Dec 22, 2016

True Love is...

" Merry Christmas ! Kelan ka pa dumating? "

Bungad mo sa akin ng magkita tayo sa may Plaza.

Ewan kung anong petsa ang isinagot ko sa 'yo, tila ba natulala sa 'yong presensya.

Kelan nga ba tayo huling nagkita?

23 years.

Sino ba naman ang basta makakalimot sa tao na unang nagpatibok ng aking puso.
Graduating ka sa High School, 2nd year naman ako ng magkakilala tayo.
Sa pocketbooks ko lang nababasa ang tungkol sa mga lovelife.
Hanggang sa nanligaw ka sa akin at sinagot naman kita.

Isang taon na punung-puno ng pagmamahalan.

Hanggang sa maka graduate ka at ako ay naiwan.
Nung una madalas ka pang sumulat, hanggang sa dumalang,
hanggang sa tuluyan ng nawalan tayo ng komunikasyon.
Huling balita ko, meron ka na daw ibang karelasyon.

Nagkaroon tayo ng sari-sariling buhay.

Nagkaroon ako ng asawa,
Nagkaanak,
Nakipaghiwalay,
Nagpa anulled,
at ngayon ay heto, dalaga ng muli.


"Balita ko single ka na daw?" nakangiti mong tanong.
"ah, oo. 10 years na akong anulled sa ex hubby ko,musta naman ang family mo?" tanong ko sa 'yo.

"ok naman ang mga anak ko, yung nanay eh wag mo ng itanong" sabay tingin mo sa malayo.
" May pinagdadaanan?" tukso ko sa 'yo.

"hehehe, mahabang kwento. Ikaw eh, di mo ako sineryoso" biro man ito sa 'yo, may kirot naman na dala sa dibdib ko

"aba, at ako pa pala may kasalanan ha. Sino ba ang nawala na lang bigla? " sabay tawa ko ng mahina

" 1999 ka nagpakasal, 2009 naman ako,sino ba ang unang nag asawa sa ating dalawa? " balik tanong mo sa akin. 

Hindi ko alam kung gaano tayo katagal nag kwentuhan,
ang natatandaan ko lang ay ilan beses ng dumadaan ang mga naglalako ng pandesal.
Inumaga tayo sa kwentuhan.
Sa balitaan,
na animo'y ayaw mawala ang isa't-isa sa ating harapan.

" Kung tayo siguro ang nagkatuluyan, malamang ang saya ng buhay natin ngayon" sambit mo na may panghihinayang

" Di rin siguro, kase malamang lagi mo ko pinag seselos sa mga may crush sa 'yo" pabiro kong sagot

" Ikaw eh, puro ka selos. Ikaw kaya ang first and true love ko " tila may nagma marathon sa puso ko dahil sa sinabi mo.

" ako rin, ikaw ang firstlove ko " di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ito.


Napakabilis ng mga pangyayari,
kinabig mo ako at hinalikan.
Softly, gently, nakakalula, para akong idinuduyan
Gumanti ako ng halik sa 'yo,
feeling high school lang ang pakiramdam.
Walang balak bumitaw sa ating dalawa.

Inabot ng mahigit 10 minuto ang paglalapat ng ating mga labi.
Nararamdaman ko ang kabog sa 'yong dibdib.
Nakaririndi ang pintig ng aking puso, daig pa ang tinatambol sa lakas.

" i love you " bulong mo sa aking teynga.

Sa loob ng 4 na araw na pananatili ko sa ating bayan,
naramdaman ko muli ang kasiyahan.
Parang nagbalik ako sa nakaraan,
at ang pinaka masakit ay ang muling paglisan.

" hintayin mo ako, susunod ako sa 'yo.Aayusin ko lang ang anullment namin ni Jenny at pakakasalan kita " sabay akap mo sa akin.

Para akong binuhusan ng tubig.

Bakit nga ba nakalimot ako sa ating sitwasyon,
kasal ka pa kay Jenny, may dalawa kayong anak na ang babata pa.
kakayanin ko bang mabuhay kasama ka, habang may dalawang paslit na mawawalan ng ama?


Singapore.

 


No relationship is a waste of time,
If  it didn't bring you what you like,
it taught you what you don't want.


True love is not a happy ending, 
it's a Perfect Beginning.

Dec 7, 2016

Takbo

January 2009
"buzz"
"buzz"

"musta ang SG?" bungad mo na mensahe sa akin
"ayos lang, busy as ever parin" matamlay kong sagot sa 'yo.

mahabang patlang. 
walang nagta type sa screen natin pareho.

"mukhang matamlay ah, may issue?" usisa mo sa akin.

"kase naman, lumabas na findings sa akin ng doctor" 

"may sakit ka? 
AIDS? 
hahahha!" sabay may smiley ka pang idinugtong.

"sira, MS lang. Multiple Sclerosis " paliwanag ko sa 'yo.

"OMG ! that's serious you know." 
"Tatakbo ako sa Marathon for you, for your illness, don't worry, i'm just here no matter what" 

Ramdam ko ang sinseridad mo ng gabi na yun.
Magkalayo man tayo, alam ko na tunay na kaibigan ang turing mo sa akin.


Pagkakaibigan na nagsimula sa mIRC, 
humantong sa Alamak chat 
at ngayon nga ay heto, 
nakarating na sa yahoo messenger.

Di man tayo nagkikita ng personal,
ramdam naman natin ang presensya ng isa't-isa.
May common ground nga tayo sabi mo di ba.


Later that year, isang mensahe ang natanggap ko sa Friendster.

"Hi, brother po ako ni Mike, he passed away few days ago here in Canada."

Atake sa puso.

Nabigla talaga ako. 


Sabi mo, tatakbo ka para sa sakit ko, 
yun pala mauuna ka pa mawala kesa sa akin.
Ang daya mo talaga !


December 2016.

Habang nakatayo ako kasama ang ibang kalahok na tatakbo sa Standard Chartered Marathon,
naalala kita. 

Parang kagabi lang nangyari ang usapan natin, na tatakbo ka sa Multiple Sclerosis Society,

na tatakbo ka para sa akin.


Napatingin ako sa langit,
animoy imahe ng lalake ang aking nakita.
Nakangiti. 
Walang problema.


"at kung sakali na mapansin mo 
na may mga mata na tila nakatitig sa bawat hakbang mo,
tumingin ka lang sa langit, malamang ay nakatanaw ako "


Para sa isang kaibigan, salamat !

Ang takbo na ito ay para sa 'yo. Mike Dumlao.


Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;