Apr 17, 2010

Sinayang na buhay

Anlamig ng hangin, palibhasa bagong tapos lang ang ulan, basa pa halos ang semento na dinadaanan ko.

Saan nga ba ako patutungo? ah, level 16. At habang pinipindot ko ang numero 16 sa tabi ng dahon ng elevator, ay naglayag ang aking diwa.

2005 ng makarating ako ng Singapore. Naghanap ako ng trabaho unang araw ko pa lamang dito, hindi naging madali ang lahat. Kinailangan ko pang umuwi ng 3 beses bago ako tuluyang nakapasok sa trabaho.

2006 naging maayos naman ang aking trabaho, minsan nahihirapan pero dahil na rin sa napili kong linya na marketing, nasanay na rin ako sa pakikihalubilo sa iba't ibang klase ng tao.

2007, yumao si itay. sa laki ng nagastos namin sa kanya, napilitan akong mangutang sa credit card sa tulong ng kakilala kong ahente, kailangan nya maka quota kaya't ginawan nya ng paraan na maayos ang apply ko sa card na naging matagumpay naman kaya't nakabayad ako kahit papaano sa iba naming pagkakautang.

2008 naging PR ako, napakasaya ng pangyayaring ito dahil nabigyan ako ng mas malaking sahod sa aming kumpanya. Marahil ay ayaw nilang umalis ako kaya't tinaasan ng may $400 ang aking sweldo.

ngunit hindi ito naging sapat, dahil na rin sa nature ng trabaho ko na marketing, napasama ako sa mga alta sosyedad na mga local. Naging mabilis ang aking pag gastos, dahil PR nga ako, natukso akong mag loan ng sabay-sabay sa mga banko. Nakisabay ako sa lipad ng mga kasama ko, kung saan sila nagbabakasyon, sumasama ako.
Isang pagkakamali ko na hindi ko namalayan agad.

2009 dahil na rin sa laki ng mga utang ko, nag declare ako ng bankruptcy.
ang mga kaibigan ko dati na kasa-kasama sa lahat ng lakad, biglang naglaho na parang bula. May pinadalhan pa nga ako ng SMS ang reply ba naman sa akin "HU U?" as in parang last year lang eh kasama ko pa syang nagsa shopping sa orchard. tapos ngayon di na ako kakilala. Lumiit ang aking mundo, nalaman sa kumpanya ang problema ko, at mula sa pagiging marketing ay ibinaba ang posisyon ko as personnel na lamang, pati sahod ko ay nabawasan ng may halos $1500. na ikinalungkot ko at ikinabahala.

at ngayon nga 2010, hindi ko na alam kung ano ang mga nangyayari, wari'y nawiwindang ako sa bawat araw na dumadaan.


ding dong ! level 16.


napakurap ako, andito na pala ako sa pinaka mataas na palapag ng aming building. Sabay sa aking pag hakbang ay ang pag usal ko ng panalangin, ipinikit ko ang aking mga mata ng may ilang ulit upang hindi tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil.

Malamig ang dapyo ng hangin, wari'y nakikipagsabayan sa aking nararamdaman. Tama ba ang aking gagawin?

Ilang araw ko na itong pinag planuhan, sa dami ng mga naniningil sa akin sa aking mga pagkaka utang, sa dami ng mga tao na nahihiya akong harapin dahil alam na marahil nilang ako ay isang bankrupt, na maraming utang na halos kulang na lamang ay wag kumain sa maghapon para pagkasyahin ang natitirang pera pagkatapos ng swelduhan. Parang hindi ko na kayang humarap sa aking pamilya.

Isa...dalawa..ikatlong hakbang at ako'y tuluyan ng tumalon mula sa ika 16 na palapag....

at habang ako ay nahuhulog, nadaanan ko ang floor ng aking mga kakilala sa building na aking tinitirahan.

sa level 15 ay namataan ko si Mr Choo habang nakaharap sa salamin ay nagsusukat ng bra. Isa syang matipunong lalake, anu at mayroon pala syang itinatagong sikreto, marahil ay ito ang kanyang problema.

sa level 12 ay nadaanan ko ang mag asawang Hanna at George, mayaman sila at may award pa nga last december as best couple of the year, anu itong aking nakikita, binubugbog at sinasaktan ni George si Hanna.

sa level 10 naman ay naroroon ang byudang si Mrs Ghan, hanggang ngayon ay nakatulala.

at sa level 7 naman ay nadaanan ko si Lyka, ang babaeng walang mga paa, hayun at nasa may veranda.

sa level 6 ay nakita ko si Mr Lau, isang tao na maysakit na cancer, kailan lamang ay nagpa chemo pa sya ngunit wala na daw pag asa.

napapikit na lamang ako, sa ilang floor na aking nadaanan ay nakita ko ang kanilang mga buhay kapag wala sa harap ng karamihan. Na mayroon din pala silang dinadalang pasakit at problema.

Gaya ko, may malaki rin silang probema. At bago ako bumagsak sa ground ng aming building ay saka lamang nagliwanag ang aking isip.

Napakaliit lamang pala ng aking problema kumpara sa mga tao na nadaanan ko sa ilang palapag nung ako ay nagpasyang tumalon upang tapusin ang aking buhay. Pera lamang ang aking problema, samantalang sila ay mismong buhay na nila ang problema pero hayun at hindi nakakaisip na tapusin ang lahat sa paraan ng pagpapatiwakal.

at sa pagsayad ng aking katawan sa ground, ang huling natatandaan ko na lamang ay nakita ko silang lahat na dumungaw sa kanilang bintana sabay napailing sa panghihinayang sa buhay na aking winakasan.


****



hindi sagot sa problema ang pagpapatiwakal.

No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;