May 20, 2012

Di ko tutularan ang Tatay ko...




kalimitan sa atin takot sa ama, akala natin lahat ng sasabihin natin kokontra sya.

Palibhasa lumaki tayo na sya ang kinatatakutan higit sa ating ina, ang salita nya kalimitan ay batas sa loob ng tahanan, pero natutuwa ako, kahit papaano nakilala ko ang tunay na pagkatao ng tatay ko bago pa maging huli ang lahat.

lumaki ako na ilag sa aking ama, mahilig syang mamalo, di ko maintindihan kung bakit pag nagkakamali ako pinagsasabihan nyaako at pilit pinasusunod sa gusto nya.naalala ko pa noong panahon na ayokong mag aral, mas gusto kong maglaro ng basketball, mas masarap mamaril ng ibon sa gubat at higit sa lahat masarap humingi lang ng baon, palagi nya akong hinahabol ng pamalo, high school na ako pero namamalo parin si tatay.mahal nya raw ako kaya nya ginagawa yun. ang pagmamahal pala para sa kanya ay pananakit. lumayo tuloy ang loob ko sa kanya. para sa akin mas ok pa kung di kami magkikita, mas magagawa ko gusto ko.

pilit nyang isinasaksak sa utak ko na wala akong mararating kung tatambay lang ako,
na sundin ko ang payo nya. na wag akong tumulad sa kanya.

wag tumulad sa kanya?
college na ako nung mapag isipan ko ang mga payo nya, paulit ulit nyang ipinapaalala na wag akong tumulad sa kanya. na ibahin ko raw ang aking mundo.

naunawaan ko na ang lahat,
lumaki sa tubigan ang aking ama, nakikisaka, walang sariling lupa.
nakilala nya ang aking ina sa gitna ng anihan sa aming rehiyon. mahirap ang buhay, di sya nakapag aral. pero ganunpaman iginapang nya kaming magkakapatid upang mapapag aral.

at sinabi ko sa sarili ko,susundin ko na sya once and for all para di na nya ako masaktan. kelanman ay di ko sya tutularan.

kaya eto ako ngayon isang engineer,kapatid kong babae abogada na, si bunso naman nasa amerika piloto na.

si tatay?

at dahil sa sinunod namin ang kagustuhan nya na wag syang tularan,
ayun nasa tubigan parin sya, katulad ng dati kasama ng mga nag aani at nag tatanim sa bukid at sa palayan.



palayan na niregalo namin sa kanya.






May 8, 2012

Sapat Na

Sapat na sa akin ang panoorin ka araw-araw.
Sapat na sa akin ang paglingon mo sa kinaroroonan ko, kahit sandali, 
para maging 'da best' ang araw ko. 
Sapat na sa akin ang magpadala ng mensahe sa'yo, kahit 'di na ako magpakilala. 
Masaya na ako sa kalagayan ko na tumingala sa'yo mula sa paanan ng pedestal,
 na kung saan kita nilagay.

Hindi ka kasi para sa akin. 
Kahit naging magkasama tayo palagi, ni minsan, 
hindi mo naisip na lumapit sa akin at makipag-usap kung ano bang relasyon meron talaga tayo. Natanggap ko nang kahit kailan wala akong maasahan mula sa'yo. 
Malayo ang mundo mo sa mundo ko, kaya hindi ako naaalila ng ideyang magiging tayo. 
Aminado ko na sa sarili ko na hindi kailan man magiging tayo.

Hindi masakit. 

Naghilom na ang sugat bago pa ito dumugo.

Naisip kong walang patututunguhan ang pagtingala ko sa iyo. 
Magkakastiff-neck lang ako. 
Sasaktan, sasayangin at papagurin ko lang ang sarili ko sa iyo. 
Kaya titigilan ko na ang kahibangan ito. 

Naisip ko rin na tanga ang lahat ng ito. 
Katangahan ang umasa na isang araw mapapansin mo ako at magkakagusto ka sa akin, sa pagkatao ko. 

Hindi mangyayari yun... kaya walang kwenta.

Paalam. 

At kung sa aking pamamaalaam napansin mong kulang na ng isang pares ang mga matang nakatuon at tila sumasamba sa'yo sa bawat minuto ng araw mo, ibig sabihi'y pinikit ko na ang mga mata ko. 


Tumingala ka sa langit... nandun ako..!


***








Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;