Apr 24, 2013

existence







Naramdaman
mo na ba yung parang hindi ka na nag e exist?


Yung
feeling na ginagawa mo naman lahat para mapansin ka nya


Na kulang
na lang mag make up ka para maging clown ang dating


Kakabanat
ng mga jokes na kalimitan kahit ikaw eh naku-kornihan na rin.


 


Yan,
ganyang ganyan ang feeling ko sa ngayon,


Na parang
kahit magsasayaw ako sa harapan mo, hindi mo pa rin ako mapapansin.


Paano naman
kase, nasa malayo palagi ang iyong tingin,


Animoy
hinihipan ka ng hangin kapag napapadaan ka sa harapan ni EX.


 


Bakit nga
ba may mga tao na mahal na mahal mo,


Pero ayaw
naman sa ‘yo at iba ang ginigusto, yung meron ng commitment.


Andito
naman ako, single, available, willing pa nga to mingle,


Di ko
maintindihan, bakit sa kanya ka pa habol ng habol eh inayawan ka na nga di ba.


 


Sa math
kapag may X, kelangan may kaukulan itong value,


Hindi
pwedeng makapag move on kapag palaging naka carry over si   X.


Parang
ikaw, hindi ka makaka recover kung palagi kang nakahabol sa kanya,


Tumingin ka
naman sa paligid mo, malay mo ang substitution eh nasa harapan mo lang pala.


 


Napapagod
din ang puso, naiinip rin sa kahihintay.


Baka kung
kelan huminto na ang pag-inog sa ‘yo ng aking mundo,


Kung kelan
ipinikit ko na ang aking mga mata na laan sana sa  ‘yo


saka mo
naman ma realize ang existence ko.


 


 


Mahirap
magmahal sa taong may mahal na iba,


Pero mas mahirap
magmahal kapag binibigyan ka lang nya ng maling pag-asa…


 


No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;