoo pala ang sabi nila, na malalim ang pagmamahal kapag na develop ito, yung tipong hindi sinasadya.
iniwasan naman kitang mahalin, pero dala na rin siguro ng talanding panahon, sa inaraw-araw natin na magkasama sa iisang bubong, hindi ko napigilan ang puso ko. Minahal kita.
sa mga telenovela at pocketbooks lang nangyayari ang happy endings. sa fairytales lamang nagkakaroon ng prince charming, dahil ang katotohanan ay wala kang pakialam sa akin. isa lamang akong kaibigan para sa 'yo.
kaibigan na handa kang damayan, na laging nariyan lamang sa 'yong tabihan.
minsan naiisip ko, buti pa ang laptop at iphone, lagi mong nakakandong. samantalang ako, ni minsan ay hindi man lang naranasan mahaplos ng 'yong mga palad.
na kahit anuman ang gawin kong pagpaparamdam at papansin ay balewala rin lang, dahil para sa 'yo ako ay wala lamang.
isa lamang kaibigan.
pagod na ang puso ko, naaawa na ako sa sarili ko.
mahirap palang magmahal sa isang manhid, sa isang walang pakiramdam.
tama nga lang siguro na ako na mismo ang lumayo, at umiwas sa 'yo.
ayokong dumating ang panahon na magmumukha akong pulubi na humihingi ng limos para sa pag-ibig mo.
baka kung kailan wala na ako sa piling mo, saka mo lamang maramdaman na may halaga pala ang isang AKO.
*****
i'm just a NOBODY to a SOMEBODY.
*

Jun 1, 2010
dear papa
dear papa,
Sabi ni mam, gumawa daw kami ng sulat para sa aming ama dahil fathers day.
kaya papa, eto ang sulat ko para sa iyo.
salamat sa pinadala mo, may bago na naman akong tshirt at pares ng sapatos.
Si kuya may nike shoes na naman ulit, kasya lang sa amin yung mga sukat, hindi naman siguro ganun kabilis ang mga araw para humaba agad ang sukat ng aming mga paa.
kailan ka ba magbabakasyon ulit? ilang araw na lang bertday ko na.
Ilang bertday ko na ba na hindi tayo magkakasama?
huling bertday na natatandaan ko ay noong magkakasama pa tayong pamilya.
7 taon. ganyan katagal na tayong magkakahiwalay.
Hindi ko pa naiintindihan ang lahat noon, ang alam ko umalis ka lang para magtrabaho sa dubai.
si mama naman para magtrabaho sa Singapor. Iniwan nyo kami kina lolo at lola.
Masaya kami noong una, may mga kalaro kaming kapitbahay, lagi rin kaming namamasyal kasama sila.
Nag bertday ako,
nag bertday si kuya.
Nag bertday rin sina lolo at lola.
Ilang paulit-ulit ng nangyari ito, pero hindi na namin kayo nakakasama.
Noong iwan nyo kami at ilipat ng iskul sa ilaya, natatawa ako sa mga kaklase ko.
Galing pa sila sa tabing dagat at umaahon para lang pumasok habang naka tsinelas.
Samantalang kami, taga nayon lang pero naka sapatos pa.
Wala silang baon na pera, tubig lang at paborita.
sa tanghalian, isda ang ulam nila. samantalang kami ni kuya may ulam na may hotdog pa.
Pag uwian ang sasaya nila habang naglulusong papuntang tabing dagat.
Minsan naiinggit ako sa kanila, lalu na kapag ibinabalik ang report kard na may pirma sa likod ng magulang nila.
may bagsak din sila, pero hindi daw sila pinapagalitan, sinasabihan lang sila na mag aral mabuti at saka sila tinituruan.
Noong sabado, pinayagan kami nina lola na sumama kay Amy sa bahay nila.
Masarap palang maglusong, nakakatuwa lalu na kapag nadudulas kami sa daanan.
Pagdating namin sa kanila may niluto ang inay nya. Yung tatay naman nya ay kakarating lang galing sa aplaya.
Kubo lang ang kanilang bahay, walang kuryente, walang tv. Madami silang magkakapatid.
Isda at gulay ang nakahain, at kahit di kami magkasya sa mesa ang saya-saya namin habang kumakain.
Noon lang namin ulit naranasan maging masaya habang kumakain, masarap pala ang may nanay at tatay na kasama.
Nagagalit ka kanina nung tumawag ka,tinatanong mo kung bakit balik grade 4 ulit si kuya.
Elemtari pa lang bumabagsak na.
Sinisisi mo ang mga paglalaro namin, sinisisi mo sina lola dahil di sya tinuturuan sa mga asaynment nya.
Nasambit mo pa si mama, na sana isama na lang kami para naaalagaan.
Lahat na lang sinisisi mo.
Pero papa, naisip mo bang sisihin ang sarili mo?
Nasan ka ng makipag suntukan si kuya kay Bino dahil inaasar sya na hindi makakasama sa kamping ng father and son?
Noong magkasakit ako at dalhin sa ospital, sinong ama ang nag alaga sa akin. Si lolo lang.
Gaya mo magaling maglaro ng basketbol si kuya,pero wala na sya makasama sa likod bahay para maglaro kaya inayawan na rin nya.
Sino ang tinatanong namin kapag may asaynment, kapag may lod sina lola nakakatawag kami kay mama.
Pag wala, umaabsent na lang kinabukasan kesa mapagalitan ni mam.
OO, bata pa ako. 10 pa lang ako sa susunod na linggo pero marunong na akong umintindi papa.
Naiintindihan ko na kung bakit dinadalaw mo lang kami kapag umuuwi ka,
naiintindihan ko na kung bakit nagpapaalam ka kina lola tuwing hinihiram mo kami
naiintindihan ko na kung bakit hindi ka namin kasama nung dumalaw sa singapore kay mama
ang di ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan kaming mawalan ng isang AMA.
Wag mong kagalitan ang pagbagsak ni kuya.wag mong sisihin lahat ng taong nag-aalaga sa kanya.
sagutin mo sana ang mga tanong ko papa,
Bakit ka nag-asawa ng iba?
Di mo ba kami mahal ni kuya kaya ka nag anak sa iba?
Thank you ulit sa padala mo, sana sa susunod may kasama ng picture mo, yung ikaw lang mag isa.
Happy fathers day papa.
love,
nene

May 20, 2010
hanggang kailan
ang buhay ng tao ay parang isang sugal, kung minsan panalo kung minsan ay talo.
Mga lyrics sa kanta ni Freddie Aguilar yan, paulit ulit na lamang tumatakbo sa utak ko. Kailan ka kaya matitigil sa bisyo mo, sabi mo noong una naglilibang ka lang, nagpapalipas ng oras habang tumataya ng pakonti-konti lang. Pero lumaon ang mga araw, naging linggo at ngayon nga ay halos 2 buwan, asan ka na?
Dati rati may panahon ka pang magsimba, pagkatapos ay saka tayo kakain sa paborito nating fast food chain, kalimitan pa nga ay sa Lucky Plaza. Simula ng itayo ang RWS at nasundan pa ng MBS, nabago na ang lahat.
Hindi na kita makilala, nag iba na rin ang ugali mo. Masaya ka kapag nananalo, bugnutin at laging mainit ang ulo kapag umuuwi kang talo.
Bumabait ka lang sa akin kapag hihiram ka ng pang puhunan mo papuntang Casino.
Minsan pa nga tinawagan mo ako, nasa baba ka at hindi makababa ng taxi dahil nasimot na ang perang hawak mo. Pati allowance at maging pambayad sa mga bill ng telepono mo hindi mo na naaasikaso.
Hindi dahil sa busy ka, kundi dahil sa wala ka ng pera.
"ang umaayaw ay di nagwawagi at ang nagwawagi ay di umaayaw" ganyan ang ginagawa mo, kahit ubos na ubos ka na, ayaw mo pang umayaw.
Hindi mo naiisip ang perang pinaghihirapan mong pagtrabahuhan ay isang sikmat lamang sa paligsahan na iyong pinupuntahan. Paligsahan na lamang ang talo kesa panalo. Ikaw ang kalimitang talo, at sila ang nananalo.
hanggang kailan ka pa mamumulat sa katotohanan?
Hindi sugal ang sagot sa madaling pagyaman !
kailangan ko pa bang i memorize yan?
****
2 weeks pa ang swelduhan sana naman wag mo akong istorbohin ng tawag or sms na nagpapahiwatig ka na uutang

Apr 17, 2010
Sinayang na buhay
Anlamig ng hangin, palibhasa bagong tapos lang ang ulan, basa pa halos ang semento na dinadaanan ko.
Saan nga ba ako patutungo? ah, level 16. At habang pinipindot ko ang numero 16 sa tabi ng dahon ng elevator, ay naglayag ang aking diwa.
2005 ng makarating ako ng Singapore. Naghanap ako ng trabaho unang araw ko pa lamang dito, hindi naging madali ang lahat. Kinailangan ko pang umuwi ng 3 beses bago ako tuluyang nakapasok sa trabaho.
2006 naging maayos naman ang aking trabaho, minsan nahihirapan pero dahil na rin sa napili kong linya na marketing, nasanay na rin ako sa pakikihalubilo sa iba't ibang klase ng tao.
2007, yumao si itay. sa laki ng nagastos namin sa kanya, napilitan akong mangutang sa credit card sa tulong ng kakilala kong ahente, kailangan nya maka quota kaya't ginawan nya ng paraan na maayos ang apply ko sa card na naging matagumpay naman kaya't nakabayad ako kahit papaano sa iba naming pagkakautang.
2008 naging PR ako, napakasaya ng pangyayaring ito dahil nabigyan ako ng mas malaking sahod sa aming kumpanya. Marahil ay ayaw nilang umalis ako kaya't tinaasan ng may $400 ang aking sweldo.
ngunit hindi ito naging sapat, dahil na rin sa nature ng trabaho ko na marketing, napasama ako sa mga alta sosyedad na mga local. Naging mabilis ang aking pag gastos, dahil PR nga ako, natukso akong mag loan ng sabay-sabay sa mga banko. Nakisabay ako sa lipad ng mga kasama ko, kung saan sila nagbabakasyon, sumasama ako.
Isang pagkakamali ko na hindi ko namalayan agad.
2009 dahil na rin sa laki ng mga utang ko, nag declare ako ng bankruptcy.
ang mga kaibigan ko dati na kasa-kasama sa lahat ng lakad, biglang naglaho na parang bula. May pinadalhan pa nga ako ng SMS ang reply ba naman sa akin "HU U?" as in parang last year lang eh kasama ko pa syang nagsa shopping sa orchard. tapos ngayon di na ako kakilala. Lumiit ang aking mundo, nalaman sa kumpanya ang problema ko, at mula sa pagiging marketing ay ibinaba ang posisyon ko as personnel na lamang, pati sahod ko ay nabawasan ng may halos $1500. na ikinalungkot ko at ikinabahala.
at ngayon nga 2010, hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayari, wari'y nawiwindang ako sa bawat araw na dumadaan.
ding dong ! level 16.
napakurap ako, andito na pala ako sa pinaka mataas na palapag ng aming building. Sabay sa aking pag hakbang ay ang pag usal ko ng panalangin, ipinikit ko ang aking mga mata ng may ilang ulit upang hindi tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil.
Malamig ang dapyo ng hangin, wari'y nakikipagsabayan sa aking nararamdaman. Tama ba ang aking gagawin?
Ilang araw ko na itong pinag planuhan, sa dami ng mga naniningil sa akin sa aking mga pagkaka utang, sa dami ng mga tao na nahihiya akong harapin dahil alam na marahil nilang ako ay isang bankrupt, na maraming utang na halos kulang na lamang ay wag kumain sa maghapon para pagkasyahin ang natitirang pera pagkatapos ng swelduhan. Parang hindi ko na kayang humarap sa aking pamilya.
Isa...dalawa..ikatlong hakbang at ako'y tuluyan ng tumalon mula sa ika 16 na palapag....
at habang ako ay nahuhulog, nadaanan ko ang floor ng aking mga kakilala sa building na aking tinitirahan.
sa level 15 ay namataan ko si Mr Choo habang nakaharap sa salamin ay nagsusukat ng bra. Isa syang matipunong lalake, anu at mayroon pala syang itinatagong sikreto, marahil ay ito ang kanyang problema.
sa level 12 ay nadaanan ko ang mag asawang Hanna at George, mayaman sila at may award pa nga last december as best couple of the year, anu itong aking nakikita, binubugbog at sinasaktan ni George si Hanna.
sa level 10 naman ay naroroon ang byudang si Mrs Ghan, hanggang ngayon ay nakatulala.
at sa level 7 naman ay nadaanan ko si Lyka, ang babaeng walang mga paa, hayun at nasa may veranda.
sa level 6 ay nakita ko si Mr Lau, isang tao na maysakit na cancer, kailan lamang ay nagpa chemo pa sya ngunit wala na daw pag asa.
napapikit na lamang ako, sa ilang floor na aking nadaanan ay nakita ko ang kanilang mga buhay kapag wala sa harap ng karamihan. Na mayroon din pala silang dinadalang pasakit at problema.
Gaya ko, may malaki rin silang probema. At bago ako bumagsak sa ground ng aming building ay saka lamang nagliwanag ang aking isip.
Napakaliit lamang pala ng aking problema kumpara sa mga tao na nadaanan ko sa ilang palapag nung ako ay nagpasyang tumalon upang tapusin ang aking buhay. Pera lamang ang aking problema, samantalang sila ay mismong buhay na nila ang problema pero hayun at hindi nakakaisip na tapusin ang lahat sa paraan ng pagpapatiwakal.
at sa pagsayad ng aking katawan sa ground, ang huling natatandaan ko na lamang ay nakita ko silang lahat na dumungaw sa kanilang bintana sabay napailing sa panghihinayang sa buhay na aking winakasan.

Apr 14, 2010
regalo
Paano nga ba natin mapapasaya ang ating magulang?
June 14, 2009
6:42PM
"hello anak, ang daddy kakausapin ka daw at may sasabihin " mommy ko ang nasa kabilang linya habang ipinapasa ang telepono sa aking ama.
"chok, fiesta ngayon dito sa atin, madaming bisita, andito mga kumare at pare mo. Naulit ko sa kanila na maganda dyan sa Singapore, ipinakikita ko ngayon ang mga picture na iyong pinadala" mahaba nyang bungad sa akin.
Isang retirado ang aking ama, sa edad na 64 hindi pa nya naranasan lumabas ng bansa. Ginugol nya ang kanyang mga taon sa pagtatrabaho.
Ayaw pa nga nyang mag retired, napilitan lamang dahil sumasakit na ang kanyang mga buto dahil sa arthritis. 3 beses ng naoperahan sa puso ang aking ama, at lahat iyon ay matapang nyang hinarap.
Isang ordinaryong empleyado sa gobyerno ang aking ama, hindi kami mayaman at hindi ko rin naman masasabing kami ay mahirap. Kumbaga tama lang. Nasa middle class. Isang teacher ang aking ina. Sa aming probinsya sa Laguna ako nag aral mula elementarya hanggang sa makatapos ng kolehiyo. At pagka graduate nga ay pinalad na makarating dito sa Singapore.
Sa 5 taon na pagta trabaho ko dito, ni minsan ay hindi pa ako umuwi sa Pilipinas. Kalimitan ay si mommy ang dumadalaw sa akin. gustuhin man ni daddy na sumama, hindi naman nya kakayanin ang byahe. Naka wheelchair na si daddy, iginupo ng sakit na arthitis ang kanyang kalusugan. Siguro ay dahil na rin sa sobrang inom ng beer noong kabataan nya kaya tumaas ng tumaas ang uric acid sa kanyang katawan.
August 30, 2009
Malapit na ang birthday ni daddy, siguro naman ay sapat na ang aking naipon para ipambili ng isang espesyal na regalo para sa kanya. Ipapadala ko na lamang
sa fedex para mabilis.
"hello mommy, musta kayo dyan?" bungad ko sa aking ina
"eto, laging puyat, di magpatulog ang daddy mo laging masakit ang paa" reklamo nya
"ipa check up mo kase para malaman kung ano gagawin"
"regular naman ang check up eh, tag ulan kaya ganito. laging malamig at naulan" paliwanag nya
Hindi ko na tuloy nabanggit ang tungkol sa regalo ko na ipapadala kay daddy.
September 27, 2009
11:40am
"hello chok, anak ang daddy ay nahihirapan ng huminga, ilang araw ng hindi makakain ng ayos laging masakit ang katawan nahihirapan ng bumangon" umiiyak na tawag sa akin ni mommy.
"dalhin nyo na sa ospital para mai confined, mahirap yang ganyan" utos ko sa kanya
"ayaw na ni dr Ho na dadalhin sa ospital, ganun at ganun din daw naman ang gagawin, anak nahihirapan na ang daddy..." walang humpay nyang iyak
kasunod noon ay ipinasa nya kay daddy ang telepono
"elo chok .." ramdam ko ang hirap nya sa paghinga, nahihirapan syang magsalita
"hello daddy, anong nararamdaman mo? " pinalalakas ko lang ang aking loob sa pakikipag usap sa kanya
"hirap na akong huminga..."
"gusto mo uuwi ako para magkita tayo?" pigil ko ang aking luha
"wag na, baka mawalan ka ng trabaho dahil uuwi ka. mahirap makahanap ngayon ng trabaho..." sabay ubo nya ng mahina na parang nahihirapan na.
Hindi ko na kinayanan, ibinaba ko na ang telepono at umiyak. Gusto kong umuwi, pero ayaw ni daddy dahil sa natatakot syang mawalan ako ng trabaho. kahit kailan workaholic ang daddy ko. Di bale ng maysakit basta nakakapasok, katwiran nya, mahirap mawalan ng ipapakain sa pamilya.
9:20PM
"anak, nasa hospital na kami. andito mga kumare at kumpare mo nagbabantay at nadalaw sa daddy" masayang tawag ni mommy
"o, di ayos atleast may kasama ka jan, dala mo ang laptop para makapag chat tayo at magkita sa webcam"
"bukas na lamang at gabi na" sabay tapos nya sa aming pag uusap.
September 28, 2009
9:01am
"hello chok, mayamaya ay bubuksan ko ang laptop at tayo eh mag internet" mommy ko ulit
"ok, mag aayos lang ako at para bago pumasok eh nakahanda na ako" sabay pasok ko sa banyo para maligo.
Makalipas ang may 30 minutes muling tumawag si mommy
"anak..." habang humahagulhol ng iyak " ang daddy ipinasok na ulit sa ICU, nag 70/40 ang blood pressure" walang tigil sya sa paghagulhol
"hindi na ba pwede makita kahit sa webcam ang daddy?" iyon na lamang ang aking naging sagot
"tatawagan kita maya maya titingnan ko muna ang daddy" sabay putol nya sa aming pag uusap.
9:45am habang papatawid ako sa MRT area
"chok...ang daddy...pina pump na. iiwan na tayo ng daddy mo.." iyon na lamang ang huli kong naintindihan, tila gumuho sa akin ang lahat.
Hindi ko namalayan, nakaliban na pala ako ng MRT habang umaagos ang luha sa aking mga mata. Ang ama na hindi ko man lang nakita ng may 5 taon, hayun at kami'y iiwan na.
September 29, 2009
Laguna.
Kapapasok ko pa lamang sa bahay ay sinalubong na ako ng may ilang kamag-anak, umiiyak sila. Hindi ko na naintindihan ang kanilang mga sinasabi.
Lumapit ako sa kinahihimlayan ni daddy, payapa at mukhang nakangiti sya sa kanyang pagkaka himlay. Marahil ay talagang gusto na nyang mamahinga.
"dad, sorry ha, matigas ang ulo ko. Eto umuwi parin ako." sabay dukot ko sa aking bulsa.
"dad, eto nga pala ang gift ko sa birthday mo..." at binuksan ko ang ilang piraso ng mga papel sa harapan nya.
"pinag ipunan ko ito, alam kong gustong gusto mong makapasyal sa mga lugar na nakita mo sa mga pictures ko."
hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha sa aking mga mata.
Sayang hindi na nya nakita ang plane ticket na binili ko para sa kanya, pinag ipunan kong maibili sila ni mommy ng business class sa Singapore Airlines upang maging kumportable ang kanyang byahe....
isang regalo na kailanman ay hindi na nya nakita.

to let you go
I was 5 years old nung una akong nagkaroon ng duyan sa ilalim ng punong mangga, tuwang tuwa ako habang urong sulong ka sa pag ugoy
sa akin, tila walang katapusan ang ating tawanan, hanggang sinabi ko sa 'yo na pwede mo na akong bitawan.
Kahit alanganin ka dahil sa pag aalala na baka ako mahulog, nanaig parin ang aking kakulitan, sinabi ko naman sa 'yo kayang kaya ko na,
kaya't maari ka ng bumitaw sa duyan.
Grade 6 ako ng bilhan mo ako ng gitara. Nasa likod kita habang tinuturuan mo akong tumipa sa strings sabay sa himig ng kanta ni Pilita.
Paulit ulit mo akong tinuruan, hanggang sa matuto ako at muli sinabi ko sa 'yo na maari mo na akong bitawan.
Ikaw ang naging gabay ko sa aking paglaki, kapag may nakakagalit ako, ikaw ang unang nagtatanggol sa akin.
You've been my hero, naging idol kita hanggang sa makatapos ako ng pag aaral.
I met my husband to be, at habang naglalakad ako palapit sa altar, lalung umigting ang hawak mo sa aking mga palad. Parang ayaw mo akong bitiwan at ibigay sa lalakeng handang makasama ko habambuhay.
Sabay sa pag agos ng luha sa iyong mga mata, ay ibinulong ko sa 'yo "dad, i'll be okay, pwede mo na akong bitawan"
Ikaw ang isa sa reason kung paano ko naabot ang aking mga pangarap.
Tandang-tanda ko pa noong aalis ako para mag migrate sa canada kasama ang aking pamilya, umiiyak ka. Ayaw mong magkalayo tayo.
Natatakot ka na sa paglayo ko ay hindi ko kayanin ang mamuhay sa bagong mundo ko, at gaya ng dati, sinabi ko sa 'yo "i'll be okay daddy, kakayanin ko ito"
Years have passed na parang hindi ko namamalayan.
Nakatanggap na lamang ako ng tawag na nasa hospital ka at masama ang kalagayan.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi ng doctor mo, that you only have few days to live.
Paulit-ulit mo akong tinatawag kaya't hindi ako umaalis sa tabi ng iyong kama. Hindi ko lubos maisip that the strongest man that i know was here in the hospital, lying in bed, hopeless. Malaki na ang itinanda.
At muli, naglakbay ang aking diwa. Kung paano mo ako inalagaan.
Kung paano mo ako kinalinga at ginabayan.
Umaagos ang luha sa aking mga mata, kita'y niyakap sabay binulungan "Dad, you have to let go. I'll be okay. Kaya ko ng mabuhay mag-isa sa mundo."
Isang pisil sa kamay ang naging sagot mo, sign na naiintindihan mo ako.
"i love you dad, pwede ka ng bumitaw, mommy is waiting for you now..."

Mar 24, 2010
tanging yaman
"batiin natin ng kapayapaan ang bawat isa" lahad ng kura paroko sa simbahan na aking kinaroroonan.
"peace be with you" ani ko sa aking katabi
"peace be with you" sambit ko sa nasa kaliwa kong katabi
at ewan kung bakit sa dinami-dami ng makikita ko at babatiin ng peace be with you, ikaw pa ang nakita ko mula sa ikatlong hanay ng mga taong nasa aking likuran.
Mula doon ay tila tumigil ang pag inog ng aking mundo, nagbalik sa aking ala-ala ang lahat. Kung paano tayo nagkakilala, mula sa pagiging magkapitbahay, naging mag BF at GF hanggang sa naging napakapusok natin at umabot sa kasalan.
Nabigyan ako ng magandang offer sa ibang bansa. Ayaw mo akong payagan, hindi naman kamo tayo kinukulang at sapat pa ang ating kinikita. Ambisyosa ako, gusto kong maabot lahat ng aking mga pangarap. Kahit ayaw mo akong umalis ay itinuloy ko pa rin ang aking balak.
Paglayo na humantong sa tuluyang hiwalayan. Lumayo ako, nalunod sa bagong tagumpay na aking tinamasa, nakalimutan ko na may naiwan pala ako.Makalipas ang ilang taon, Papel na lamang na nagsasaad na tayo'y legal ng hiwalay ang aking nahawakan.
At ngayon nga, makalipas ang may 9 na taon, muling nag krus ang ating landas. Hindi parin nagbabago ang iyong mukha, maamo parin at may karisma. Ang tindig mo ay gaya parin ng dati noong tayo ay nagsasama pa.
Sabay sa pagbabalik tanaw ko ay may humila sa 'yong mga kamay at nagpa karga.
Sa puntong iyon ay para akong natauhan. Nasa simbahan nga pala ako.
Hindi ko na alam kung paano natapos ang misa, nagmamadali akong tumalilis at nagpunta sa aking sasakyan.
At mula roon ay napag masdan kita, kasama mo ang bago mong pamilya. Masaya, naka akbay ka sa kanya habang karga ang bunso ninyong anak. Namalayan ko na lamang ang pagpatak ng luha sa aking mga mata, sabay tanong sa sarili ko kung hanggang saan na nga ba ang narating ko na.
Masaya ka dahil buo na ang iyong pinapangarap na pamilya.
Samantalang ako ay heto at hanggang ngayon ay nag-iisa. Nagtagumpay na maabot ang pangarap, ngunit hindi naman masaya.
Naalala ko tuloy ang sabi ng pari sa misa, kailanman ay hindi nadadala sa langit ang kayamanan.
Ngayon ko napagtanto, ikaw ang yaman na aking pinakawalan...

Jan 23, 2010
paruparo
"krissy, pose na!"
nagulat ako sa sigaw na iyon, nakalimot ako. nagpi pictorial nga pala kami dito sa butterfly park. at bayad ang bawat oras na dumadaan.
hindi ko na namalayan ang mga minutong dumaan, pose dito, pose doon. hanggang sa mamalikmata ako sa isang napakagandang paruparo.
kakaiba ang kulay nito, nakakabighani. maliit ngunit napakagandang tingnan, at sa aking pagkagulat, dumapo ito sa aking nakabukas na palad.
naglakbay ang aking diwa, sabay sa bawat click ng camera ay ang pag-inog ng aking gunita.
"san ka na naman pupunta? gagala ka na naman?" litanya ni jon, live-in partner ko.
"may pictorial lang kami sa sentosa, sayang din yun kahit papano pang allowance ko" hindi ko naman kailangan magpaliwanag, pero bakit ba nagpapaliwanag ako.
"anong oras ka na naman makakauwi nyan? kung sini-sino na naman mga kasama mo" dagdag pa nya.
2 beses sa 1 buwan, inaanyayahan ako ng mga kaibigan ko upang mag pictorial, nabiyayaan ako ng maamong mukha, may kurbang katawan at mahabang buhok. angkop na angkop sa tema na maka kalikasan. siguro ay ito na rin ang rason kung bakit tuwing may pictorial tungkol sa kalikasan ay ako ang kanilang inaanyayahan.
mabait si jon, isang marketing executive dito sa singapore. may 3 anak, hiwalay sa asawa. nagkakilala kami noong panahon na wala akong trabaho. tourist lang ang visa ko noon at kinailangan ko ng isang permanent resident para mag extend sa visa ko. kaibigan sya ng nakilala ko sa Lucky Plaza. at simula noon ay naging mabuti rin kaming magkaibigan. hindi ko maipaliwanag kung bakit 1 araw, nagising na lamang ako na kami na palang dalawa.
ilang taon na nga ba kaming nagsasama? mula 2004 hanggang ngayon, halos 6 na taon na.
kapag tinatanong ako ng aking mga kakilala kung anu ba ang plano namin 2, ngiti na lamang ang isinasagot ko. dahil ako mismo ay hindi alam kung ano nga ba ang aming plano.
hindi alam ng aking pamilya ang estado ni jon, hindi nila alam na hiwalay ito at may 3 anak. ayokong malaman nila dahil nahihiya ako, hindi dahil sa estado nya, kundi sa sitwasyon na pinasok ko. madaming binata, pero bakit sa kanya ako sumama. yan ang magiging sumbat ng pamilya ko.
marami na akong isinakripisyo. nagsisilbi akong ilaw ni jon sa gitna ng dilim. kapag nagigipit sya, andito ako. kapag meron syang problema, andito rin ako. at tuwing may magandang nangyayari sa buhay nya, andito parin ako na umaalalay sa kanya.
minsan naitatanong ko sa sarili ko, hanggang kailan ba ako dapat makisama sa kanya. gusto ko rin magkaroon ng sariling pamilya, mga anak. Isang esposo na makakasama sa pagtupad ng aming mga pangarap at makakasama hanggang sa pagtanda.
hindi ako ipokrita, alam kong hindi si jon ang tao na nababagay sa aking pangarap. ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ko sya maiwan. bakit hindi ako makalayo sa kanya.
"krissy, time is up ! pack-up na tayo" isang sigaw mula kay ritchie. hudyat ng pagtatapos ng aming pictorial.
at noon ko lamang napuna, nasa mga palad ko pa rin ang paruparo.
tumayo ako at ito'y lumipad, kasama ng ibang paruparo na nagsisiliparan sa loob ng garden. nakabukas ang pintuan ngunit hindi sila lumalabas.
sinubukan kong ibukas ng maluwang ang pinto kung lalabas sila, may 3 minuto akong nakatayo at nakahawak sa nakabukas na pintuan naghihintay ng lalabas na paruparo ngunit ni 1 man sa kanila ay walang lumabas, wari'y ayaw kumawala sa hawla na kanilang kinalalagyan.
at mula dito ay naintindihan ko ang lahat. na ako ay isa rin kagaya nila, isang paruparo sa nakabukas na hawla. may pagkakataon na lumabas at makawala ngunit mas pinipili ang manatili sa loob. kung bakit, hindi ko pa sa ngayon masasagot yan...
kung hanggang kailan ako mananatili sa aking hawla, hindi ko pa alam...

Jan 15, 2010
alam mo ba ang feeling ng rejected
alam mo ba yung feeling ng rejected?
na kahit anong gawin mo eh balewala sa taong pinapahalagahan mo.
na kulang na lang eh maglumuhod ka sa harapan nya para lang maipakita sa kanya na nag e exist ka pala.
yan, ganyang ganyan ang pakiramdam ko ngayon.
sa araw-araw na lang na gumigising ako, pagmulat pa lang ng mga mata ikaw na agad ang hanap ko, at gaya ng dati, nakaharap ka na naman sa computer mo.
minsan naiisip ko tuloy, buti pa ang laptop, nakakandong mo. samanatalang ako, palagi na lang sermon at angil ang natitikman ko sa 'yo.
mas madalas mo pang nakukumusta ang mga tao sa friendslist mo kesa tanungin man lang kung humihinga pa ba ako.
rejected, ayan ang pakiramdam ko. na kahit anung gawin ko hindi mo mapapansin.
sino nga ba naman ako para mag demand sa 'yo, eh wala namang TAYO.
sabi mo nga wala tayong commitment, wala tayong pakealamanan, kase nga wala naman tayong relasyon. ako lang naman kase ang feelinggera na umaasang meron tayong something, na ang katotohanan naman ay we have nothing.
sabi nga sa pelikula, napupuno rin ang salop.
at masasabi kong sa oras na ito ay yan ang nararamdaman ko, punong puno na ako sa 'yo, hindi ko na kakayanin pa na makisama sa isang manhid na gaya mo. hindi ko na hahayaan pang ibaba ng husto ang sarili ko sa isang tao na hindi ako nakikita, na hindi nararamdaman ang aking presensya.
sawang sawa na akong magising sa inis tuwing nakikita ko na balewala sa 'yo lahat ng ginagawa ko. ayoko ng matulog na may galit sa 'yo.
ayoko na talaga.
****
at muli
isang panibagong araw na naman ang dumaan, pag mulat ng mga mata ko, gaya ng dati, hayan at nakaharap ka na naman sa laptop mo.
at gaya ng araw-araw na nangyayari, uulit-ulitin ko na naman ang litanya ko...
alam mo ba ang feeling ng rejected?
***
sana ma realize mo isang araw ang existence ko,
baka kung kelan wala na ako, saka mo lang mapansin na may halaga pala ang isang AKO.
_________________

Jan 11, 2010
panghihinayang
paano nga ba ang mag-isa?
Naka-empake ka na pala. Talagang hindi na mapipigilan pa ang pag alis mo.
Ilang taon nga ba tayong magkasama?
apat?
at sa mga taon na iyon, bawat araw ay naging makulay.
ikaw ang naging karamay ko sa kalungkutan.
naaalala mo pa ba noong wala pa tayong mga trabaho. Isang meal pinaghahatian pa natin dahil baka kapusin tayo pareho eh wala pang nahahanap na trabaho.
noong magka trabaho ako, ikaw ang unang natuwa. hindi tayo makapaniwala na malalampasan natin ang kulay abo na mga araw sa ating hinaharap.
nagkasakit ako, ikaw parin ang karamay ko. halos nasa bingit na ako ng kamatayan at ang mga kamay mo ang umalalay sa akin, nagpapalakas ng loob ko na makakaraos din.
ilang beses mo na ba akong tinulungan, hindi ko na mabilang pa sa aking mga daliri. nagsakripisyo ka para sa akin.
isinakripisyo mo ang may 4 na taon mong kaligayahan para lamang maging karamay at kaagapay ko.
ako na walang ibinigay sa 'yo kundi problema.
bakit nga ba tayo umabot sa ganitong punto, kung saan lilisan ka at maiiwan ako.
at habang inaayos mo ang iyong mga gamit ay nagbalik sa alaala ko ang lahat. kung bakit ngayon ay paalis ka at hindi ko na alam kung muli pang magkikita.
naging makasarili ako, pilit kong isiniksik ang sarili ko sa tahimik mong mundo.
naging mabait ka at mabuting kaibigan, ngunit hindi ko iyon nakita, mandi'y naging bulag ako sa lahat.
ang mga sakripisyo mo ay pinara kong bula, hindi inintindi bagkus ay lalu pa akong naging makasarili. hinayaan kong ako lamang ang nasa itaas, gayung ikaw ang adobe na aking kinatutuntungan.
nagpalamon ako sa sistemang bulok, hindi ko naisip na sa likuran ko pala ay naroroon ang isang IKAW. na kung wala ka, hindi ko mararating kung anuman ako ngayon.
at ngayon nga ay paalis ka na, habang bitbit mo ang iyong mga maleta, wari'y ngayon ko lamang naramdaman ang tunay mong presensya. masakit mawalan ng minamahal, ngunit mas masakit ang mawalan ng isang tunay na kaibigan.
isa...dalawa...ikatlo mong hakbang ay hindi ko na napigil ang sarili ko at niyakap kita sa iyong likuran sabay sambit
"patawad, naging masama akong kaibigan. saan ka man makarating sana ako'y wag mong kalimutan. mahala na mahal kita"
at sabay agos ng mga luha sa aking mga mata ay nilingon mo ako.
"sayang, huli na ang lahat. paalam." ang huling kataga na iyong binitawan.
saksi ang ihip ng hanging amihan kung paano ako lumuha na parang wala ng katapusan. ngunit may magagawa pa ba ako? wala na, isa ka ng nakaraan.
at muli, umihip ang hangin tangay ang halimuyak ng kaaalis mo pa lamang na katawan. kung kailan kita muling masisilayan, hindi ko na alam. ang batid ko lamang ay nabawasan ang aking pagkatao. nawala ka...nawala ang kabiyak ng aking kaluluwa.
****
nasaan ka man ngayon, sumagi nawa sa iyong isipan ang aking pangalan.
at maalala mo ang magagandang nakaraan na ating pinagsamahan.

Subscribe to:
Posts (Atom)
Translate
~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~