Apr 14, 2010

to let you go

I was 5 years old nung una akong nagkaroon ng duyan sa ilalim ng punong mangga, tuwang tuwa ako habang urong sulong ka sa pag ugoy
sa akin, tila walang katapusan ang ating tawanan, hanggang sinabi ko sa 'yo na pwede mo na akong bitawan.

Kahit alanganin ka dahil sa pag aalala na baka ako mahulog, nanaig parin ang aking kakulitan, sinabi ko naman sa 'yo kayang kaya ko na,
kaya't maari ka ng bumitaw sa duyan.

Grade 6 ako ng bilhan mo ako ng gitara. Nasa likod kita habang tinuturuan mo akong tumipa sa strings sabay sa himig ng kanta ni Pilita.

Paulit ulit mo akong tinuruan, hanggang sa matuto ako at muli sinabi ko sa 'yo na maari mo na akong bitawan.

Ikaw ang naging gabay ko sa aking paglaki, kapag may nakakagalit ako, ikaw ang unang nagtatanggol sa akin.

You've been my hero, naging idol kita hanggang sa makatapos ako ng pag aaral.

I met my husband to be, at habang naglalakad ako palapit sa altar, lalung umigting ang hawak mo sa aking mga palad. Parang ayaw mo akong bitiwan at ibigay sa lalakeng handang makasama ko habambuhay.

Sabay sa pag agos ng luha sa iyong mga mata, ay ibinulong ko sa 'yo "dad, i'll be okay, pwede mo na akong bitawan"

Ikaw ang isa sa reason kung paano ko naabot ang aking mga pangarap.

Tandang-tanda ko pa noong aalis ako para mag migrate sa canada kasama ang aking pamilya, umiiyak ka. Ayaw mong magkalayo tayo.
Natatakot ka na sa paglayo ko ay hindi ko kayanin ang mamuhay sa bagong mundo ko, at gaya ng dati, sinabi ko sa 'yo "i'll be okay daddy, kakayanin ko ito"

Years have passed na parang hindi ko namamalayan.

Nakatanggap na lamang ako ng tawag na nasa hospital ka at masama ang kalagayan.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi ng doctor mo, that you only have few days to live.
Paulit-ulit mo akong tinatawag kaya't hindi ako umaalis sa tabi ng iyong kama. Hindi ko lubos maisip that the strongest man that i know was here in the hospital, lying in bed, hopeless. Malaki na ang itinanda.

At muli, naglakbay ang aking diwa. Kung paano mo ako inalagaan.
Kung paano mo ako kinalinga at ginabayan.


Umaagos ang luha sa aking mga mata, kita'y niyakap sabay binulungan "Dad, you have to let go. I'll be okay. Kaya ko ng mabuhay mag-isa sa mundo."
Isang pisil sa kamay ang naging sagot mo, sign na naiintindihan mo ako.

"i love you dad, pwede ka ng bumitaw, mommy is waiting for you now..."


***

No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;