kalimitan mas masama pa ang peklat na naiwan kesa sakit na idinulot ng sugat
may kirot pa rin na nararamdaman kahit tuyo na ito
kahit isa na lamang syang peklat.
Ikaw at ang sugat para sa akin ay iisa,
iniwan mo kase ako nung panahon na akala ko forever na kitang makakasama
dati rati, naku-kornihan ako sa mga wall post about moving on at letting go
kabaduyan para sa kin, yung mga emo na tao lang na papansin ang gumagawa.
Yun ang akala ko, dahil nung mawala ka na sa aking piling
naramdaman ko ang kalungkutan, ang pakiramdam ng nag-iisa na lamang.
simula noon, lahat ng wall post pakiramdam ko lahat ay patama para sa akin
wala na akong pinalalampas basahin, dahil para itong punyal na sumasaksak sa damdamin
Sinugatan mo ako, hindi pa naghihilom ang mga sugat nasundan ito ng paulit ulit
parang punyal lang na maya't maya ay itinatarak sa aking dibdib,
na kahit anong iwas , masasaktan at masasaktan parin,
tatama bawat talim sa akin para ako'y tuluyan ng wasakin at kalaunan ay patayin.
tatama bawat talim sa akin para ako'y tuluyan ng wasakin at kalaunan ay patayin.
Madaling sabihin ang salita na move on, let go
pero mahirap gawin lalu na't ang tao na kailangan kong kalimutan at pakawalan
ay ang tao na kailanman ay hindi ko inakala
na ang lahat ng kanyang sinabi ay puro kasinungalingan
dahil sa simula't simula pa lamang, hindi nya inamin ang tunany nyang hangarin,
ang linlangin ako at paibigin, upang sa huli ay iiwan na may dalahin
Paalam, saan ka man naroroon sana'y iyong malaman,
na ang sinugatan mo at sinaktan, at kalaunan ay iniwan ay heto ngayon
dala-dala hindi lamang ang peklat ng sugat mula sa ating nakaraan,
kundi ang binhi ng minsang pag-iibigan na inakala kong may katotohanan.
***
Para sa isang ama na tinalikuran ang anak na isisilang pa lamang,
sana ay maging maligaya ka, papalakihin ko ang bata na may tuwa at ligaya,
pasensya, pero hindi ko sya imumulat sa mundo na may kasinungalingan at pandaraya
Hindi ka karapat-dapat na kanyang makilala bilang isang Ama.
++