Oct 3, 2012

Paalam Diablo



1 message received
hindi ko na kailangan pang tingnan kung kanino galing ang mensahe
very obvious naman na sa iyo yun nanggaling.
may naka assign na kaseng alert tone para sa 'yo

sa may ilang buwan natin na paglalaro ng Diablo 3 at paguusap gamit ang skype,
nakilala natin ang isa't - isa.
Ikaw ang Demon Hunter na nagtaboy palayo sa mga mobs na kumikitil
sa buhay ng Fragile Wizard na hawak ko nga.
Isang samahan ang nabuo, ilang persona ang ating nakasama, 
ang dati'y boring na buhay ko, ngayon ay naging masigla.
Pinasaya mo at binigyang kulay ang paglaban sa mobs at elite 
kung saan si boring na Templar lamang ang palagi kong kasama.

hindi pa man tayo nagkikita ng personal, daig pa natin ang matagal ng magkakilala
mas alam mo ang mga kahinaan ko at kakulitan sa loob at
labas ng laro na ating ginagalawan. Naging jive tayo dahil na rin siguro
sa common grounds na dinanas nating dalawa.
nasa stage ka ng pagkalito at dismaya, habang ako naman ay natapos at naka survive na.
magkatulong natin hinarap ang mga minions of hell at pinaslang sila habang 
hinahanap ang mga legendary at loots para natin maibenta.
Isang laro na nagbigay daan upang ikaw at ako ay makabuo ng isang samahan
Samahan na nagpabago sa aking katauhan.

Hindi ko alam kung bakit nasasaaktan ako tuwing mababanggit mo sya,
animo'y hinahampas ng mga elite at dinadaanan ng arcane
ang puso ko sa sakit na nadarama . Akala ko'y malilimot mo sya,
dahil ang Demon Hunter hero mo at Wizard character ko ay bagay na maging SILA.
Inakala ko na dahil palagi tayong magkasama, magkausap sa skype
at magka text magdamag, ay malilimot mo na sya.

Nakalimutan ko, na ang salitang TAYO ay sa larong Diablo 3 nga lamang pala. 

Na hindi tama ang nangyayaring ito, mali na may maramdaman ako sa 'yo
Dahil ang laro ay malayo sa katotohanan,
ang mga character na ating hero ay pang Diablo lamang
Katangahan ang magpantasya na sa bandang huli ay magiging tayo,
dahil napakaliwanag, pag natapos natin ang pagpapa level, babalik na tayo sa katotohanan.
Ako ay patuloy na mamumuhay mag-isa,
habang ikaw ay may pamilya na bubuuin at pananagutan.

kaya't bago pa ako ipagkanulo ng nararamdaman ko sa 'yo
kailangan ko ng wakasan ang aking kahibangan,
Paalam Diablo at sa iyong mga kasamahan
tama na ang may isang libong oras na ginugol sa laro na alam ko naman ang kahihinatnan
kailangan ko ng lumisan, kailangan ko ng mag logout at password ay kalimutan
bago pa man tuluyang lamunin ng maling paniniwala ang aking katauhan,
Kailangan kong ilabas ang aking sarili sa portal ng game na aking kinababaliwan.

at kung sakaling mapansin mo na tila may kulang na player sa iyong listahan,
Marahil ay iniwan ko na ang Portal kung saan kita natagpuan.
mag login ka sa teamviewer,
para makita mo kung may iba na akong pinagkaka abalahan.

Ikaw ay animo'y si Diablo. Pinaluha ako at sinaktan.

****

5 comments:

  1. ang ganda.

    nakakalungkot lang dahil may pagsasama na masisira ng dahil sa Diablo na yan.

    ReplyDelete
  2. Hope to meet you at sana makalaro muna kita in diablo3 before you quit.
    Really admire you not because you are good in writing short stories but because you're nice.
    Hoping to meet you soon...very soon...



    Glen

    ReplyDelete
  3. nice one labli.....ang ganda ng message pati pagkakagawa completo rekado....ikaw na.

    war10ck

    ReplyDelete
  4. true to life ba yan labli? :) parang kilala ko yan a

    ReplyDelete
  5. tuluyan ng nasira ang pagsasama nila ms labli
    anuman siguro ang pilit gawin ng bawat isa sa kanila,
    nagkaron na ng lamat ang kanilang samahan.

    sana'y patuloy na maging aral ang iyong mga sinusulat sa iyong mga tagasubaybay at sa mga kapwa manunulat mo na din


    ReplyDelete

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;