Dec 24, 2012

huling pasko, unang penitensya

3 na oras na lang at pasko na.
Anim na pasko rin tayong magkasama. at gaya ng sinabi mo kanina, 
this might be our last christmas together.
di mo na kelangan ulit-ulitin yan, dahil sa inaraw-araw na mumulat at pipikit
ang aking mga mata,hindi mawawala ang litanya mo na "malapit na akong lumipat, maiiwan na kita"

Dahil sa loob ng 6 na paskong dumaan, ikaw halos ang aking naging pamilya.
OA na kung OA, nagmumuni muni lang naman.
May mga kaibigan din naman tayo, pero iba ang bonding nating dalawa.
Ikaw ang guardian na kailanman ay hindi ako pinabayaan, kumbaga sa Rosary,
sinamahan mo ako sa bawat misteryo ng buhay na aking nilitanya.
Tuwing nadadapa ako, nariyan ka para tulungan akong bumangon at
muling ituloy ang paglakad.

Marami sa ating mga kakilala ang nagsasabi na bagay daw tayong dalawa,
di dahil sa maganda ako, pero dahil na rin siguro sa tagal natin na magkasama
kaya't nasanay na sila.
Noong una nahihiya ako, pero nang lumaon,
naisip ko na why not, since bagay naman tayo di ba.

Actually, dapat sa mga bagyo na lang ginagamit ang salitang PAG ASA,
dahil sa loob ng mahigit anim na taon kelanman ay hindi mo ako binigyang pansin.
Para sa 'yo ako ay isang close friend,karamay,kasangga at ang worst,
tingin mo sa akin ay isang kapatid.
Masakit,parang pinupunit bawat himaymay ng aking puso at kalooban,
Sino nga ba naman ako para umasa sa isang tulad mo.
ikaw na rin ang nagsabi na wala naman tayo.
Kahit para sa akin, merong Ikaw at Ako.
Isang kahibangan na kelanman ay hindi ko inakala na dapat palang magising.

Tama na nga lamang siguro na buksan ko ang pintuan upang makapasok ang ibang panauhin.
Nakipag kaibigan ako sa mundo na naghatid sa akin ng kakaibang kalayaan.
Alam mo yung feeling ng nakakahinga ka na walang inaalala na mamaya lamang baka may sumita dahil ang lakas ng boses mo habang nakikipag kwentuhan.
Yung nagagawa mo ang gusto mo na wala kang iniisip na malamang pagalitan ka nya kase pangit ang nabili mong medyas at di bagay sa rubber shoes na gusto mong ipamporma.
Mga mumunting bagay na inakala ko ay matatawag na kalayaan, manapa'y isa palang pagbabalatkayo
lamang dahil sa kabila ng mga ngiti at halakhak na aking ipinapakita, doon sa loob ng puso ko, may nilalang na humihikbing mag isa.

Nang tanungin mo ako kung masaya ba ako sa kanya, tumango ako sabay ngiti na animo'y may katotohanan, hindi mo tuloy napansin ang kamay ko sa likuran,
naka cross fingers at nagpapahiwatig na ang lahat ay kasinungalingan.

at ngayon nga, habang tayo ay magkaharap, muli mo akong sinabihan
"ingat ka ha, baka ito na ang huling pasko at noche buena na ating pagsasaluhan""
tulad ng mga nagdaan, muli, isinuot ko ang matamis na ngiti upang magsilbing maskara kahit sa mga mata ko ay parang may batis na gustong dumaloy ang tubig palabas.

napahid ko na ang mga luha bago pa man ito umagos sa aking mukha.
napitik ko na ang aking puso, para magmanhid sumandali sa sakit na aking nadarama.

huling pasko na tayo ay magsasama...
unang pasko na magiging simula ng aking panitensya.



***




Oct 7, 2012

karamay mo ay Ako

Musta ka naman? Pagod ba?
Bakit mukhang di maganda ang aura mo ngayon
Siguro di ka na naman nya nai text noh?
ikaw naman kase, ilang beses na ba kitang sinabihan
na iba ang Mahal kesa Gusto
Spelling pa lang anlayo na, meaning pa kaya.

Kahapon ang saya-saya mo lang
sabi mo, today is the day that the Lord has made
kala ko nga kumakanta ka lang eh,
yun pala nagsi celebrate ka, kase tinawag ka nyang MAHAL
sorry, naman nakalimutan ko, yun nga pala nickname mo.

o, ba't ganyan ka makatingin? parang babasagin mo mukha ko.

ayan, umiiyak ka na naman....
tsk , tsk... ilang beses na ba kitang pinag sabihan
na wag ka mag tiwala basta basta, na paglalaruan ka lang nila
ilan beses na ba yan nangyari sa 'yo? isa, dalawa? di ko na mabilang
dahil sa tuwing haharap ka sa akin, 2 anyo lang nakikita ko
ang maligaya ka at nakangiti o kaya naman ay ganyan, lumuluha.

ano nga ba ang una nilang magugustuhan sa 'yo?
maabilidad ,maganda ka, may marangal na trabaho,may pangalan.
pakunwari na lamang ang pagmamahal, kase para sa kanila isa kang trophy
na ang makuha ka at makasama eh para na rin silang nanalo sa lottery,
pero pagkatapos ka nilang pakinabangan, ayan etsapwera ka na lamang.

ayokong pagalitan ka, dahil sa araw-araw na lamang na haharap ka sa akin
bago ka lumabas ng bahay, hindi ko maiwasan na mapailing dahil nag aalala ako sa 'yo,
inaabangan ang pagbabalik mo, upang sa muling pag harap mo sa akin ay malaman ko
kung ano ang naging takbo ng maghapon mo.

at gaya ngayon, hindi na naman ako nagkamali,
luhaan ka na naman...bigo ka na naman
magsisi ka man ay huli na, dahil nagtiwala ka at nagmahal
mali na naman ang tao na pinag alayan mo nito
at tulad ng mga nakaraang araw at gabi,
magpupunas ka ng luha mo habang nasa harapan ko
kung pwede lang kitang batukan at sapakin para magising
sa pagkaka bangungot mo, malamang nagawa ko na.

Sabagay, ano nga ba naman ang magagawa ng isang tulad ko
kundi ang magmasid at ipakita sa 'yo ang itsura ng iyong pagkatao
hanggang dito na lamang naman ang silbi ko
ang maging piping saksi sa mga halakhak kapag ang saya-saya mo
at maging karamay sa mga sandali kapag umaagos ang luha sa mga mata mo.

Sige na, ayusin mo na ang itsura mo,
taas noo mong ipakita sa mundo, hindi ka apektado
na bukas masaya ka na naman lalabas ng kwartong ito
nakangiti, parang walang pinag dadaanan...
parang di nagpahid ng luha
parang di nasaktan...
lagi mong tatandaan, andito lamang ako,
tahimik man at walang nasasabi, pero nakikita ko naman at nararamdaman
ang laman ng iyong kalooban.

Ayan, ganyan nga,ngumiti ka.

Kung gaano kasakit ang masaktan, ganoon mo dapat gawin kaganda ang iyong mukha
upang maging kapani-paniwala na ang lahat ay balewala.
Anuman ang mangyari hindi kita ipagkakanulo,
sikreto mo ay sikreto ko na rin, walang makakaalam na iba

kapag nararamdaman mo na ikaw ay nag-iisa at kailangan mo ng karamay,
alam mo naman kung saan ako matatagpuan di ba?

humarap ka lamang sa SALAMIN, at dadamayan kita.

***

Sep 21, 2012

chat

time check: 8:49pm
ilang sandali na lang naka online ka na.
makakausap na naman kita sa skype, at kapag mabilis ang internet connection,
may chance pa na masulyapan kita sa webcam.

ilang buwan na ba tayong ganito?
Apat ba o lima? di ko na matandaan. basta ang alam ko, pinag tagpo tayo ng tadhana.
humiwalay ka sa kanya pansamantala para maiayos ang buhay mo.
ako naman, kakatapos lang maiayos ang buhay ko.
dalawang nilalang na nagbibigayan ng lakas ng loob sa isa't-isa.

tayo ang sumira sa sinabi ni Charles Dickens that Electric communication
will never be a substitute for the face of someone who, with her soul,
encourages another person to be brave and true,
dahil sa social networking, nakilala natin ang isa't-isa.
hindi pa man tayo personal na nagkikita, pero feeling natin,
matagal na tayong magkasama.
we are very much compatible, maging sa kalokohan man o serious.
minsan nga nasabi mo sa 'kin, siguro kung nasa Pinas lang ako,
ang saya -saya natin dalawa. na malamang, wala na tayong gagawin kundi mag kwentuhan, magtawanan at magyayabangan, naiimagine ko tuloy
 ang ating magiging itsura.

...is online

"hi, musta naman ang wholeday?" pambungad kong bati
"pagod, pero sulit" matipid mong sagot
...
mahabang patlang, walang tawag sa skype or type man lang sa chatbox mula sa iyo.
...
...

ilang sandali ang dumaan hindi na ko nakatiis at nag type ako sa chat box natin.
"oi, ok ka lang? " tanong ko sa 'yo

"bebz, baka di muna ako mag online ha, susunduin ko na kase bukas si Rina. Enough na siguro yung time na nagkahiwalay kami para makapag simula ulit kaming dalawa" animo'y sumabog na  bomba ang nabasa ko

Lam mo yung feeling ng binuhusan ka ng isang drum na may yelong  tubig,
yung kung pwede lang, lumusot ako sa screen ng monitor para makaharap ka agad
at maipaalala sa 'yo ang mga sakit na pinag daanan mo
noong nag hiwalay kayong dalawa,
baka sakali magbago pa ang desisyon mo.

Panu ko ba sasabihin sa 'yo na hayaan mo na lang sya at mag move on ka na lang,
gaya ng mga napapag usapan natin,na mag sisimula kang muli ng panibagong buhay,
Panu ko ba sasabihin sa 'yo, na hindi sya ang babae na para sa 'yo
at Panu ko ba sasabihin sa 'yo na wag mo na syang balikan, 
kase andito naman ako, handang umibig muli para lang sa 'yo ...

na handang masaktan kahit pauli-ulit,

"ganun ba? sabagay mas maganda nga kung mabubuo kayo na pamilya.
basta andito lang ako, laging naka online 24/7 para sa 'yo, in case na kailanganin 
mo ang tulong ko." gusto kong ilubog sa kumukulong mantika ang mga daliri ko,
hindi ko alam san nito hinugot ang mga salitang tinipa at nai send sa 'yo.

Minsan, kailangan mong maging ipokrita para pagtakpan ang sakit na nadarama.


Parang ako , kahit  alam na walang patutunguhan,
pikit mata ko pa rin isinisiksik ang ideya na maaring maging Tayo...
kahit alam ko na meron ng KAYO...




Sep 3, 2012

meant to be

"nyt nyt ! " pamamaalam niya.
"ok, next time ulit ha. Palagi ka sana mag online" sabay ngiti na wari'y ayaw matapos ang usapan.

Yung feeling na ayaw mo matapos ang inyong kwentuhan kahit alam mo na
maaga ka pang papasok kinabukasan.
Na para bang kapag nag offline sya sa chat, pakiramdam mo ay may kulang sa pagkatao mo.
Yan, ganyang ganyan ang pakiramdam ko sa tuwing maririnig ko ang pamamaalam mo.
Parang gusto kong gawing bestfriend si Darna at hiramin ang magic bato nya
para lang makalipad kung saang ibayong dagat ka man naglalayag.

Bagay tayong dalawa.
Nasa moving on process ka,
while nasa letting go stage naman ako.
Binatang ama ka, may 2 anak naman ako.
One big happy family sana if ever na maging tayo.
yun nga lang, hindi pa siguro ngayon.
At hindi ko rin alam kung kailan.

Bakit ba minsan si Kupido kung mag match ng partners sablay
Nung panahon na pwede naman maging tayo, pinaghiwalay nya ang ating landas
Tapos ngayon na pareho na tayong nabigo at nagsisimulang buuin ang panibagong bukas
saka naman tayo muling pinag krus ang landas.

"o pano, logout na talaga ako ha? Ingat ka palagi God Bless !" pahabol pa nyang message
"ikaw rin, ingatz, sana sabay tayo makapag bakasyon sa Pinas" paghahandaan ko talaga mag apply ng leave yun kung sakali.

"oo nga, sana dyan ako sa Singapore bumaba pauwi sa Pinas. O paano, ingat alang ha. wag ka na maghanap ng BF

is typing


malamang sasabihin mo na ikaw na lang hintayin ko
or baka sasabihin mong, sa tagal ng panahon na nagkahiwalay tayo na realize mo na ako pala ay mahal mo

...is typing

antagal nakaka excite,
ang bagal ba ng connection mo at ba't ganyan katagal ng message lumabas sa screen ko.
Nauhaw akong bigla dahil sa excitement, parang gusto kong kiligin na ewan.
Sasabihin mo na bang "hintayin kita" or manliligaw ka na ba. Ang tagal naman.

"hindi mo na kelangan yun, intindihin mo na lang pagpapalaki sa mga anak mo. Baka masaktan ka lang ulit, tama na yung minsan nadapa ka at nakabangon kesa muli ka na naman magmamahal tapos failure na naman ang mangyayari. O sya, paano, gud nyt na, umaga na at may pasok ka pa, ako naman eh may duty na rin mamaya. Musta na lang sa ibang tropa pag naka chat mo sila "  sabay offline mo na.



Minsan talaga ang tadhana kung magpa-asa wagas !

Jun 14, 2012

i had the right man at the wrong time

minsan, akala natin madali lang mabuhay. 
madaling mag move on. 

pero ang totoo, andito lang sa puso natin ang lahat, kinikimkim. 
ayaw pakawalan. 
umaasa na kahit papaano, 
may isang tao na ikaw ay babalikan... 

love is not like a bed of roses, 
hindi palaging kasiyahan, kailangan din harapin ang katotohanan. 

i was married with a guy who gave me 3 wonderful children. 
our relationship only lasted 4 years and he go with another woman. 
after a year our marriage was annulled, and i had to put myself back to pieces again. 

nakilala ko si Hanz noong panahon na nasa moving on stage ako from a broken relationship. 
matured sya mag isip, simpatiko. 
napapasunod nya ako, kumbaga sya ang knight in shinning armour na matagal kong hinintay upang maging tagapag ligtas. 

naging maganda ang aming pagkakaibigan. . 
sya ang tao na kailanman ay hindi ako iniwan noong mga panahon na feeling ko ako ay isa ng talunan. 
he keep me alive, sya ang nagbigay ng panibagong pag-asa sa naghihingalo ko ng pagkatao. 

araw-araw laging masaya, walang problema. 
tanggap nya kung ano ako, aking nakaraan at ang aking kasalukuyan. 

nagsama kami dahil feeling namin, may understanding na namamagitan 
sa aming dalawa. 
sa loob ng may 5 taon namin na pagsasama, wala akong matandaan na 
pinaluha nya ako. 

iilan lamang sa aming mga kaibigan at kakilala ang nakakaalam ng totoo. 
maging magulang at kapatid ni Hanz, hindi alam ang tunay na sitwasyon ko. 

tuwing tinutukso kami kung kailan ba kami magpapakasal, natatameme ako. 
at nakikita ko sa mukha ni Hanz ang lumbay. 
hindi ko malaman kung nahihiya ba sya at gustong itama ang maling akala ng mga tao na kami talagang dalawa. 
o nasasaktan sa mga biro at tanong ng mga ito. 

gusto na rin nya na magka pamilya, 
magkaroon ng sariling mga anak. 
nakikita ko kung gaano sya kagiliw sa mga bata. 
at wala ako sa posisyon upang mag alok sa kanya ng isang 
buhay na kailanman ay alam kong hindi magiging fair para sa kanya. 

he is the man that i ever wanted. 
kami talaga ang nababagay para sa isa't-isa. 

yun ang akala ko. 

nagising na lang ako 1 araw na may luha sa aking mga mata. 

mahal ko si Hanz, at hindi ko kayang isakripisyo nya ang kanyang sarili 
para sa akin at sa aking mga anak, 

hindi ako ang nababagay sa kanya. 

i love him so much, that i don't want to make his life miserable. 

ayoko syang maging katawa-tawa sa mata ng mga tao. 

binata sya, 

may 3 anak naman ako. 

loving someone doesn't mean you have to hold him tight. sometimes, 
it's much better to let go. gusto ko sya na maging masaya. 

at mangyayari lamang yon kung wala na ako sa tabi nya. 

i know it will be hard for me, dahil sa kanya na uminog ang aking mundo. 
ngunit mas gugustuhin ko pang masaktan ako, 
kesa makita kong hindi masaya ang taong nagparamdam sa akin muli kung paano makarating sa paraiso. 

hindi ako naniniwala sa tadhana. 

but i'm hoping na sana kami parin in the future. 
na kung talagang kami ang para sa isa't-isa, hahanapin nya ako. 

i'm trying to move on, although my heart don't want me to let go. 

siguro nga, hanggang dito na lang kami. 

i had the right man, at the wrong time...huli na syang dumating sa buhay ko. 


Jun 12, 2012

Rubbershoes

"kasya ba kay Ian ang rubbershoes? sukat ba or maliit" sunod-sunod na tanong ko sa aking mrs habang binabaybay ko ang kahabaan ng Ras Laffan Industrial City lulan ng sasakyan pagamit sa akin ng kumpanya.

Ilang buwan pa lang ako dito sa Qatar, may project kase dito ang aming kumpanya at isa nga ako sa ipinadala. Saan man akong bansa mapa destino, sinisugurado ko na may ipapadala akong gamit sa aking 2 anak. Mahilig maglaro ng basketball si Ian at panlaban ko naman sa taekwondo si Sopia, ang aking bunso.

Hindi madali ang maging OFW, gustuhin ko man makasama ang aking pamilya, hindi naman angkop ito sa aking trabaho. Site engineer ako ng isang dambuhalang kumpanya ng langis. At kada taon, iba't ibang bansa ang aking iniikot.

Hindi ko pinangarap maging OFW, bata pa lang ako pangarap ko talaga ay maging sundalo.
Pangarap na hindi natupad dahil sa isang pangako. Iniwan kami ni Itay noong grade 5 pa lamang ako. Panganay ako sa 5 magkakapatid. 3 babae at 2 kaming lalake.

Tandang tanda ko pa, katatapos lamang ng rebolusyon sa EDSA. Babago pa lamang winawalis ang mga kalat sa kahabaan ng Avenida at Recto. Kalalayas lamang ng maimpluwensyang diktadura.
Mga Marcoses at cronies, tumulak papuntang Amerika.
At gaya nila, si Itay naman ay tumulak din, papunta nga lamang sa Persia.
Tubero daw ang magiging trabaho nya doon. Kikita ng dolyar, ipadadala sa amin, at mula sa pangungupahan dito sa Avenida, makakalipat daw kami sa apartment muna hanggang sa makabili ng bagong bahay at lupa.

Naisip ko, anu ba naman si Itay at Inay nag eempake pa nga lang ng maleta, ang layo na ng itinakbo ng imahinasyon. Ni hindi nga namin maihahatid si Itay kase sayang din ang ipapamasahe hanggang MIA. Alas dos ng hapon ang alis ni Itay, pero alas sais pa lamang ng umaga, inihatid na sya ni Inay sa may Lawton. Doon kase ang pwesto ni Inay, nagtitinda sya ng mga kakanin sa bangketa. Hindi naman talaga tubero si Itay, marunong lamang syang magkumpuni ng mga tubo. Nakakasama kase sya sa pag ekstra kina Mang Romy, kontratista ng MWSS sa Pasig. At hayun nga, may nakilalang recruiter daw papuntang Persia. Salary deduction, walang gastos, kaya sya lumarga.

Huling haplos sa akin ni Itay, sabi nya, "anak pagdating na pagdating ko sa Persia, ibibili kita kaagad ng Rubber shoes, hindi ka na sasakit ang mata sa kakatanaw sa mga eskaparate sa Isetan. Gusto mo mo yung NIKE pa para sikat ka sa buong Avenida" napaiyak ako sa sinabi ni Itay, alam nya kase na yun ang matagal ko na talagang pangarap. Ang magka rubbershoes. Sa edad kong 11, ni minsan hindi pa naranasan ng mga paa ko ang makapag suot ng de goma. Lagi na lamang gawang Recto at Marikina ang naisasapin ko sa aking mga paa. Gustuhin ko man sumali sa Liga, hindi ako makapag try out. Unang requirements nila, dapat may sapatos kang de goma.

26 na taon...lumipas ang mga panahon na iyon na walang rubbershoes na dumating sa aming pamilya. Si Inay, kahit hindi nya sabihin sa aming magkakapatid, alam namin na may problema.
Hindi nagpapadala si itay ng pera, akala ni inay hindi ko sya nakita ng minsang patauhin nya ako sa kanyang pwesto, may nilapitan syang tao at itinanong kung totoo bang na relocate si Itay at nakarating sa Saudi kung saan may giyera.

Wala kaming pera, mahirap mabuhay sa Maynila. Tigil sa pag aaral ang 2 kong kapatid na babae at si Arnel, ang bunso namin, imbes na gatas ang nasa bibiron nya, AM ng sinaing at kaunting asukal lamang ang inilalagay ni Inay. Wala kaming pambili ng gatas nya. Inabandona kami ni Itay na nasa Persia.

Pag kagaling ko sa eskwela, tumatambay ako sa may City Hall, habang hinihintay ko si Inay matapos sa kanyang pagtitinda ako naman ay nag aalok ng serbisyo para mag limpya bota.
Master ko na ang pagpapakintab ng mga sapatos na balat. Mula singkwenta sentimos, napalago ko ang aking serbisyo at nakakapaningil na ako ng dalawang piso hanggang kwatro pesos.
Salamat sa Bitton, ang pampakinis ng mga sapatos. sa halangang tatlong piso, kaya kong makapaglinis ng may 50 pares na sapatos sa singil na dalawang piso hanggang kwatro.

Dito uminog ang aking musmos na mundo. Nagbinata ako na nagbabanat ng buto. Pasalamat ko na rin at may ibinigay sa akin ang Diyos na kaunting galing, may talino daw ako.
Dahil batang City Hall, madami akong nakilalang mga tao, mga padrino na nagtawid ng gutom sa pamilya ko. Si Inay, mula sa pagiging tindera sa bangketa, naipasok ko kay Mrs Sanchez bilang alalay nya . Uwian araw-araw, may pabaon pang pagkain para sa aming magkakapatid.
Sina Lisa at Leona naman ay nakakuha ng scholarship sa CHED, dahil na rin sa rekomenda ni Mr Apostol, ang suki ko sa shoe shine. Si Arnel naman ay nag aaral na rin.Nakapag tapos ako ng Mechanical Engineering sa MAPUA dahil sa pagiging working student. At ngayon nga, after 26 years, masasabi kong malaki na ang ipinagbago ng aming buhay. Ng akin mismong buhay.

Si Itay? kailanman ay wala na kaming naging balita sa kanya. Minsan habang nasa may terrace at nag kakape, napag usapan namin ang nakaraan, malamang may iba na siguro si Itay na pamilya. Napakatagal ng 26 taon para manahimik sya ng ganoon na lamang. Sabagay, uso na talaga ang ganoon. Mga walang kwentang tatay.

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang mag ring ang aking cellphone.
"Manong Bhong, baka po may time kayo mamaya invite ko po sana kayo..."  hindi ko na sya pinatapos ng kanyang sasabihin
"naku, Bryan, pasensya na ha. Medyo busy talaga ako eh. Siguro 1 araw daan na lang ako dun sa Apartment nyo, pasensya na ha" sabay pindot ko sa end button.

Sa Shipping Company nagta trabaho si Bryan, pamangkin ng Mrs ko. Mahilig talaga sa mga extra curricular activites, palibhasa may pangarap maging politician sa kanila sa Ilocos. Kaya pati dito sa Qatar, naging involve sa mga Filipino Organizations at eto nga, pati ako kinukulit. Mula sa ini a apply na mga kababayan hanggang sa humihingi daw ng tulong. Utak pulitiko nga.

"Manong Bhong, eto po yung grupo namin ng mga Ilocano dito sa Qatar. May mga affiliations po kami sa iba't ibang organization dito sa Middle East. May mga natutulungan din po kaming mga kababayan lalu na yung mga dito na inaabot ng pagkakasakit, minamaltrato ng mga amo at mga walang documents. " mahaba nyang paliwanag.
Habang daldal sya ng daldal, iniikot naman ng aking mga mata ang kanyang tinutuluyan.
Masikip, magulo. Madaming nakatira, Boarding house daw kase ito at Pinay na may asawang Syrian ang may ari. Mababait daw at mapag kawang gawa.
Pansin ko nga, mapag ampon sila. Kase may mga ilang manang ako na nakita sa isang sulok na may tabing ng londa or tela ba iyon, nakahimlay sila. Halatang matatanda na at may karamdaman.
Napansin ata ako ni Bryan at napatingin sa akin.
"ay Manong Bhong, mga taga atin din yan. Naghihintay ng tulong mula sa mga organizations at Embassy para makauwi na sa atin." paliwanag nya
"Bryan, mangan kayo ditoy madamdaman, ag luto kamin, naimasen !" nauunawaan ko ng konti ang sinabi nung nagsalita. Inaanyayahan ata kami na dito na kumain mamaya.
"wen manang, nya sida yo?" sagot ni Bryan

Habang nag uusap sila, naglibot libot pa ako sa may veranda.

Napansin ko ang isang matandang lalake na natutulog sa may papag habang may nakatakip na sumbrero sa mukha.

"Manong, si Tatang yan. May kahinaan na tenga nyan, sabi nga namin eh parang bingi na talaga at may alzheimers disease na ata. Matagal na yan dito, undocumented daw kase. Actually, naaksidente yan, parang wala na atang matandaan, kundi yung gamit nya lang na palagi nyang katabi. Tapos kung makipag usap, parang kakaiba. Alzheimers nga daw sabi dito. Nadatnan ko na yan 3 years ago eh. Matagal na daw yan dito at sya yung nag aayos ng bahay, naglilinis. Libre na nga accomodation nyan eh. Parang magulang na rin nila Manang Cynthia dito." dami talagang alam ni Bryan, pati buhay ng ibang tao kabisado.

Masarap ang nilutong Igado at pinapaitan nina Manang Cynthia. Syrian ang kanyang asawa, pero daig pa nito ang isang Pinoy sa galing magluto ng ilocano specialty. May restaurant daw sila dati sa Kuwait, may nakuha na nga raw na soloist para mangharana sa mga kumakain na parokyano, kaso pumutok nga daw ang gera dito sa Middle East at kung wala daw yung soloist na kaka interview lang nya, malamang patay na sya. May sumabog daw kaseng bomba malapit sa kanila, dinamba daw sya ng soloist at sabay silang natumba sa may bar kayat di naabutan ng nagliliparang metal mula sa tinamaan ng missile. At yung soloist daw na yun ay nabingi na nga. Kaya't inampon nila. Dun pala nagsimula ang pagbibigay nila ng kawang-gawa.

Pati tuloy ako, nahahawa na kay Bryan sa pagiging tsismoso. Sa lahat pa naman ng ayoko, eh yung makinig sa kwento ng buhay ng ibang tao. Ayoko kase na inaalam din ng iba ang naging buhay at pinag daanan ko. Isang saradong aklat na iyon para sa akin.

Mula sa labas ng kusina kung saan kami ay kasalukuyang kumakain ng panghimagas na lecheflan, narinig ko ang pagtipa sa gitara, awitin ni Tom Jones ang himig, my ellusive dreams.
May kung anong bumundol sa dibdib ko, kabisado ko ang timbre ng boses na aking naririnig, matagal ko mang hindi narinig, pero di ako pwedeng magkamali. Paboritong awitin ni Itay ay Ellusive dreams ni Tom Jones, at mula sa kusina, napatayo ako at nagpunta sa sala.

Isang payat at impis na mukha ng isang matanda, halos luwa ang mga mata. Puti ang buhok at may ilang ngipin na nalagas na. Hindi man kasinglinaw ng pagbigkas dati sa lyrics dahil narin siguro sa mga nabungal na ngipin sa harapan ng kanyang bibig, ganoon parin kaganda ang timbre ng boses nya. Hindi ako maaring magkamali, tumanda lang sya  pero para syang si ITAY !

Habang nilalapitan ko sya, Parang gusto ko syang sapakin, pagalitan, ibuhos lahat ng sama ng loob na nandito sa aking dibdib. Gusto ko syang tanungin, Itay, bakit mo kami pinabayaan?! Pero walang lumabas na boses sa aking bibig. Nakasunod na pala sa akin sina Bryan at Manang Cynthia.

"Sya si Tatay Ador. Utang namin sa kanya ang buhay ni Irfan. Kundi dahil sa pagpipilit nyang maging soloista sa restaurant, malamang hindi nya nailigtas ang aking asawa.

"kow, eto na naman si Conching, wala ka naman maibabalitang maganda eh" pinutol nito ang kanyang pag awit.

"Tatay Ador, may mga bisita po tayo. Taga Pilipinas, tyuhin ni Bryan !" pasigaw si Manag Cynthia

"Taga Pinas ba kamo? Nakow nakow...."  at nagmamadali itong dumukot ng bagahe sa ilalim ng kanyang papag

"maari bang magpadala ako sa iyo, wag mo itong iwawala, mahalaga ito. Hindi ko lang maalala ang tirahan nila pero tanda ko ang pangalan." at mula sa kanyang maleta inilabas niya ang isang napakalumang plastic bag.
"ito, ibigay mo ito kay Adolfo Rodriguez Jr, nakow, matagal na itong hinihintay ng anak ko. Wala akong mapag padalhan at nagpuputukan sa labas. Sige na, pakidala mo sa kanya, kailangan maibigay agad iyan at sasali sya sa Liga ng Kabataan sa amin, sige na awa mo na..." mangiyak ngiyak nyang pakiusap.

Ganoon na lamang ang gulat ng lahat ng bigla kong yakapin ang kanilang Tatay Ador.

"Tay, uuwi na tayo. Makakasama mo na kaming pamilya mo !" hindi ko na napigilan ang aking luha. Dalawampu't anim na taon...ang rubbershoes na naghatid sa akin ng sama ng loob at naglayo sa aming ama.

"ikaw pala ang anak na palagi nyang inaalala. Ang rubbershoes na yan ang dahilan kung bakit sya nagpunta sa aming restaurant. Gusto nyang kumita ng extra para maipadala yan agad sa 'yo. Nagkataon na biglang nagka gera at natigil ang trabaho nila. Noong araw na lumapit sya sa amin, bitbit nya ang plastic bag na yan. Kahit wag na daw syang swelduhan ng ilang buwan,maipadala lang yang sapatos mo dahil hinihintay mo daw yan. Nagkataon naman na may missile na dun nga sa lugar namin tumama, iniligtas nya ang buhay ni Irfan kapalit ng kanyang pandinig at pagkawala ng memorya. Halos 1 taon sya sa ospital, at kami na nga ang kumupkop sa kanya."
Mahabang kwento ni Manang Cynthia.

January  17, 2012

NAIA.
Ganoon na lamang ang tuwa nila Inay at 4 kong kapatid ng makita nila ang aking sorpresang pasalubong. si ITAY. na hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi nya binibitawan ang plastic bag laman ang 26 years old Nike rubbershoes kahit ito ay gulanit na at hindi na pwedeng mapakinabangan.

Makalipas ang may 6 na buwan, may ipinagbago na sa kundisyon ni Itay. Nakikilala na nya kami, at hindi Alzheimers disease ang kanyang naging sakit. Nag clog ang nerves sa kanyang utak upang magpabalik balik sa kanyang alaala ang nakaraan at makalimutan ang ibang detalye sa kanyang buhay. Sa ngayon ay masaya na kaming pamilya, sa bahay at lupa naming sarili. Sa Cavite, dito kami magsisimula ng panibagong bukas kapiling si Itay.
Kapiling ang 26 years old Nike Rubbershoes na ngayon ay nasa loob ng glass shield at naka display sa aming malaking sala.

+ +




Jun 6, 2012

Essay kay Papa

First day of school. 
Bagong eskwelahan, bagong mga kaklase, bagong mga guro. Lahat sa aking paningin ay bago.
Pati nga mga gamit ko bago lahat, pwera lang yung sapatos ko, binili ito ni lola nung marso, para gamitin sa graduation ko.

Sabi ni Teacher, father's day daw this month. Di ko narinig ng ayos yung exact date, kase naman yung pencil case ng katabi ko, nalaglag sa sahig. Eskandalosa masyado ang ingay. Di bale, barbie naman ang brand.
We need to write an essay about our father daw. Dahil karamihan sa section namin ay OFW ang mga magulang, napansin ko na kanya-kanya sila ng bidahan.

Natameme ako.

Paano ko ba isusulat ang tungkol kay papa, eh 4 years old pa lang ako, naghiwalay na sila ni mama.
May bago na syang pamilya, ayun nga at may kapatid na ako sa kabila. ay, mali, kapatid daw sa labas. whatever, basta ka apelyido ko sya at anak sya ni papa. kahit di ko pa sya nakikilala.
Kung isusulat ko naman ito, hindi kaya lumabas naman na masyado syang masama. Newbie pa naman ako sa school na ito, ano na lang sasabihin ng magiging future kaibigans ko.

Eh kung iku kwento ko naman ang naging happennings namin nung magbakasyon sya dito last summer, mas lalong boring. Alangan namang isulat ko na umatend sya sa graduation ko, dahil papa ko sya, sabi nina teacher sya na daw ang magsabit ng medal ko, grabeng iyak nya ha. Nakuhanan pa talaga sa picture. Para may souvenir, sabi ko sa potograper, 2 kopya na gawin. sabay hingi ko kay papa ng 100 pesos, alangan naman ako magbayad nun. Inabutan pa namin ng bulaklak ang aming magulang, 30 pesos daw sabi ni teacher, hiningi ko rin sa kanya yun. Aatend atend sya ng graduation ko eh hindi naman sya dapat ang kasama ko dun. Daming nag comment sa pictures namin dalawa, nakapag pa graduate na daw sya ng elementarya, haler ! si Mama kaya nagbayad ng tuition fee ko, ba't sya ang pinasalamatan ng mga kaibigan nya. 2 picture at 1 rose nga lang pinuhunan nya, samantalang si mama almost 7 years na tuition fee ko lahat sya ang umariba. Unfair talaga kaso, asan nga ba si mama, andun sa abroad, OFW din daw kase sya. 
Di ko pwedeng ilagay na kwento ito, lalabas namang wala na ngang kwenta, kuripot pa si papa. Nakakahiya di ba.

Ang hirap palang mag isip ng essay, akala ko ba easy lang ito. 
Nakita ko ang mga kaklase ko, hala ang hahaba na ng paragraph nila, samantalang ako, eto hanggang ngayon nag iisip pa. Nakaka stress pala maging estudyante tapos may ipapagawa na ganito. Bakit kase hindi pa sa July na lang nag openning ang klase, para tapos na ang father's day. kase naman eh...kasalanan ito ni Presidente. Palibhasa tatay nya eh patay na nga, naging bayani pa.

Kinulbit ako ng kaklase ko, ano daw spelling ng Pilantropist kase ganun daw daddy nya, ano ba naman ito. Yun ngang meaning ng OFW di ko alam kung ano, spelling pa ng pilantropist malaman ko?!

Ano nga bang klase ng OFW si papa ko? Kase simula ng mag abroad sya noong 2007, eh 3 beses nya pa lang kami napadalhan ng pasalubong. Hindi ko nga alam kung ano yung binabanggit nila mama na remitans daw, kase wala daw binibigay na ganun si papa. Nung umuwi naman sya last April, 1 relo at 3 t-shirt na Dubai lang ang binigay nya. Actually, di na nga kasya kay kuya yung short na dala nya. Mali kase ang sukat, mukhang para ata yun sa bagong anak nya, tapos ibinigay na lang kay kuya.

Kung ang isusulat ko naman ay ang masasayang panahon na si papa ay kasama ko, baka akalain ni teacher nagsisinungaling ako. Kase sa totoo lang, huling karga nya sa akin eh noong ako ay nasa grade two. That was 5 years ago. Tuwang tuwa ako nun kase pumunta sya sa event ng school namin. Kinarga nya ako at sa tagal ng panahon na na miss ko sya, feel na feel ko ang ligaya. Lam mo yung pakiramdam na secured ka, na walang sinuman ang pwedeng mang asar sa 'yo at sabihin na "wala ka na ngang ina, wala ka pang ama" kase naman parehong nasa abroad sila. Yun nga lang, magkahiwalay. As in hiwalay na kase sila, may kanya kanya ng buhay. At si papa nga, may iba na rin binubuhay. That was my last memory na masaya kami ni papa. Sayang nga lang at kinailangan na nyang umalis noon. Hindi na nga nya ako hinatid sa bahay nila lola. Malayo pa daw kase ang byahe nya.

After that, nagpaalam na sya sa amin ni kuya. A abroad na rin daw sya. Akala ko nga susundan nya si mama, akala ko lang pala. Ibang babae pala sinundan nya at ayun nga, ngayon eh mag asawa na sila. Nagka anak na nga eh, yun nga lang hindi pa ako ready na makilala sya.

Hindi siguro nagpahula dati sila mama, dapat bago sila naging mag asawa nagpa punsoy muna.
Para atleast alam nila na magkakahiwalay pala sila. Eh di sana iba na lang inasawa nilang pareho, at para kami naman ni kuya hindi nalulungkot ng ganito di ba. At higit sa lahat, hindi sana ako mahihirapan mag isip ng isusulat about sa aking ama ngayon dito sa klase ko.
Kasalanan ito ni aling Ising, dapat nagpalabas sya ng commercial sa tv na nanghuhula sya, para nakapunta muna sila papa sa kanya bago nagpakasal di ba.

Anong oras na, wala pa akong nagagawang essay aba ! 
Kung pwede lang na ilagay ko dito na sana, wala ako sa mundo kung wala akong papa na nagmahal sa amin noon ni kuya, kahit na iniwan nya kami at sumama sya sa iba, hindi nya parin nakakalimutan na tumawag sa amin kahit paminsan-minsan. Hindi nya parin nakakalimutan ang mga paborito namin, at higit sa lahat, bago ibaba ang telepono, palagi nya parin sinasambit na Mahal na mahal nya kami ni kuya at wag daw namin kakalimutan na anuman ang mangyari, mayroon pa kaming papa na palaging nag iisip sa aming dalawa kahit nasa malayo sya. Na magkakalayo man daw kami bilang pamilya, walang araw daw na hindi nya kami naiisip ni kuya. Sa katunayan pa nga daw, nasa celpon nya ang mga pictures namin na mag-aama, simula noong bata kami hanggang ngayon nga na ako ay naging high school na. Lagi pa nga nyang sinasabi na kahit wala sya sa tabi namin ni kuya, wag daw namin iisipin na kami ay nakakalimutan nya kase dugo nya daw ang nananalaytay sa katawan namin dalawa. Na kung sakali man daw at mawalan na sya ng hininga, manatili daw sana sa puso namin na minsan sa buhay namin, sya ay naging isang mabuting papa. Kung pwede lang na ito ang isulat ko, sana eh di kanina pa ako nag pasa ng papel kase konti lang naman ang maisusulat ko tungkol sa kanya.

Sa loob kase ng 12 years na ako ay naging isang bata, iisa lang ang nagparamdam sa akin na ako ang prinsesa sa buhay nya, at yun eh si Papa. Kahit magkahiwalay kami at may iba na syang pamilya, mahal ko pa rin sya bilang ama, kase, wala naman ako ngayon sa La Salle Lipa kung walang isang papa na naglagay ng buhay sa sinapupunan ni mama at makalipas nga ang siyam na buwan, inilabas ang isang... AKO.

Sana pala nag text na lang ako kay lola, malamang kanina pa yun nakapag send ng isusulat ko dito sa essay para kay Papa....hay, yari ngayon ang first day ko sa eskwela, walang naisulat kaya eto..nganga !




***
susulat ako sa senado, ilipat ang openning ng klase tuwing Hulyo !









Jun 4, 2012

watawat

Kuha ito noong company trip namin sa Korea, napadaan kami sa business district nila at eto nga, mga flag ng ASEAN ang una kong nakita.

Hindi naman ako Patriot or Masyadong makabayan, pero ng makita ko ang bandila ng Pilipinas, parang may kung ano sa loob ng puso ko ang biglang nabuhay at hindi ko namalayan, umaagos na pala ang luha sa aking mga mata.

Sabihin mo ng OA, eh sa yun talaga ang nangyari eh.
Pinag tawanan pa ako ng mga kasamahan ko sa kumpanya, ano daw meron sa ating Bandila at ba't napaiyak ako. Sabi ko, wala. May epal pa akong ka empleyado, nag comment ba naman ng "what so special with your flag, only comes with red white blue and color yellow" 
Gusto ko sana syang batukan, at isa isahin ang meaning ng bawat kulay sa ating National Flag.
Palibhasa walang subject sa bansa nila ng Araling Panlipunan.
Kaso naisip ko, waste of time din lang naman, dahil paulit ulit ko man sa kanilang ikwento na ang mga bituin sa watawat ay sumisimbulo sa Luzon Visayas at Mindanao, na ang isang guhit ng araw ay kumakatawan sa probinsyang nag aklas noong panahon ng kagitingan, ang BATANGAS, na aking kinamulatan, hindi rin nila maiintindihan.

Sabay sa pagtingala kong muli sa ating watawat, parang naintindihan ako ng kalikasan.
Humangin bigla at animoy may sariling pag iisip na ito ay wumagayway.
Lalo ko na miss ang Pilipinas, naging mabilis ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.

Parang kailan lamang, umuugoy sa saliw ng hangin ang hawak kong bandila habang nagma martsa sa kahabaan ng morayta papuntang mendiola, kasama ang ilang estudyante kami ay sumisigaw, "Imperyalismo,IBAGSAK ! Burukrata Kapitalismo  IBAGSAK" at sinuman ang umupong Presidente sasabihin ang pangalan kasunod ay BABAGSAK, aapak-apakan, dudurug durugin, dudura-duraan !" mga panahon ng aking Golden kabataan.

O, ba't ganyan ka makatingin? walang pakelamanan, wall ko ata ito baka iyong nakakalimutan !

palagi kong naririnig nun, wag magpaalila sa mga dayuhan, bumangon tayo gamit ang ating mga likas na yaman. Ibasura ang foreign ek-ek act, ibagsak ang kapitalismo na pinamumugaran ng halimaw sa pamahalaan...at marami pang iba.

napakurap ako, 16 years ago na nga pala ang matuling nakalipas. buhay pa si Daddy noon, malakas pang humataw ang business ni mader sa LTO, wala pa akong sinusuportahan na mga inakay.
16 years ago, nag aaral pa lamang ako at humihingi lang ng baon, wala pang sakit si daddy na kailangan naming ipangutang at isangla ang mga ari-arian. May sarili pa akong sasakyan noon. 16 years ago...16 years ago...

Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"'te, ok ka lang? magkaka stiff neck ka nyan, halika na, bago ka pa makapag recite ng Panatang Makabayan.

Ang bilis lumipas ng panahon talaga, ang dating isinisigaw ko sa kalsada, ngayon pinag lilingkuran ko na. Nasa bansa ako ng mga dayuhan. Likas na yaman ba? san naman ako kukuha ng ikakapital para maging simula di ba?
Kung walang kapitalista na dayuhan sa atin, sino namang mayaman kaya ang mag i invest ng ganun na lang sa ating bansa...
hay, kabataan ko nga naman. Wala ng nakita kundi ang nasa harapan, hindi ko man lang naisip noon ang dahilan kung bakit may tinatawag kaming mga Bagong Bayani ng Bayan.
OFW daw, at ngayon nga eh  MEMBER na rin ako nyan.

Di bale, 1 araw, uuwi ako sa atin at dadaan ako sa dati kong eskwelahan. Aatend ako ng FLAG CEREMONY . 

Ipapatong kong muli sa kaliwang bahagi ng aking dibdib ang kanan kong kamay sabay awit ng Lupang Hinirang sa saliw ng musika ni Julian Felipe na susundan pa ng tula na Panatang makabayan.



-o ang kilay,  wall ko 'to ok?!


Jun 3, 2012

si BRUTUS

“hala, baka nahihirapan na si kagome, tumawag na tayo ng doktor” mungkahi ko kay Gemma
“ano ka ba, ganyan talaga si kagome manganak, nakakaawang tingnan pero mamaya lang ok na ulit sya “ paliwanag ni Gemma, ang bestfiend at kababata ko.

“ayan, lumalabas na ang anak nya, bilis Lino, kunin mo agad ang basahan !” utos nito.

Tuwang tuwa kaming dalawa, ilang linggo rin namin inabangan ang panganganak ni Kagome, alaga nilang aso. Wala itong lahi, askal nga kung tawagin. Pero malapit kami ni Gemma dito palibhasa iisang aso at alagang alaga.

“ang ganda ng anak nya, kaso Gemma, bakit kulay itim ang dila? Di ba matakaw daw pag ganyan?” tanong ko sa kanya
“wala yun sa kulay ng dila, matakaw ang aso kapag gutom. Parang tao, pag nagugutom, natakaw.” paliwanag nya.

“ano pala pangalan ng tuta? dapat ba kunin rin natin sa anime?” tanong ko sa kanya
“hmmmnnn….ano nga ba? “ napapaisip nyang tanong rin sa akin.
“BRUTUS ! yan na lang itawag natin sa kanya ! kalaban ni Popeye, tutal maitim ang dila nya at mukhang kakatakot ang personalidad !” excited kong naimungkahi

“oo nga ano, sige, sya si Brutus !” sabay sa pagbibigay namin ng pangalan kay Brutus ay ang paglabas muli ng kanyang dila, nagpapahiwatig marahil na gusto nya ang kanyang pangalan.

Araw-araw dumadaan ako kina Gemma, bakasyon noon kaya’t malaya akong nakakapunta sa kanila.
Lumalaki na si Brutus, at kumukulit na rin.

Araw iyon ng martes, malapit na ang pista sa amin. Nagulantang ang barangay dahil sa sunog.
Ang bahay nina Gemma pala ang kasalukuyang tinutupok ng apoy. Hindi magkamayaw ang mga kapitbahay namin sa pag apula ng apoy. Makalipas ang may 4 na oras, saka lamang idineklara na wala na ang apoy at may kalahti ng bahay nila ay sunog.


" Gemma may ilang damit ako na dala rito, pasensya ka na mga damit yan ni Inay. Wala kase akong mahagilap na iba" sabay abot ko sa kanya ng ilang pirasong damit


"salamat Lino, sabi ni Papa babalik na daw kami sa maynila, sa may pugon nagsimula ang apoy, napabayaan ng aming katiwala. Nakakaawa nga at maging si Mang Iking ay nasunog sa may kusina. Lino, iiwan ko sa 'yo si Brutus. Alagaan mo sya ha. Isa lang kase ang aso na pwede kong isama sa byahe, napakalayo ng Maynila at natatakot ako na hindi ito kaya ni Brutus, si Kagome ay sanay ng mag byahe" mahaba nyang paliwanag.


"talaga? ipagkakatiwala mo sa akin si Brutus? wag kang mag alala, papaka alagaan ko sya at magsisilbing alaala ng ating pagiging bestfriends" sabay yakap ko kay Gemma.


Araw ng sabado. 
"Lino heto na si Brutus, alagaan mo sya ha."  mula sa kanyang bulsa ay dinukot ni Gemma ang 3 Piraso ng metal.
"eto ang magiging tanda ng ating pagkakaibigang 3. sa akin ang kabiyak ng puso, sa iyo Lino ang isang kabiyak at itong susi naman', sabay sukbit nya sa collar ni Brutus,
"ay para kay Brutus, lumaki man sya at tumanda, madadala dala nya ito hanggat nasa kanyang collar."


Lumisan na sina Gemma, sa maynila na sila maninirahan, binenta nila ang Hacienda sa isang korporasyon, gagawin daw diumano itong mango plantacion. 4 na taon ang matulin lumipas, nakapagtapos na ako ng kursong Agriculture sa pampublikong Unibersidad sa kabisera. Malaki na si Brutus, ipinakapon ito ni Ama, kaya't lalong naging matikas at malaki ang katawan.


Gaya ng dati, nasa amin na naman ang anak ni Dr Eliseo, makulit ang batang ito, basta magustuhan hindi titigilan hanggat di pinagsasawaan.
Noong nakaraang linggo, ang alagang gansa ni Tyo Sening ang napag tripan, di pumayag na di maiuwi, after 1 week isinoli at ayaw na daw nya, mahilig daw umipot sa kanyang palaruan. Ngayon naman ay si Brutus ang nagustuhan, bilin ko kina inay hayaan na lang sa bahay laruin, baka kase magustuhang iuwi ay hindi ako paapayag.

Umakyat ako sa itaas ng aming bahay at naabutan si Dr Eliseo, nakahiga si Ama sa kama.
"Lino anak, ang iyong Ama, inatake sa puso." hagulhol na si ina habang inilalapit ako kay ama. "malamang ay matagal na nya itong nararamdaman hindi na lamang pinapansin, mabuti na lamang at kanina ay nakita sya ni Miguel habang naglalaro, nakita nya daw itong napaupo sa may hagdanan" paliwanag ni Dr Eliseo.


May 1 linggo rin si itay inalagaan ni Dr Eliseo, wala itong hininging bayad, parte daw ito ng kanyang charity mission.
"kuya Lino pwede ko ba mahiram si Brutus? ibabalik ko naman sya eh pag balik namin ni Daddy. 2 araw lang naman kami sa Maynila" pag susumamo ni Miguel. 


"pasensya ka na Lino sa anak ko, medyo may ugali kase ito na ang magustuhan kahit ano kailangan nya makuha pero ibinabalik naman" 
"Lino ipahiram mo na muna sa bata, isipin mo na lamang ang naging tulong nila sa iyong ama" si inay kinunsenya pa ako.
"o sige Miguel pumapayag ako, pero aalagaan mo si Brutus ha, " paalala ko sa bata
"yehey ! don't worry kuya may collar naman sya at lalagyan ko rin ng tanikala para di sya makalayo kung sakali."



Lulan ng aking motor, inihatid ko si Brutus kay Miguel. Dalawang araw lang naman, makaranas man lang si Brutus ng kakaibang experience.

June 15, 1999




"Lino ! Lino ! " sigaw ni ka Enteng
"Bakit ho?" dungaw ko sa may bintana mula sa itaas ng aming bahay
"Sina Dr Eliseo at anak nya, naaksidente. Patay lahat ang sakay ng van !" nagimbal ako sa kanyang balita.


"Anak, hanggang doon na lamang siguro talaga ang buhay nila, hindi natin mapipigil ang tadhana." si Ina.
"Si Brutus kaya, nakaligtas kaya sya? wala namang sinabi na may aso silang nakita sa loob ng van. Tanikala lamang nito." panlulumo ko.


Lumipas ang mga araw na hindi ko namalayan. Wala na ang aso na nagsilbing bestfriend ko, at si Gemma, wala na rin akong naging balita sa kanya. Tuwing umaga, sumisipol ako na animoy may lalapit na Brutus o kaya anman ay may hahangos na asong tatakbo sa kinatatayuan ko. Ilang linggo na, pero wala ng balita sa kanya.


San Fernando Pampanga.


"aw ! aw ! aw !"   kahol ng aso
"mommy, mommy ! there's something out there, a dog is barking !" si Jesmine, anak ng mag asawang Lily at Bert
"darling, don't mind it, it's just an ordinary dog" si Lily
"no mom, i want it. I wanna see it !" at sabay takbo ng bata sa pinang gagalingan ng mga kahol.


Isang aso na nanlilimahid at duguan ang nasa may bangin, hindi ito maka ahon, maraming insekto ang lumilipad lipad sa palibot nito. Mga malalaking langaw, Bangaw na nga ito kung tawagin sa probinsya.


"so eww ! yaya, call mang Danoy, ask him i want that dog !" pautos nitong sigaw sa kanyang tagapag alaga.


matapos makuha sa bangin, pinaliguan at pinakain ni Mang Danoy at Jesmine ang aso.


"kow, ke takaw man neh ! maitim ang dila kaya masiba !" bulalas ni mang Danoy
"imagine mang Danoy, he haven't eaten maybe for days and been trapped in that bangin, then now he has food, ofcourse he's starving !" sosyal na pangangatwiran ni Jesmine.


"Mom, Dad, can we keep Dagul?" may pagsusumamong  lambing nito sa kanyang magulang.
"well, you already given him a name darling, ofcourse you can keep him" pag sang ayon ng kanyang ina.


Walang kapatid si Jesmine, isa syang special child. Sa edad na 21, ang ugali nya at pagkilos ay parang edad ng siyam na taong gulang.
Hindi naman sya abnormal, delayed lamang ang kanyang mental development.
Bunga ng pag inom ni Lily ng mga gamot noong kabataan nya upang wag munang mabuntis dahil na rin sa kanyang career. Isa syang fashion model noon dekada 70. At ngayon, sa edad na 56, saka nya pinag sisisihan ang pag pipigil na magkaanak dati upang maipag patuloy ang kanyang pagiging modelo.
Naging bunga ng kanyang kamalian sa pag inom ng mga tableta ay si Jesmine.

Isang araw na namamasyal sina jesmine at kanyang magulang sa kanilang farm, naisipan nitong maglaro ng boomerang.
Mainit ang panahon, ngunit ang simoy ng hanging amihan sa gitna ng tumana ay napakasarap sa pakiramdam.
May ilang oras na silang naglalaro, nakakita si Jesmine ng isang puno ng Bayabas at agad nya itong inakyat.

Mula sa kung saan ay may malaking sawa na nakapulupot at mabilis na gumagapang papunta kay Jesmine.
Ilang kahol ng aso ang narinig, paikot ikot ito sa punong bayabas at di mapakali, maya maya lamang ay nakatanaw ito ng tao sa di kalayuan, malapit sa may batis at agaran itong tinakbo ni Dagul ang aso na inampon ni Jesmine.


"tay , mukhang may nangangailangan ng tulong" si Abet ang bulag na bata sa kabilang parang.
"nakow, maano bang wag mong pansinin yan, malamang ay nakita lamang ang mga isda nating nabingwit at gustong makibahagi" sagot ni Mang Andoy
"hindi tay, kakaiba ang pakiramdam ko. Halika 'tay, tingan mo ang kanyang ikinababalisa" sumamo nito sa kanyang ama


"aba aba, mukha ngang kakaiba ang kilos ng asong ito ah." si mang Andoy


Paulit ulit na kumakahol ang aso at may makailang ulit itong tumatakbo sa may parang papunta sa malapit sa may punong bayabas, isang sigaw na malakas ang narinig ni Mang Andoy at kaagad itong nanakbo pasunod sa aso.

Mabuti na lamang at nakarating agad si Mang Andoy, akma ng tatalon si Jesmine mula sa punong bayabas dahil sa malaking ahas na Sawa, magaling na lang at nagawang makakuha agad ni Mang andoy ng mahabang kahoy at sinungkit ang ahas.
Bumagsak ito sa lupa at saka naman tinaga ni Mang Andoy ng kanyang matalim na itak ang sawa. Sumirit ang dugo nito, walang humpay parin si Mang Andoy sa pag unday ng taga sa nasabing ahas.

Mula naman sa kabilang panig ng parang ay makikita sina Lily at Bert kasama ang 2 kasambahay na tumatakbo papunta sa pinanggalingan ng sigaw ni Jesmine.


"anong nangyari?!" humahangos si Bert papunta sa may punong bayabas
"may ahas po sa punong bayabas at muntikan ng maaksidente ang inyong anak. Mabuti na lamang at alisto ang alaga nyong aso, nasa may pampang kami ng aking anak at nakahingi ito ng tulong" sabay pahid nito ng tuyong mga dahon sa kanyang duguang itak.
"utang na loob namin sa inyo ang kaligtasan ni Jesmine" si bert. 
At inanyayahan nito sina mang Andoy na makisalo sa kanilang pananghalian sa di kalayuan lang naman ang kanilang pwesto.


"Si Abet nga po pala ang aking anak, sya po ang nakapansin sa kilos ng Aso" pagpapakilala ni Mang Andoy
" May karamdaman po ba sya sa paningin? " si Lily
"opo mam, noong ipinanganak po sya, dala ng kahirapan ay sa hilot kami lumapit. Kasalukuyan pong sinusundo ko ang hilot ngunit di na po napigilan ang paglabas ni Abet kaya't napabagok po ang kanyang ulo paglabas sa sinapupunan ng kanyang ina. Limang araw matapos syang mailuwal, si Chedeng naman po ay binawian ng buhay. Nasa ikatlong grado na po si Abet ng lumabo ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na nga po itong mabulag" mahabang kwento ni Mang Andoy.


"Mom Dad, what a sad story for Abet. Can i befriend him? lambing ni Jesmine
"after his heroism, of course darling !" si Bert na ang tumugon
"ah eh Mam, hindi po kaya lumawit ang dila ko at mabingi ang tenga, inglisera po kase si Jesmine " pagbibiro ni Abet.


Naging mabuting magkaibigan sina Abet at Jesmine. Sa edad na 12 ni Abet, para na rin syang nagkaroon ng nakababatang kapatid kahit na mas matanda ang edad ni Jesmine.

Isang hapon, tarantang sinalubong ni Lily si Bert mula sa byahe nito galing Maynila.


"Hindi na sya makakain Hon, ang sabi ng doctors kumakalat na ang virus sa kanyang katawan at hindi na rin tatalab ang ilang chemo. Unlike before na kapag naki Chemo sya, lumalakas at parang wala lang nangyari" umiiyak si Lily
"Let's bring her to Manila, baka may mahahanap tayong specialist sa sakit nya" umaasa parin si Bert na may kagamutan sa sakit ni Jesmine


Walang araw na hindi dinadalaw ni Abet si jesmine, ito ang nagsilbing taga aliw sa kanyang malalang karamdaman.
"you know Abet, if i'll met Papa God, iku kwento ko yung mga pinagdaanan natin this past few weeks. I'll tell him that i met the brother that i never had. Siguro magkapatid tayo in the past, kase jive yung ugali natin" pag ku kwento ni Jesmine habang nakaratay ito sa kanyang higaan.


"Lam mo Jessie, hindi ka basta mawawala. May magliligtas parati sa 'yo. makakahanap ang mga magulang mo ng ispesyalista para sa sakit mo. Maglalaro pa tayo at isasama ka namin ulit ni Itay sa pampang para mamingwit ng mga isda. " sabay kapa ni Abet sa mga kamay ni Jesmine na binigyan nya ng palayaw na Jessie.
"Ikaw lang Abet at si Dagul ang naging kaibigan ko, salamat...maraming salamat" may ngiti sa labi na sambit ni Jesmine.


Manila Doctors Hospital.

August 28, 1999


"Paging Dr Ledesma, to Emergency room please


"I'm so sorry Tita Lily, but she's not responding to the medication. Ginawa na namin lahat but she's still not responding. Malinaw ang isip nya, pero di na talaga kaya ng katawan nya lumaban" paliwanag ni Dra Ledesma


"Is there anything we can do para man lang madagdagan ang araw nya?" umiiyak si Lily
"Honey, they are doctors, not God. Please, tanggapin na lang natin ang lahat" si Bert


"Mom...Dad...where is Abet and Dagul?" pautal na sambit ni Jesmine
"Abet is outside baby, dagul can't come here. They will not allow pets to be here baby" paliwanag ni Lily
At mula sa may labas, pinapasok ni Bert si Abet upang makita at makausp ni Jesmine.


"Hi Bro, i have a surprise for you on your birthday tomorrow. I'm sure magugustuhan mo yun." si Jesmine habang nakahawak ang isang kamay kay Abet
"kahit wala kang regalo, basta gumaling ka na lang Jessie. Para makauwi ka na at makapaglaro na ulit tayo. Lam mo nalulungkot na si Dagul, hindi ka nya nakakasama. Kaya dinadalaw ko sya araw araw. "


"You know what, anuman mangyari sa akin, please take care of Dagul. Wag mo sya papabayaan ha. He's our bestfriend. Ano yung na tik tak tik tak?" tanong nito


"ah eh pasensya ka na ha, yung gabay ko na kahoy, ipinu pwesto ko ng maayos sa may gilid ko baka kase mapalayo sa akin mahihirapan akong maglakad pag wala ito" paliwanag ni Abet


"Malapit mo na yan itapon Abet... Malapit na" sabay hinga nito ng malalim.


Eksakto alas Dose ng hating gabi, binawian ng buhay si Jesmine sa Manila Doctors Hospital.
Eksaktong ika 13 kaarawan ni Abet.
At habang naka dungaw si Abet sa may bintana ng kanilang bahay na animoy may paningin, umusal ito ng isang panalangin "sana maging maligaya si Jessie at maging ligtas"


Matapos alisin ang makinarya sa katawan ni Jesmine, kinausap ni Lily si Dra Ledesma.
"My daughter's last wish is to donate her Cornea to Abet" humahagulhol si Lily
"even on her last breath, pagtulong parin ang nasa kanyang isipan. I'm very proud of my daughter" si Bert


Naoperahan ang mga mata ni Abet. Binigyan sya ng mag asawang Lily at Bert ng scholarship na magagamit niya hanggang makapagtapos ng anumang kurso sa kolehiyo. Itinatayo ni Lily at bert ang Jesmine Foundation, sa pag alala sa kanilang namayapang anak.

San fernando Pampanga. Eternal Gardens.


"Salamat kapatid sa pagbibigay mo ng liwanag sa madilim kong mundo. Pangako, tutuparin ko ang mga pangarap na sinabi ko sa 'yo noon habang namimingwit tayo sa pampang. Hindi ko rin pababayaan si Dagul. Ang ating bestfriend" sabay himas ni Abet sa alagang aso na nakahiga sa bermuda na nakapaligid sa lapida ni Jesmine.


"Honey,  they're here !" tawag ni bert kay Lily
"wait, im coming down" sagot nito


"professor, sa tingin nyo ba kakayanin ng lupain namin sa tumana ang bagong breed ng halamang gamot na ito? " pagtatanong ni Bert sa mga taga Agriculture


"kakailanganin namin kumuha ng sample mula sa lupa at pag aaralan sa laboratory kung kakayanin ng inyong lupa ang mga new breed species na nais ninyong itanim. I recommend Paulino Gonzales to lead the team. Bihasa sya sa pagsusuri ng mga klase ng lupa and i assure you that he is one of our departments pride" mahabang paliwanag ng kawani ng Agriculture


Sinimulan ang pag kuha ng samples sa lupa ng mga Ledesma, sa pangunguna ni Lino, tubong taga Ilocos Norte. Kakailanganin nya ng mga sample ng lupa at imo monitor ang humidity ng kaparangan para malaman kung angkop nga ba ang new breed species na mga halamang gamot, isang proyekto ng Jesmine Foundation.


Kasalukuyan namamahinga si Lino sa ilalim ng punong mangga, napakapayapa ng paligid, maririnig sa di kalayuan ang lagaslas ng sapa at huni ng mga ibon. Parang bumalik sa kanyang alaala ang paglalaro nila ni Gemma at Kagome kasama ang kanilang bagong alaga na si Brutus.

Ah...si Brutus, ang kanyang alagang aso na napawalay. Ilang buwan na nga ba nawawala ang aso nya? Mahigit 16 na buwan.

Dala ng pangungulila kay Brutus, sumipol si Lino ng paborito nyang sipol kapag tinatawag si Brutus. Sipol na may 4 na taon nyang ginamit kay Brutus kapag tinatawag nya ito.


Mansyon ng mga Ledesma.


"Tita, how are you? is everything ok with the foundation?" si Dra Ledesma. Ang pamangkin ni Bert na sya ring nagsilbing doctor ni Jesmine.
"we have to move on Gemma, hindi magugustuhan ni Jesmine makita na nalulungkot kami ng kanyang ama" si Lily


"aw! aw! aw! "  si Dagul habang paikot ikot ito sa may kusina, gusto nito makalabas ngunit nakasarado ang pintuan


"so this is Dagul, yung binabanggit ni Jesmine na bestfriend nila ni Abet?" sabay lapit ni Gemma kay dagul


"yap, napulot nya yan sa may bangin i think more than a year ago" binuksan ni Lily ang pintuan ng kusina
"oh, he reminds me of my dog, remember kagome tita? she gave birth to a dog when we were in Ilocos, bago nasunog ang bahay. And pareho sila ni Dagul, may maitim na dila" sabay balik nito sa upuan kaharap ng hapag kainan.
"that was the dog who helped Jesmine to call for help, at yun nga, si Mang Andoy na taga kabilang parang ang natawag nito. and the rest is the story that Jesmine keeps telling you kung pano sila naging magkaibigan ni Abet" mahabang kwento ni Lily


"he's a hero kung ganun tita" sabay simsim nito sa juice drink na nakahain.


mabilis ang takbo ni Dagul, mula sa kusina tinakbo nito ang papunta sa parang. Hindi alintana ang mga nadaanan na mga tao sa may kamalig. Dere-derecho ito sa pagtakbo. Papalapit sa nakatalikod na lalake sa ilalim ng punong mangga na sumisipol sipol.
Hinding hindi nya makakalimutan ang sipol na iyon, mahigit isang taon na nya itong hinahanap hanap.


Mula sa likuran ni Lino at naramdaman nya na may humahangos na paparating. Pag harap nya, isang malaking aso na kulay tsokolate ang bumungad sa kanya.
Si BRUTUS ! ang kanyang nawawalang bestfriend na si Brutus !

Pagulong gulong habang yakap yakap ni Lino ang malaking aso. Kay tagal nyang hinanap si Brutus, dito lamang pala sa Hacienda Ledesma nakarating ang inakala nyang namatay ng alaga.

Nagsilapitan ang mga trabahador ng hacienda, mula sa kamalig ay naglabasan ang ilang mga trabahador at lumapit sa kanya, inakala na inaatake sya ni Dagul.
May isang lalake na akmang hahatawin si Dagul habang sumisigaw ng "propesor, ilag !"


Si Lino ang tinamaan ng hampas ng trabahador. Dumudugo ang ulo nito ngunit nagawa parin sambitin na "wag nyong sasaktan si Brutus, alaga ko syang aso at kilala nya ako, wag nyo syang sasaktan" at sya ay nawalan ng malay.


Mula sa parang ay binuhat si Lino papasok sa bahay ng mga Ledesma. Gulat si Gemma at Lily, hindi nila akalain na may aksidente na palang nangyayari.


"Tita, i need first aid kit. Manang adel,ikuha nyo ako ng labakara at mainit na tubig" mabilisang utos ni Gemma


Nilinisan ni Gemma ang duguang mukha ng pasyente.Hindi sya makapaniwala sa nasa kanyang harapan.
Si Lino na kababata nya at kanina lamang ay nabanggit nya sa kanyang tyahin ay heto, nasa harapan niya. Dahil duguan ang damit, ginupit nya ito upang madaling maiayos ang sugat sa may ulo at balikat.
At napaluha sya sa kanyang nakita, ang kabiyak ng pendant na puso na kanyang iniwan bilang simbolo ng kanilang pagkakaibigan, naka kwintas sa leeg ni Lino. Iningatan ng kanyang kababata ang pendant.Naluluhang kinapa ni gemma mula sa kanyang leeg  ang pendant na kanya ring suot. Ang kabiyak ng puso na pendant ni Lino. Tanging ang susi na lamang ang kulang upang mabuo ito.

Nagkamalay si Lino, hindi rin ito makapaniwala. Ang nasa harapan nya ngayon ay ang babae na laging laman ng kanyang isipan. Mula pagkabata ay bestfriend na sila ni Gemma, nang umalis ito sa kanilang probinsya, naramdaman nya ang pangungulila, tanging si Brutus na lamang ang naiwan sa kanya na tagapag paalala ng nasasayang araw nila ni Gemma.


Mula sa kung saan ay kumahol ang aso, kahol na animoy tuwang tuwa.


"Dagul out !, out out out !" si Bert habang pinalalabas ng bahay si Dagul


"huwag po, kilala ko sya. " si Lino
"yan ang alagang aso ni Jesmine, kamukha ni brutus di ba. yan din napansin ko kanina ng makita ko sya" si Gemma
"you mean kilala nyo ang aso na 'to?" si Lily nagtatanong na parang nalilito


Mula sa may pintuan ay humahangos na dumating si Abet.


"propesor, pasensya na po kayo sa naging asal ni Dagul, ako na po ang nahingi ng paumanhin" mangiyak ngiyak nitong sumamo


"Aso ko sya, ang nawawala kong aso na si Brutus" mariing wika ni Lino


at kahit masakit ang sugat, sumipol si Lino. At padambang lumapit dito si Dagul.


"sya nga si Brutus Lino !" bulalas ni Gemma.


Mula sa kwarto ni Jesmine ay kinuha ni Lily ang collar na may nakakabit na pendant.
Eto ang suot ni Dagul ng matagpuan sya ni Mang Danoy at Jesmine sa bangin.

Hinubad ni Lino ang kanyang kwintas, inalis nya sa collar ang pendant na susi at saka ito itinabi sa kanyang pendant. Si Gemma naman ay madali rin hinubad ang kwintas at sa palad ni Lino, kanyang pinagtabi ang 3 piraso ng pendant at nabuo ang Korteng puso na may susi sa gitna.

Sya nga si brutus....luhaan si Gemma at si Lino. Habang akap si Brutus na matagal na nawalay sa kanila.
Si Abet naman ay umiiyak din.

"napakarami pong natulungan ni Brutus, mula sa pagiging malulungkutin ni Jesmine, naalis nya ito.
At mula sa pagiging isang bulag, heto po ako ngayon, may paningin na" 


Napalathala sa local na pahayagan ang kwento ni Brutus.
Isang tawag mula sa isang ahensya ang natanggap ni Lino. May nais makipagkita sa kanya.

At mula Ilocos Norte, bumyahe papuntang Maynila si Lino. Nasa wheelchair ay si Dr Eliseo habang nagbabasa ito ng dyaryo. At ang anak nito na si Miguel, hayun at nakahimlay sa kama, namamahinga.


"Lino ! Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan si Brutus sa kanyang pagliligtas sa aming mag-ama."


Ayon kay Dr Eliseo, binabagtas nila ang kahabaan ng hi-way sa Pampanga ng biglang magkakahol si Brutus, hindi nya daw malaman kung ano ang dahilan. Ang driver nila na padala ng agency ay walang kakibu-kibo, at seryoso sa mabilis na pagpapatakbo. Maya-maya lamang ay napansin nilang ibang bahagi ng hi-way ang kanilang binabagtas at saka nya tinanong ang drayber.
Ganun na lamang diumano ang gulat niya ng bigla itong maglabas ng baril at magdeklara ng holdap at sabay sa pagtutok nito ay ang pag signal sa nakasunod na sasakyan. Mga kasamahan pala nito ang nakabuntot sa kanila.  Pinagkakagat ito ni Brutus at nawalan ng giya ang sasakyan, may mga ilang byahero na nakasalubong sila at ang ilan ay huminto habang ang ilan ay nakahalatang may nangyayaring kakaiba sa loob ng van.

Saktong sinakmal ni Brutus ang leeg ng driver ay nagawang ibukas ni dr ang pintuan ng van at silang mag ama ay pagulong gulong sa hi way, dahilan kung bakit sya ngayon ay naka wheelchair. Ang van na sinasakyan nila ay sumalpok sa kasunod nitong kotse, ang back-up na kasamahan ng driver, hindi napigilan ang takbo at sa biglang pag hinto ng van ito ay sumalpok at sumabog.
Mula sa kinalalagyan nilang mag ama ay sinaklolohan sila ng mga byahero, hindi na nila namataan si Brutus kung nakaligtas ba ito o nakasama sa pagsabog. At dahil dito, nagpasya si Dr Eliseo na iparating ang balita sa kanilang probinsya na sila ay naaksidente at walang nakaligtas sa pangamba sa kanilang seguridad na mag ama.

At nito na nga lamang nakaraan ng mabalitaan nila ang kwento ni brutus, ay madali niyang pinatawagan sa ahensya si Lino.

Hacienda Ledesma.

Idinaos ang kasal nina Lino at Gemma sa Hacienda Ledesma, request ng mag asawang Lily at Bert. At upang masaksihan na rin ni Abet at nina Dr Eliseo at Miguel.


Si Brutus....ang Dagul na aso na nagbigay ng liwanag sa mundo ng isang nilalang. Nagligtas sa buhay ng mag ama at nag buklod sa isang habambuhay na pagmamahalan.


***


   Brutus, indeed a man's bestfriend.












May 31, 2012

Mansanas

"miss, ok na ba? pwede na po ba tayong lumakad hihingi pa po tayo ng clearance sa airport"  mungkahi ng driver. Isang tango lamang ang aking naging sagot.


Lumulan na ako sa ambulansya, kasama ang aking asawa at 1 tyahin, nadaanan pa namin ang mga tao na nag-uusisa, or mas marapat na sabihin, nag uusyoso.


Habang tumatakbo ang ambulansya, muling nagbalik sa aking ala-ala ang aking kabataan.


21 taon.


Hindi na malinaw sa aking isipan kung ano ang kanyang itsura. Huling natatandaan ko lamang, umiiyak si Ina habang inaayos ang bagahe na dadalhin ni Ama. Pa abroad daw ito, hindi ko na matandaan kung ilang beses nya akong sinabihan na magbabait, aalagaan ang mga kapatid ko at huwag mag alala, sa pasko daw ay makakatikim ako ng mansanas na ipapadala nya.


Huling sulyap nya sa akin ay nasa may tarangkahan ako ng bahay.
Bitbit ni Ina si bunso habang si Lilibeth naman ay nakahawak sa kanyang saya.
Hinatid nila si Ama hanggang sa may pag ahon papunta sa nayon. Taga tabing dagat kami noon, ahon at lusong sina inay para mag tinda ng isda habang ako naman at si Lilibeth ay papasok sa eskwelahan sa nayon.


Mula ng umalis si itay, naging mas mahirap ang aming buhay. Ang mga kapatid ni Ina, dinadalaw kami. Mahirap na daw na kaming mag-iina na lamang ang nasa tabing dagat, ayaw naman ni Ina na lumipat kami at pumisan kina Lola, may pamilya na daw kase si tya Soledad, kapatid na bunso ni ama at kalabisan na kaming mag iina kung pipisan kami sa kanila.


Tanda ko pa noong unang pasko na wala si Ama, nag hihintay ako ng maglulusong na ibang tao, kartero man ito o tagadala ng package. Malamang kako may padala si Ama, gaya ng kanyang pangako.


Ang iniluwa ng tarangkahan namin ay ang pawisang mukha ni Ina, naglako ito ng isda. 
Tinanong nya ako kung may sinaing na, kumain na daw ba ang mga kapatid ko.
Sunod sunod na tango ang aking naging kasagutan. 


Alas otso na ng gabi, papatayin na daw ni Ina ang simbo, ilawang de gaas lamang ang aming gamit, wala kaming pampakabit ng kuryente.
Ayaw ko pang umalis sa may pinto, umaasa ako na dadating ang mansanas na padala ni Ama, isinarado ni Ina ang pintuan at pilit akong pinapunta sa papag, wag na daw akong mag hintay, dahil walang ipapadalang mansanas si Ama.


Kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap kami ng sulat mula kay Ama matapos ang may 18 buwan nya na nasa abroad, Nawalan daw sya ng trabaho at may mga pagkakautang sa mga kasamahan nya. Kung uuwi daw naman sya ay lalo lamang mahihirapan kami dahil magbabayad sya sa agency na nagpasok sa kanya. Tangi na lamang daw nyang magagawa ay magtrabaho ng patago, kahit mababa ang sweldo, basta mabuhay lamang daw at pag may naipon ay magpapadala na sa amin.


Noon ko lamang nakitang umiyak na humahagulhol si Ina, maging si Lilibeth ay nakisabay na rin at ganun din si Laila, ang bunso kong kapatid na nasa may papag. Hindi ko sila naiintindihan, magpapadala naman daw si Ama, pero bakit umiiyak pa rin si Ina.


Makalipas ang ilang buwan, magpapasukan noon, buwan ng hunyo. Grade 5 na ako, nag iimpake si Ina, akala ko ay kung saan lamang kami pupunta. Ang ilang sako ay nakalatag sa sahig at katulong ang aming tiya Flora, madali nilang isinasako ang aming mga gamit.


"Ina, saan nyo dadalhin ang mga gamit natin? bakit kayo nag iimpake?" tanong ko sa kanila


"Tumulong ka na lamang dine at maya-maya ay dadating na ang banka at sa manggahan tayo dadaan paahon. Ikaw ay magmadali at tatanghaliin tayo maiinitan ang bata ay may sinat pa si Laila" mahabang litanya ni Ina.


Nang makaahon kami sa nayon, nalaman ko na kina tya Gloria pala muna kami maninirahan. Ipinagbenta ni Ina ang aming bahay sa tabing dagat. Malaki naman kahit papaano ang bahay nina tya Gloria, may itaas ito. 
Doon nya ipinalagak ang aming mga gamit. May 1 kwarto na ipinagamit sa amin, doon na daw kami manunuluyan.


Grade 6 ako at graduating noon ng magpaalam si ina, mag a abroad daw sya. Ako naman ngayon ang humahagulhol ng iyak habang nag aayos ng mga gamit na dadalhin nya. Ilang taon na mula ng umalis si Ama at simula noon ay wala na kaming nabalitaan mula sa kanya. Ni sulat ay wala kaming natanggap. Nakailang pasko na, wala parin ang mansanas na ipinangako nya.


Nag high school ako na walang ama at wala ring ina na umatend sa graduation. Nasa fourth year high school ako ng magbalikbayan si Ina. Ibang iba ang kanyang itsura, mas naging mukhang bata. Hiyang sya sa Hongkong, bilang kasambahay, wala daw syang ginagawa kundi maglinis ng bahay at mag alaga ng bata. Apat na taon, parang kailan lamang ay inaayos ko pa ang bagahe ni Ina, ngayon heto at kasama na namin siya.


Dala ng pangangailangan, muling tumulak pa Hongkong si Ina, 1st year college ako, kumukuha ng kursong Komersyo sa bayan, si Lilibeth naman ay 3rd year high school at graduating ng elementary naman si laila. Sunod sunod na gastos ang kinakaharap namin kaya't napilitan si Ina na muling mamasukan sa Hongkong.


Walang ama, walang ina. Tanging mga tyahin lamang ang aming kasama. Hindi kami makakilos ng gusto namin, mahigpit si tya Gloria. Madaming bawal. Matipid sya maging sa pagkain naming magkakapatid, katwiran nya, hindi basta ang paghihirap ni Ina sa hongkong kaya't kailangan namin magtipid. Para makauwi na daw si Ina.


Isang araw, may nagbalikbayan mula sa Saudi na taga aming barangay, sabi nya nakita daw nya si Ama. Nag mamaneho daw ito sa isang mayamang Arabo. Kwento pa nya, mahilig daw magsugal at tumaya sa mga karera si ama. Malaki  daw itong kumita.
Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi nya, si tya Gloria ay kung anu ano na kaagad ang namutawi sa bibig, pabaya daw si Ama, walang iniintindi kundi sarili nya. malamang daw ay may pamilya na itong iba na binubuhay dahil kami ay kinalimutan na nya. Mga salitang sumusugat sa aking dibdib. Ama ko pa rin sya, nasasaktan parin ako sa mga sinasabi nila.


Nasa fourth year high school si Lilibeth ng hindi ito umuwi isang gabi ng buwan ng Oktubre. 
Nag alala sina Tya Gloria, ako  naman ay alas sais ng hapon nasa bahay na. Ipinagtanong namin sa kanyang mga kaklase kung nakita nila si Lilibeth, ayon sa mga ito, hindi daw sumabay sa kanila nung mag-uwian sila.


Kinabukasan, hindi ako pumasok, kailangan kong malaman kung saan nagpunta si Lilibeth, bandang alas nuebe ng umaga, may tinatahulan ang mga aso sa may pultahan namin. 
May mga tao na natawag sa pangalan ni tya Gloria. 
At mula sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay, natanaw ko si Lilibeth nakahawak kamay kay Angelo, ang manliligaw na sa pagkaka alam ko ay nag aalaga ng pastulan sa kabilang bayan.


Nagtanan si Lilibeth. 
Dahil mga bata pa, sa Barangay lamang nagpirmahan sina Tya Gloria at magulang ni Angelo. Hindi na tinapos ni Lilibeth ang kanyang pag aaral at naiwan sa pangangalaga ni tya Flora kaming dalawa ni Laila.


Makalipas ang 3 buwan, umuwi si Ina, buntis na noon si Lilibeth, hindi na rin sya napigil ni ina at hinayaan na lamang makisama kay Angelo, sa pastulan sila nanirahan, tagapag bantay sa Farm ng isang mayamang pamilya.


Hindi na nag abroad si Ina, may naipon daw naman sya at nagpatayo na lamang ng isang maliit na bahay sa tabi ni Tya Gloria. Tutal naman daw ay may parte sya sa lupa ng kanilang ina kaya't kami ay nagkaroon ng sariling bahay.
Namuhay kaming mag-iina ng tahimik, si Ama? wala na kaming nabalitaan mula sa kanya. 
Hindi na rin namin inalam sa mga balikbayan mula sa Saudi kung nakita ba sya o kung nakikilala pa ba siya.


Nakapagtapos ako, nagka trabaho at ngayon nga ay may sarili ng pamilya. Ang dating maliit na bahay namin, ngayon ay may 3 kwarto na. Si ina ay tagapag alam ko na lamang sa aking 2 anak. Maayos naman ang buhay namin.
Si Laila naman ay may sarili na rin pamilya, nag a abroad narin, kamakailan lamang ay kababalik nya lang mula sa Dubai kasama ang kanyang asawa. Masasabi kong maayos na rin ang katatayuan nya sa buhay. Tanging si Lilibeth lamang ang hindi nakatapos sa amin, may 4 siyang anak, at ngayon nga ay inaabutan namin paminsan minsan kapag nadalaw sa aming bahay para makita si Ina.


Nito lamang nakaraang buwan, nakatanggap kami ng sulat mula sa Saudi.
Ayon sa sulat, may sakit daw si Ama at kasalukuyang nasa pangangalaga ng embahada. 
Nais na daw nitong umuwi ngunit dahil na rin sa wala na itong dokumento, hindi sya basta maaring makalabas ng Saudi na hindi nagbabayad ng mga multa. 
Walang wala daw pera si Ama, kahit pambili man lamang daw ng pagkain ay wala at umaasa na lamang sa donasyon ng mga kababayan na naaawa sa kanya.


Parang pinupunit ang aking puso.
Si ama na may 21 taon naming hindi nakasama, heto at humihingi ng tulong sa amin na kanyang pamilya.


Sinabi ko kay Ina ang laman ng sulat. 
Tahimik lamang sya, walang reaksyon na rumehistro sa kanyang mukha.
Kung galit sya, hindi ko alam. 
Hindi ko alam kung paano babasahin ang ibig ipahiwatig ng kanyang mukha.


Tumalikod ako at dumukot sa aking wallet ng pera. May dalawang libong piso pa ako. Ipambibili ko sana ito ng sapatos ni Nica, nagre reklamo na kase ang bata na masakit na ang dulo ng kanyang paa. Sikip na ang sapatos na pamasok nya.


"Ina, papunta muna ho ako sa bayan, may aasikasuhin lamang" pamamaalam ko kay Ina.


at sa Cebuana Lhuillier ako tumuloy, hindi ko natiis ang aking nabasa sa sulat kaya't nagpadala ako ng kaunting halaga para kay Ama, pambili man lamang nya ng gamot o pagkain.


At heto nga, matapos ang mahigit 48 araw, makakauwi na rin sya. 
21 taon ...kay tagal na panahon. Hindi ko alam kung makikilala ko pa ba sya. 
Huling litrato na natanggap namin ay ang panawagan nya, humihingi ng tulong sa mga kababayan na maiuwi sya dito sa Pilipinas.


Ninoy Aquino International Airport.


Lulan ng eroplanong galing sa Saudi Arabia, iniluwa ng arrival area ang may katandaan ng matanda. Wala na ang tikas ng kanyang katawan. Malago ang puting buhok na animoy hindi man lamang nadaanan ng suklay ng may ilang araw. Payat, maitim at may ilang ngipin ng nalagas.


Sya na pala si Ama. 


Hindi ko alam kung maluluha ba ako sa aking nakita, hindi rin nya ako nakikilala. Nilampasan lamang ako ni Ama at habang ginagabayan sya ng ilang kawani ng Embahada, hinanap nila ang anak daw ni Ama.


Lumapit ako sa mga kawani ng embahada at nagpakilala. Iniharap nila ako kay Ama.
Tanging 1 plastic na maliit lamang ang kanyang tangan sa kanang kamay. Inabot ko ang kanyang butuhan ng kamay at nagmano. 


Pinagmasdan ako ni Ama at saka nya ako niyakap ng mahigpit.


Ah...kay tagal na panahon ko ring hindi naramdaman ang yakap ni Ama. May 21 taon kong hindi man lamang naramdaman ang init ng bisig na sa akin noon ay palaging kumakarga lalu na't palusong kami at madulas ang kalsada.


Matapos nya akong yakapin ay may dinukot sya sa kanyang bitbit na plastic.


"anak, eto ang matagal ko ng pangako sa yo na pasalubong...pasensya ka na, ngayon lamang ito maiaabot sa iyo ni Ama..." at mula sa plastic ay iniabot ng kanyang butuhan ng mga kamay ang isang piraso ng Mansanas.


Sabay sa pag abot ko sa prutas ay ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata. Kailanman pala ay hindi kinalimutan ni ama ang pangako nya..
ang mansanas na may 21 taon kong hinintay.


Iniuwi namin si ama sa bahay, noong una ang akala ko ay hindi sya papansinin ni Ina, nagulat na lamang kaming magkakapatid ng mula sa kung saan ay may inilabas si Ina na mga damit pampalit ni Ama. 


Binihisan nya at nilinisan si Ama, nagpatawag pa ng barbero para naman daw maging kaaya-aya ang itsura.


Mula sa aking bulsa, kinapa ko ang mansanas na kanina lamang ay iniabot sa akin ni Ama...ramdam ko, simula sa araw na ito, mabubuo na muli ang aming pamilya.


***
at gaya nga ng kasabihan, sa hinaba haba man daw ng prusisyon, sa simbahan parin ang tuloy. 


Nawala man ng matagal si Ama at pinabayaan nya kami na kanyang pamilya, sa bandang huli, heto at kami pa rin ang inuwian nya. 


Hindi na mahalaga ang nakaraan, importante ngayon ay maging masaya kaming lahat habang kumpleto pa. Sa edad ni Ama, alam namin na iilang sandali na lamang namin syang makakasama. 
Ang mahalaga ay narito na sya, at heto nga, tinupad nya parin ang pangako nya. 


Ang mansanas na inabot ng 21 taon bago ko nakuha...
**
-this is a true story-

May 27, 2012

Retoke

 Sa advanced ng Technology ngayon, madali ng maayos ang halos lahat ng parte ng ating katawan.

Mula sa mukha na tagihawatin, kaya na ngayon itong maging makinis at sabi nga nila, kutis artista. YUn nga lang, sa presyong hindi basta-basta ang halaga.

Kung ang mukha at kutis nare retoke,  ang puso kaya,kaya rin gawan ng paraan?


“Hi, pasyal tayo sa Ring Road tonight? kung wala kang lakad” sms ni Ronald.
Hayy, actually may bowling session sana kami, panu ko ba mapapahindian ang tao na ilang linggo na rin tumatakbo sa aking isipan.

“Sensya ka na ha, medyo makulit ako “ si Ronald.
“Ok lang yun, wala din naman akong gagawin sa bahay ngayon eh” sabay pindot sa celphone ko ng send button para sa txt na hindi ako makakasama sa bowling ngayon.

Masasabi mo bang mali ang pagmamahal, kung ang nararamdaman nyo naman ay TAMA?

Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob kay Ronald, mabait. Sweet talker, may karisma sya na hindi ko alam panu i explain.
Matalino, hindi magpapahuli ang itsura kahit medyo payatot sya.

May pamilya si Ronald, may mga anak. Kahit on the rocks na ang samahan nilang mag asawa, hanga parin ako sa pagiging isang mabuti nyang ama. He’s a good provider. Hindi nya kelanman pinabayaan ang mga anak nya.

May mga araw na naiisip ko, hanggang kelan kaya kaming ganito?

Araw ng offday ko yun, pagbukas ko ng facebook, nabungaran ko ang kaka upload lang na pictures ng pamangkin ni Ronald. Kakabalik lang pala nila from Pinas. At ilan sa mga kuha ay kasama ang mga anak ni Ronald. Malalaki na sila, high school na ang panganay, kamukhang kamukha ni Ronald yung bunso.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kin para magkaroon ng lakas ng loob at nakipag chat ako kay Jenny, pamangkin ni nya.

Close kami, palibhasa nakakasama ko sila kapag may occasion ang mga Filipino Community dito sa Abu Dhabi. At nalaman ko sa kanya ang iba pang details about Ronald’s Family.

Now i understand kung bakit ganun ang itsura nya araw-araw, stressed from work tapos problema pa sa family nya. Kahit siguro ibang lalake, ganun din ang magiging itsura kapag nalaman na ang mga anak nya at asawa ay nagkakagulo sa Pinas. May kanya kanyang attitude kumbaga.

Kapag mahal mo ang isang tao, aalamin mo ang lahat sa kanya. Kung kinakailangan na kaibiganin mo ang buong angkan nila, gagawin mo. Isang desisyon na aminin ko man o hindi, alam kog mali.

“oi Gandahan, ano ba yan at pati anak ni Ronald friends mo?” hysterical na sambit ni Mimi.
“ano naman masama dito, eh gusto ko lang mapalapit sa mga bata. Who knows in the near future, di ba?”
“ay naku, asa ka pa !” nakasimangot nyang sagot.
“Lam mo friendship, di naman ako against sa inyo ni Ronald, kase sabi nya nga hiwalay na sila ng mrs nya at mga anak na lang nya ang reason kung bakit sya natawag sa Pinas” mahaba nyang litanya
“pero naman kapatid, imulat mo yang mga mata mong singkit, ano ba ang magiging laban mo sa asawa lalu na’t dun parin naman sa bahay nila ito nakatira?”
“lam mo Mimi, hindi naman lahat ng mag asawa eh nagsasama dahil may pagmamahal pa sa isa’t-isa. At si Ronald naman eh andito at araw araw, pagmulat ng aking mata eh sya ang nakikita” defensive na tono ko.

“ok fine, pero sinasabihan lang kita, Kung si Greg iniwan ka dahil hindi mo man lang napulbusan ng tender care, eh yang si Ronald baka iwan ka dahil sa sobrang yakap mo, nasasakal na pala” at gaya ng dati, padabog nya akong iniwan sa salas.

Kung may against sa relasyon namin ni Ronald, si Mimi yun. Palibhasa, lumaki sila na walang ama. Iniwan sila at sumama ito sa ibang babae. Namatay ang nanay nila sa pagiging katulong sa New Manila, buti na lamang at may malasakit ang amo, pinag aral sya hanggang college at eto nga, taga suporta naman sya sa mga kapatid nya.
May pinaghuhugutan sya ng galit kumbaga. Pero iba naman ang tatay nya at iba si Ronald. Mabuting syang ama.

“Hi, how’s your day?” post ko sa wall ni Arjerie anak ni Ronald.
“im fine po tita “ reply ng bata

I tried my best na makuha ang loob nya,alam ko kase na yun ang kulang sa kanya. ATENSYON, mula sa ina at mula rin sa ama.
Hindi madali ang ginagawa ko, everytime na inilalapit ko ang aking sarili sa mga anak nya, parang tinuturok ng injection ang puso ko.

“kapag umuwi ako, dalawin kita Arjerie ha, i’ll bring Jenny with me para bonding kayong magpinsan” post ko sa wall nya, ewan ko ba parang feeling ko gusto ko na agad ma meet si Arjerie at kapatid nya. Hindi pa ko nagiging ina, kaya siguro sabik ako sa mga kagaya nila. Lalu na’t teenagers, madami syang mga inquiries na alam kong hindi nya kayang itanong sa mommy nya.

“ARE YOU MY DAD’s MISTRESS?!”

ikinagulantang ko ang nabasa kong post ni Margaret, bunso ni Ronald.
I’m not ready for this confrontation, ayokong masira ang foundation na itinayo ko sa pagitan namin ni Arjerie.
“no im just a friend of your dad” pakumbaba ko
“LIAR ! nakita ko mga pictures nyo ni daddy at walang friends na nagyayakapan ! bata pa ako pero hindi naman ako ganun ka bobo. Sa teleserye lang uso ang linyang ‘we’re just friends”
Galit ang bata, ayokong patulan ang mga salita nya, na animoy asido na ibinuhos sa aking pagkatao.

Im not ready for this kind of battle.

“WALA KA BANG MGA ANAK AT NAGAGAWA MONG KUMABIT SA DADDY KO NA MAY PAMILYA?” another strike at diretso talaga ang sumbat nya sa akin. Hindi ko na kinaya, i logged out.

Nag half day ako, sumakit kase ang ulo ko. I think stressed from Margaret’s post. At naisipan kong maglakad lakad sa Marina Mall, magpapalamig kumbaga.

Saan nga ba nagsimula ang lahat ng ito?


Dati akong nurse sa London, after being married for 7 years. Hindi kami nagkaanak ni Greg, or i’d rather say, hindi kami nagkaroon ng chance makagawa ng anak.
Totoo pala yung kasabihan na “money can buy everything, except Love and affection” dahil sa akin mismo nangyari yan. Dahil sa trabaho, hindi ko namalayan na nag iisa na lang pala ako.

Mula sa London, lumipat ako sa Abu Dhabi. From resident nurse, nag shift ako sa pagiging Derm Care Assistant.

Minsan, naisama ako sa isang party ng mga Filipino Community. Boring din lang naman sa bahay at mainit kaya’t pinaunlakan ko sila.
Hindi ako mahilig sa gimik or party, sa edad kong 36, para bang nalipasan na ako ng gana. Feeling ko, dapat sa edad na ito meron na akong pinu problemang anak na nasa Pinas at palaging tinatawagan para i check…at buhat sa aking likuran ay naulinigan ko ang pakikipag usap ng isang kabayan na parang galit. Mukhang may problema ata sila ng nasa kabilang linya na kausap.
After few minutes ng konting inuman at kwentuhan ay nagpakilala ang bawat isa, bagong community pala ito na binuo ng mga kababayan natin dito sa bansang Arabia.

Lumalalim ang gabi, nagiging masaya ang lahat. Nagkukulitan, may nag aasaran pero likas talaga sa ating mga Pinoy ang malakas palagi ang tawanan.

“Oi nga pala, incase na gusto nyong gumanda, andito lang si Angelu de Leon ng Saudi Arabia, may discount na, libre pa ang konsulta. Yun nga lang, kapag wala na ang boss nya saka kayo pumunta” si Mimi, ang hausmate ko na nagyaya sa akin sa party.
“naku  hindi naman ganun kamahal, saka ia assess pa naman bago magkakaron ng recommendations at magkano magagastos kung sakali “ paglilinaw ko sa kanila
“Hi Ms Angelu, sa tingin mo magkano magagastos ko dito sa pagmumukha ko?” malalakas na tawa ang sumunod kong naintindihan.
Hindi naman sa nanlalait ako, pero si Diego ata ang magpapalabas ng skills ng doctor na amo ko. Kakaiba kase ang mga tigyawat nito sa mukha, at ewan ko ba, mukhang nasobrahan ata sya sa kakakain ng adobong mani nung kabataan nya kaya ayun,naging itsura nya.
“Eh RETOKE sa PUSO kaya mo ba?” huh? isang nakakagulat na malamyang boses ang nakapukaw ng aking atensyon.

Mula sa may gilid ng aking kinauupuan ay nagsalita ang lalake na kanina lamang ay may kausap sa telepono. Hindi ko napansin tuloy dahil sa sarap ng aming mga tawanan,

Nang makauwi na, hinagilap ko ang aking Calendar. Sabay nilagyan ko ng marka ang petsa na yun. Masasabi kong isa sa pinaka masayang gabi sa buhay ko ang napasama sa kanilang grupo. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Makalipas lamang ang may ilang araw, nagkita kita kaming muli ng grupo, at gaya ng dati malulutong na tawanan ang umalingawngaw sa kabahayan.
Dito ko na nakausap at naka kwentuhan si Ronald. Isa syang Engineer at halos may 3 taon na sa Abu Dhabi. Tahimik na tao per may sense. At kung magbiro, HINDI nakakatawa. kase naman, may nagbibiro bang ang mukha eh mas seryoso pa sa naghahanap ng kayaman ni Yamashita.

Sa linggo linggo naming pagkikita kita, namuo ang isang pagkakaibigan na hindi ko alam kung paano nga ba nagsimula. Ang mga kapatid ni Ronald, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, ay dating kasama ko pa pala sa OJT noong college. What a coincidence at halos lahat ng kakilala nya, common friend ko rin.

Habang tumatagal, lalu kaming naging close ni Ronald, isang araw, habang nagku kwentuhan about family, hindi na nya napigilan ang mag kwento. Dala na rin siguro ng pagkakainom nya ng ilang shot ng Brandy, at dahil na rin siguro sa bigat ng kanyang problema, nagkwento sya sa akin.


Tama pala yung mga quote sa facebook na “hindi dahil nagsasama at mag-asawa ay may pagmamahal pa na natitira” at sya ang isa sa living example na aking nakilala.

Ang dati’y linggo linggong pagkikita, nagyon ay naging every other night na. Naging malapit kaming magkaibigan ni Ronald, sa loob lamang ng ilang buwan, nakilala ko sya at ramdam ko ang bigat ng problema na naka atang sa kanyang mga balikat.

“Oi ganda, kayo na ba ni Ronald? “ tanong ni Mimi isang gabi na kakauwi ko lang.
“Nu ka ba friendship, masyado kang USI. Basta ba laging magkasama, may relasyon na agad?”

“ ikaw na ang defensive !” sabay pasok sa kanyang kwarto.
**

Inabot ako ng dinner time sa Mall. Bumaba ako sa food court at habang kumakain, may nakatabi akong Pinay karga ang anak nya.May kakulitan yung bata, at di sinasadya napahawak sya sa hita ko.

“oh sorry, Pinay ka?” sabay tanong nya
“oo, ang cute naman ng baby mo” at sadya namang maganda ang bata

“thank you po, hinihintay kase namin ang asawa ko. Dito nya kami tatagpuin eh, mahirap naman maglakad lakad baka maligaw kami” halatang bago pa lang sya dito.

“ah, nagbakasyon ba kayo?” usisa ko

“ay hindi po, naiayos na ni Mr ang papers namin mag ina, naka dependant kami sa kanya. Naku ate mahirap pag magkahiwalay ang pamilya , kalimitan in the end hiwalay or nagkakaanak sa iba “ obviously, masyado syang frinedly. Pinatamaan talaga ako eh.

1:25am Abu Dhabi.

Habang pinagmamasdan ko si Ronald sa kanyang mahimbing na pagtulog, tinanong ko ang sarili ko.
Hanggang kelan ko nga ba kayang magtiis, hanggang saan ko sya kayang ipaglaban, At may karapatan ba ako na gawin yun?

At muli, nagbalik sa aking ala-ala ang mga sinabi ni Margaret. “WALA KA SIGURONG ANAK ….”  isang mapait na katotohanan.

“o friend, bat mulat ka pa? anong petsa na aba?!” si Mimi, kumuha ng tubig sa ref.
“di ako antukin eh”
“lam mo, simula college kasama na kita. Kaya di mo ko madadaan sa drama.” kilala nya talaga ako.

at kinwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

“Friend, isa lang masasabi ko sa ‘yo. LOOK at me, what i’ve become. Gugustuhin mo bang magkaroon ng younger version si Mimi, at yun ay na create dahil sa isang tulad mo”  yun lang at iniwan na nya ako.

At gaya ng sabi nila, TIME heals all wounds. May peklat lang kalimitan na maiiwan para mag paalala na minsan nadapa ka.

Pero ok lang, anong silbi ng pagiging empleyado ko sa Emirates International Hospital kundi ko kayang i Retoke ang peklat na idudulot ng kabiguan ko.

Moment of truth.
Mahigit 3 years pa lang kami ni Ronald, kung sakali man, handa ko bang harapin ang may 30 taon pa na magiging buhay namin kung ngayon pa lang ay sumusugat na sa aking pagkatao ang sumbat ng anak nya sa akin.

Isang haplos sa mukha ni Ronald at ako ay pumikit na.
Madaling araw na pala, malamang ito na ang huling umaga na imumulat ko ang aking mga mata na kaharap sya.



****

Sometimes we have to open our eyes to see better view of the future.


Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;