Nagmamadali ang mga hakbang na tinungo ko ang aking inuupahan na kwarto.
Ini on nag laptop at animoy may humahabol na ilang demonyo
habang umuusal ng panalangin,na sana, naka online ka na.
Na sana makita mo agad na online din ako.
Hindi naman talaga ako ganito ka adik sa laro.
Pero sa lahat ng RPG ito ang aking pinaka paborito. Ang Diablo.
Dahil sa likod ng paglalaro ko nito, ay naroon ang kwento ng mga naging buhay ko.
Diablo ng makilala ko si Howard, schoolmate ko sya.
Palagi kaming tambay sa labas ng campus.
Mahigit 2 oras ang interval ng klase namin dalawa.
Sya ang nagturo sa akin maglaro ng RPG.
Noong una normal lang na laro, pero kinalaunan, parang character ng Sorceress,
nahulog ang loob ko kay Howard, isang Paladin.
Love is not a game that 2 people play.
Napatunayan ko na ito ay totoo, husto na natatapos ko ang larong Diablo
natapos din ang relasyon namin ni Howard.
Kinailangan na nyang umalis ng bansa, susunod na sya sa pamilya nya at
doon maninirahan sa America. Ayokong umasa na magiging kami pa,
pero sya mismo ang nagsabi na to be continued daw kaming dalawa.
Parang Diablo 2 lang di ba.
Releasing ng Diablo 2, habang nakapila ako sa National Bookstore ng
SM North EDSA nang makilala ko si Roy.
May kilig factor sya na karisma, yung tipong magsasalita pa lang para ka ng hine hele
sa lambing ng boses nya. Dinaig pa ang necromancer character kumbaga.
Nagpalitan ng battletag id at kinagabihan, sa portal ng Tristam kami ay nagkita.
Nabuo ang isang samahan nakailanman ay hindi ko akalain
na hahantong sa totoong pag iibigan.
Isa syang Tyreal na gumabay sa akin.
Mula sa simula ng laro hanggang sa humantong kami sa simbahan.
Nag isang dibdib kami sa Cathedral, hindi sa Tristam , kundi sa totoo ng simbahan.
Kung paano kami naging tag team sa Diablo 2, ganoon din namin sinuong ang buhay.
Magka agapay, nagtutulungan.
Pag nawawalan ng buhay ang isang karakter, tutulungan ng ka partner.
At gaya ng mga karaniwang laro, lahat ay may katapusan.
Gumising na lamang ako isang umaga na meron na syang kalaro na iba.
Pilit ko man syang ini- invite papunta sa server kung saan ako naroroon, ini ignore nya.
Dito ko natutunan labanan ang mga mobs na mag isa.
Hinarap ko si Baal na mag isa hanggang sa umabot ang may ilang taon,
natuto akong mag level up na walang kasama.
Loner.
Walang kakampi.
Lumalaban na mag-isa.
At ngayon nga, makalipas ang may ilang taon, inilabas ang Diablo 3.
Iba na ang mga karakter, pero iyon parin ang mga uri ng kalaban.
Mga halimaw na pinakawalan mula sa mundo ng kasamaan.
Mula sa pagiging loner, muli akong lumabas upang makisalamuha sa iba.
At dito kita nakilala.
You’re the falling angel that was sent for me from up above.
Ikaw ang bagong Tyreal na gagabay muli sa aking pag iisa.
Anumang pilit kong saksak sa aking utak na laro lamang ang lahat ng ating ginagawa,
ang talanding puso ko naman ang sigaw ng sigaw na iniibig na kita.
Nahulog na ang loob ko sa ‘yo, kung gaano kabilis ang level up ko sa Diablo 3
ganun rin kabilis ang development ng nararamdaman ko sa ‘yo.
Alam kong mali ang umibig sa tulad mo,
Dahil kailanman alam ko na hindi maaring maging tayo.
Hanggang sa laro lamang na Diablo pwedeng magkaroon ng salitang IKAW at AKO
pero sa totoong mundo, walang TAYO.
Masakit, pero kailangan.
Kaya’t ng makarating ako ng level 60 sa Hell mode,
nagpasya ako na kailangan ko na itong tigilan.
Tama na ang naramdaman kong sakit sa Hell, ayoko ng ipagpatuloy pang pahirapan
ang aking sarili na sumiksik sa ‘yo habang naglalaro sa Inferno.
Tama na ang Nightmare na aking napagdaanan,
at sapat na ang lupit ng Hell na aking naranasan ng sabihin mong ikaw at ako
ay hanggang sa pagiging magkaibigan lamang.
Ayoko ng makarating sa Inferno at tuluyang mawasak ang gulanit kong pakiramdam,
gaya ng mga nakaraang laro ng Diablo…palaging sa huli ay may talunan.
Sana naging Hero na lang ako sa Diablo,
para tuwing masasaktan, pwede akong magpalit ng karakter.
Magsisimula ulit sa level 1 na parang walang masakit na pinag daanan mula sa nakaraan.
Ako at si Diablo ay magkapareho palagi ng kinahahantungan.
Defeated palagi sa laban.
Ganda at makabuluhang post
ReplyDeletePatambay naman dito :)
ReplyDeleteJessie
\m/