May 27, 2012

Retoke

 Sa advanced ng Technology ngayon, madali ng maayos ang halos lahat ng parte ng ating katawan.

Mula sa mukha na tagihawatin, kaya na ngayon itong maging makinis at sabi nga nila, kutis artista. YUn nga lang, sa presyong hindi basta-basta ang halaga.

Kung ang mukha at kutis nare retoke,  ang puso kaya,kaya rin gawan ng paraan?


“Hi, pasyal tayo sa Ring Road tonight? kung wala kang lakad” sms ni Ronald.
Hayy, actually may bowling session sana kami, panu ko ba mapapahindian ang tao na ilang linggo na rin tumatakbo sa aking isipan.

“Sensya ka na ha, medyo makulit ako “ si Ronald.
“Ok lang yun, wala din naman akong gagawin sa bahay ngayon eh” sabay pindot sa celphone ko ng send button para sa txt na hindi ako makakasama sa bowling ngayon.

Masasabi mo bang mali ang pagmamahal, kung ang nararamdaman nyo naman ay TAMA?

Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob kay Ronald, mabait. Sweet talker, may karisma sya na hindi ko alam panu i explain.
Matalino, hindi magpapahuli ang itsura kahit medyo payatot sya.

May pamilya si Ronald, may mga anak. Kahit on the rocks na ang samahan nilang mag asawa, hanga parin ako sa pagiging isang mabuti nyang ama. He’s a good provider. Hindi nya kelanman pinabayaan ang mga anak nya.

May mga araw na naiisip ko, hanggang kelan kaya kaming ganito?

Araw ng offday ko yun, pagbukas ko ng facebook, nabungaran ko ang kaka upload lang na pictures ng pamangkin ni Ronald. Kakabalik lang pala nila from Pinas. At ilan sa mga kuha ay kasama ang mga anak ni Ronald. Malalaki na sila, high school na ang panganay, kamukhang kamukha ni Ronald yung bunso.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kin para magkaroon ng lakas ng loob at nakipag chat ako kay Jenny, pamangkin ni nya.

Close kami, palibhasa nakakasama ko sila kapag may occasion ang mga Filipino Community dito sa Abu Dhabi. At nalaman ko sa kanya ang iba pang details about Ronald’s Family.

Now i understand kung bakit ganun ang itsura nya araw-araw, stressed from work tapos problema pa sa family nya. Kahit siguro ibang lalake, ganun din ang magiging itsura kapag nalaman na ang mga anak nya at asawa ay nagkakagulo sa Pinas. May kanya kanyang attitude kumbaga.

Kapag mahal mo ang isang tao, aalamin mo ang lahat sa kanya. Kung kinakailangan na kaibiganin mo ang buong angkan nila, gagawin mo. Isang desisyon na aminin ko man o hindi, alam kog mali.

“oi Gandahan, ano ba yan at pati anak ni Ronald friends mo?” hysterical na sambit ni Mimi.
“ano naman masama dito, eh gusto ko lang mapalapit sa mga bata. Who knows in the near future, di ba?”
“ay naku, asa ka pa !” nakasimangot nyang sagot.
“Lam mo friendship, di naman ako against sa inyo ni Ronald, kase sabi nya nga hiwalay na sila ng mrs nya at mga anak na lang nya ang reason kung bakit sya natawag sa Pinas” mahaba nyang litanya
“pero naman kapatid, imulat mo yang mga mata mong singkit, ano ba ang magiging laban mo sa asawa lalu na’t dun parin naman sa bahay nila ito nakatira?”
“lam mo Mimi, hindi naman lahat ng mag asawa eh nagsasama dahil may pagmamahal pa sa isa’t-isa. At si Ronald naman eh andito at araw araw, pagmulat ng aking mata eh sya ang nakikita” defensive na tono ko.

“ok fine, pero sinasabihan lang kita, Kung si Greg iniwan ka dahil hindi mo man lang napulbusan ng tender care, eh yang si Ronald baka iwan ka dahil sa sobrang yakap mo, nasasakal na pala” at gaya ng dati, padabog nya akong iniwan sa salas.

Kung may against sa relasyon namin ni Ronald, si Mimi yun. Palibhasa, lumaki sila na walang ama. Iniwan sila at sumama ito sa ibang babae. Namatay ang nanay nila sa pagiging katulong sa New Manila, buti na lamang at may malasakit ang amo, pinag aral sya hanggang college at eto nga, taga suporta naman sya sa mga kapatid nya.
May pinaghuhugutan sya ng galit kumbaga. Pero iba naman ang tatay nya at iba si Ronald. Mabuting syang ama.

“Hi, how’s your day?” post ko sa wall ni Arjerie anak ni Ronald.
“im fine po tita “ reply ng bata

I tried my best na makuha ang loob nya,alam ko kase na yun ang kulang sa kanya. ATENSYON, mula sa ina at mula rin sa ama.
Hindi madali ang ginagawa ko, everytime na inilalapit ko ang aking sarili sa mga anak nya, parang tinuturok ng injection ang puso ko.

“kapag umuwi ako, dalawin kita Arjerie ha, i’ll bring Jenny with me para bonding kayong magpinsan” post ko sa wall nya, ewan ko ba parang feeling ko gusto ko na agad ma meet si Arjerie at kapatid nya. Hindi pa ko nagiging ina, kaya siguro sabik ako sa mga kagaya nila. Lalu na’t teenagers, madami syang mga inquiries na alam kong hindi nya kayang itanong sa mommy nya.

“ARE YOU MY DAD’s MISTRESS?!”

ikinagulantang ko ang nabasa kong post ni Margaret, bunso ni Ronald.
I’m not ready for this confrontation, ayokong masira ang foundation na itinayo ko sa pagitan namin ni Arjerie.
“no im just a friend of your dad” pakumbaba ko
“LIAR ! nakita ko mga pictures nyo ni daddy at walang friends na nagyayakapan ! bata pa ako pero hindi naman ako ganun ka bobo. Sa teleserye lang uso ang linyang ‘we’re just friends”
Galit ang bata, ayokong patulan ang mga salita nya, na animoy asido na ibinuhos sa aking pagkatao.

Im not ready for this kind of battle.

“WALA KA BANG MGA ANAK AT NAGAGAWA MONG KUMABIT SA DADDY KO NA MAY PAMILYA?” another strike at diretso talaga ang sumbat nya sa akin. Hindi ko na kinaya, i logged out.

Nag half day ako, sumakit kase ang ulo ko. I think stressed from Margaret’s post. At naisipan kong maglakad lakad sa Marina Mall, magpapalamig kumbaga.

Saan nga ba nagsimula ang lahat ng ito?


Dati akong nurse sa London, after being married for 7 years. Hindi kami nagkaanak ni Greg, or i’d rather say, hindi kami nagkaroon ng chance makagawa ng anak.
Totoo pala yung kasabihan na “money can buy everything, except Love and affection” dahil sa akin mismo nangyari yan. Dahil sa trabaho, hindi ko namalayan na nag iisa na lang pala ako.

Mula sa London, lumipat ako sa Abu Dhabi. From resident nurse, nag shift ako sa pagiging Derm Care Assistant.

Minsan, naisama ako sa isang party ng mga Filipino Community. Boring din lang naman sa bahay at mainit kaya’t pinaunlakan ko sila.
Hindi ako mahilig sa gimik or party, sa edad kong 36, para bang nalipasan na ako ng gana. Feeling ko, dapat sa edad na ito meron na akong pinu problemang anak na nasa Pinas at palaging tinatawagan para i check…at buhat sa aking likuran ay naulinigan ko ang pakikipag usap ng isang kabayan na parang galit. Mukhang may problema ata sila ng nasa kabilang linya na kausap.
After few minutes ng konting inuman at kwentuhan ay nagpakilala ang bawat isa, bagong community pala ito na binuo ng mga kababayan natin dito sa bansang Arabia.

Lumalalim ang gabi, nagiging masaya ang lahat. Nagkukulitan, may nag aasaran pero likas talaga sa ating mga Pinoy ang malakas palagi ang tawanan.

“Oi nga pala, incase na gusto nyong gumanda, andito lang si Angelu de Leon ng Saudi Arabia, may discount na, libre pa ang konsulta. Yun nga lang, kapag wala na ang boss nya saka kayo pumunta” si Mimi, ang hausmate ko na nagyaya sa akin sa party.
“naku  hindi naman ganun kamahal, saka ia assess pa naman bago magkakaron ng recommendations at magkano magagastos kung sakali “ paglilinaw ko sa kanila
“Hi Ms Angelu, sa tingin mo magkano magagastos ko dito sa pagmumukha ko?” malalakas na tawa ang sumunod kong naintindihan.
Hindi naman sa nanlalait ako, pero si Diego ata ang magpapalabas ng skills ng doctor na amo ko. Kakaiba kase ang mga tigyawat nito sa mukha, at ewan ko ba, mukhang nasobrahan ata sya sa kakakain ng adobong mani nung kabataan nya kaya ayun,naging itsura nya.
“Eh RETOKE sa PUSO kaya mo ba?” huh? isang nakakagulat na malamyang boses ang nakapukaw ng aking atensyon.

Mula sa may gilid ng aking kinauupuan ay nagsalita ang lalake na kanina lamang ay may kausap sa telepono. Hindi ko napansin tuloy dahil sa sarap ng aming mga tawanan,

Nang makauwi na, hinagilap ko ang aking Calendar. Sabay nilagyan ko ng marka ang petsa na yun. Masasabi kong isa sa pinaka masayang gabi sa buhay ko ang napasama sa kanilang grupo. Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Makalipas lamang ang may ilang araw, nagkita kita kaming muli ng grupo, at gaya ng dati malulutong na tawanan ang umalingawngaw sa kabahayan.
Dito ko na nakausap at naka kwentuhan si Ronald. Isa syang Engineer at halos may 3 taon na sa Abu Dhabi. Tahimik na tao per may sense. At kung magbiro, HINDI nakakatawa. kase naman, may nagbibiro bang ang mukha eh mas seryoso pa sa naghahanap ng kayaman ni Yamashita.

Sa linggo linggo naming pagkikita kita, namuo ang isang pagkakaibigan na hindi ko alam kung paano nga ba nagsimula. Ang mga kapatid ni Ronald, sa hindi ko inaasahang pagkakataon, ay dating kasama ko pa pala sa OJT noong college. What a coincidence at halos lahat ng kakilala nya, common friend ko rin.

Habang tumatagal, lalu kaming naging close ni Ronald, isang araw, habang nagku kwentuhan about family, hindi na nya napigilan ang mag kwento. Dala na rin siguro ng pagkakainom nya ng ilang shot ng Brandy, at dahil na rin siguro sa bigat ng kanyang problema, nagkwento sya sa akin.


Tama pala yung mga quote sa facebook na “hindi dahil nagsasama at mag-asawa ay may pagmamahal pa na natitira” at sya ang isa sa living example na aking nakilala.

Ang dati’y linggo linggong pagkikita, nagyon ay naging every other night na. Naging malapit kaming magkaibigan ni Ronald, sa loob lamang ng ilang buwan, nakilala ko sya at ramdam ko ang bigat ng problema na naka atang sa kanyang mga balikat.

“Oi ganda, kayo na ba ni Ronald? “ tanong ni Mimi isang gabi na kakauwi ko lang.
“Nu ka ba friendship, masyado kang USI. Basta ba laging magkasama, may relasyon na agad?”

“ ikaw na ang defensive !” sabay pasok sa kanyang kwarto.
**

Inabot ako ng dinner time sa Mall. Bumaba ako sa food court at habang kumakain, may nakatabi akong Pinay karga ang anak nya.May kakulitan yung bata, at di sinasadya napahawak sya sa hita ko.

“oh sorry, Pinay ka?” sabay tanong nya
“oo, ang cute naman ng baby mo” at sadya namang maganda ang bata

“thank you po, hinihintay kase namin ang asawa ko. Dito nya kami tatagpuin eh, mahirap naman maglakad lakad baka maligaw kami” halatang bago pa lang sya dito.

“ah, nagbakasyon ba kayo?” usisa ko

“ay hindi po, naiayos na ni Mr ang papers namin mag ina, naka dependant kami sa kanya. Naku ate mahirap pag magkahiwalay ang pamilya , kalimitan in the end hiwalay or nagkakaanak sa iba “ obviously, masyado syang frinedly. Pinatamaan talaga ako eh.

1:25am Abu Dhabi.

Habang pinagmamasdan ko si Ronald sa kanyang mahimbing na pagtulog, tinanong ko ang sarili ko.
Hanggang kelan ko nga ba kayang magtiis, hanggang saan ko sya kayang ipaglaban, At may karapatan ba ako na gawin yun?

At muli, nagbalik sa aking ala-ala ang mga sinabi ni Margaret. “WALA KA SIGURONG ANAK ….”  isang mapait na katotohanan.

“o friend, bat mulat ka pa? anong petsa na aba?!” si Mimi, kumuha ng tubig sa ref.
“di ako antukin eh”
“lam mo, simula college kasama na kita. Kaya di mo ko madadaan sa drama.” kilala nya talaga ako.

at kinwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

“Friend, isa lang masasabi ko sa ‘yo. LOOK at me, what i’ve become. Gugustuhin mo bang magkaroon ng younger version si Mimi, at yun ay na create dahil sa isang tulad mo”  yun lang at iniwan na nya ako.

At gaya ng sabi nila, TIME heals all wounds. May peklat lang kalimitan na maiiwan para mag paalala na minsan nadapa ka.

Pero ok lang, anong silbi ng pagiging empleyado ko sa Emirates International Hospital kundi ko kayang i Retoke ang peklat na idudulot ng kabiguan ko.

Moment of truth.
Mahigit 3 years pa lang kami ni Ronald, kung sakali man, handa ko bang harapin ang may 30 taon pa na magiging buhay namin kung ngayon pa lang ay sumusugat na sa aking pagkatao ang sumbat ng anak nya sa akin.

Isang haplos sa mukha ni Ronald at ako ay pumikit na.
Madaling araw na pala, malamang ito na ang huling umaga na imumulat ko ang aking mga mata na kaharap sya.



****

Sometimes we have to open our eyes to see better view of the future.


No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;