Jun 6, 2012

Essay kay Papa

First day of school. 
Bagong eskwelahan, bagong mga kaklase, bagong mga guro. Lahat sa aking paningin ay bago.
Pati nga mga gamit ko bago lahat, pwera lang yung sapatos ko, binili ito ni lola nung marso, para gamitin sa graduation ko.

Sabi ni Teacher, father's day daw this month. Di ko narinig ng ayos yung exact date, kase naman yung pencil case ng katabi ko, nalaglag sa sahig. Eskandalosa masyado ang ingay. Di bale, barbie naman ang brand.
We need to write an essay about our father daw. Dahil karamihan sa section namin ay OFW ang mga magulang, napansin ko na kanya-kanya sila ng bidahan.

Natameme ako.

Paano ko ba isusulat ang tungkol kay papa, eh 4 years old pa lang ako, naghiwalay na sila ni mama.
May bago na syang pamilya, ayun nga at may kapatid na ako sa kabila. ay, mali, kapatid daw sa labas. whatever, basta ka apelyido ko sya at anak sya ni papa. kahit di ko pa sya nakikilala.
Kung isusulat ko naman ito, hindi kaya lumabas naman na masyado syang masama. Newbie pa naman ako sa school na ito, ano na lang sasabihin ng magiging future kaibigans ko.

Eh kung iku kwento ko naman ang naging happennings namin nung magbakasyon sya dito last summer, mas lalong boring. Alangan namang isulat ko na umatend sya sa graduation ko, dahil papa ko sya, sabi nina teacher sya na daw ang magsabit ng medal ko, grabeng iyak nya ha. Nakuhanan pa talaga sa picture. Para may souvenir, sabi ko sa potograper, 2 kopya na gawin. sabay hingi ko kay papa ng 100 pesos, alangan naman ako magbayad nun. Inabutan pa namin ng bulaklak ang aming magulang, 30 pesos daw sabi ni teacher, hiningi ko rin sa kanya yun. Aatend atend sya ng graduation ko eh hindi naman sya dapat ang kasama ko dun. Daming nag comment sa pictures namin dalawa, nakapag pa graduate na daw sya ng elementarya, haler ! si Mama kaya nagbayad ng tuition fee ko, ba't sya ang pinasalamatan ng mga kaibigan nya. 2 picture at 1 rose nga lang pinuhunan nya, samantalang si mama almost 7 years na tuition fee ko lahat sya ang umariba. Unfair talaga kaso, asan nga ba si mama, andun sa abroad, OFW din daw kase sya. 
Di ko pwedeng ilagay na kwento ito, lalabas namang wala na ngang kwenta, kuripot pa si papa. Nakakahiya di ba.

Ang hirap palang mag isip ng essay, akala ko ba easy lang ito. 
Nakita ko ang mga kaklase ko, hala ang hahaba na ng paragraph nila, samantalang ako, eto hanggang ngayon nag iisip pa. Nakaka stress pala maging estudyante tapos may ipapagawa na ganito. Bakit kase hindi pa sa July na lang nag openning ang klase, para tapos na ang father's day. kase naman eh...kasalanan ito ni Presidente. Palibhasa tatay nya eh patay na nga, naging bayani pa.

Kinulbit ako ng kaklase ko, ano daw spelling ng Pilantropist kase ganun daw daddy nya, ano ba naman ito. Yun ngang meaning ng OFW di ko alam kung ano, spelling pa ng pilantropist malaman ko?!

Ano nga bang klase ng OFW si papa ko? Kase simula ng mag abroad sya noong 2007, eh 3 beses nya pa lang kami napadalhan ng pasalubong. Hindi ko nga alam kung ano yung binabanggit nila mama na remitans daw, kase wala daw binibigay na ganun si papa. Nung umuwi naman sya last April, 1 relo at 3 t-shirt na Dubai lang ang binigay nya. Actually, di na nga kasya kay kuya yung short na dala nya. Mali kase ang sukat, mukhang para ata yun sa bagong anak nya, tapos ibinigay na lang kay kuya.

Kung ang isusulat ko naman ay ang masasayang panahon na si papa ay kasama ko, baka akalain ni teacher nagsisinungaling ako. Kase sa totoo lang, huling karga nya sa akin eh noong ako ay nasa grade two. That was 5 years ago. Tuwang tuwa ako nun kase pumunta sya sa event ng school namin. Kinarga nya ako at sa tagal ng panahon na na miss ko sya, feel na feel ko ang ligaya. Lam mo yung pakiramdam na secured ka, na walang sinuman ang pwedeng mang asar sa 'yo at sabihin na "wala ka na ngang ina, wala ka pang ama" kase naman parehong nasa abroad sila. Yun nga lang, magkahiwalay. As in hiwalay na kase sila, may kanya kanya ng buhay. At si papa nga, may iba na rin binubuhay. That was my last memory na masaya kami ni papa. Sayang nga lang at kinailangan na nyang umalis noon. Hindi na nga nya ako hinatid sa bahay nila lola. Malayo pa daw kase ang byahe nya.

After that, nagpaalam na sya sa amin ni kuya. A abroad na rin daw sya. Akala ko nga susundan nya si mama, akala ko lang pala. Ibang babae pala sinundan nya at ayun nga, ngayon eh mag asawa na sila. Nagka anak na nga eh, yun nga lang hindi pa ako ready na makilala sya.

Hindi siguro nagpahula dati sila mama, dapat bago sila naging mag asawa nagpa punsoy muna.
Para atleast alam nila na magkakahiwalay pala sila. Eh di sana iba na lang inasawa nilang pareho, at para kami naman ni kuya hindi nalulungkot ng ganito di ba. At higit sa lahat, hindi sana ako mahihirapan mag isip ng isusulat about sa aking ama ngayon dito sa klase ko.
Kasalanan ito ni aling Ising, dapat nagpalabas sya ng commercial sa tv na nanghuhula sya, para nakapunta muna sila papa sa kanya bago nagpakasal di ba.

Anong oras na, wala pa akong nagagawang essay aba ! 
Kung pwede lang na ilagay ko dito na sana, wala ako sa mundo kung wala akong papa na nagmahal sa amin noon ni kuya, kahit na iniwan nya kami at sumama sya sa iba, hindi nya parin nakakalimutan na tumawag sa amin kahit paminsan-minsan. Hindi nya parin nakakalimutan ang mga paborito namin, at higit sa lahat, bago ibaba ang telepono, palagi nya parin sinasambit na Mahal na mahal nya kami ni kuya at wag daw namin kakalimutan na anuman ang mangyari, mayroon pa kaming papa na palaging nag iisip sa aming dalawa kahit nasa malayo sya. Na magkakalayo man daw kami bilang pamilya, walang araw daw na hindi nya kami naiisip ni kuya. Sa katunayan pa nga daw, nasa celpon nya ang mga pictures namin na mag-aama, simula noong bata kami hanggang ngayon nga na ako ay naging high school na. Lagi pa nga nyang sinasabi na kahit wala sya sa tabi namin ni kuya, wag daw namin iisipin na kami ay nakakalimutan nya kase dugo nya daw ang nananalaytay sa katawan namin dalawa. Na kung sakali man daw at mawalan na sya ng hininga, manatili daw sana sa puso namin na minsan sa buhay namin, sya ay naging isang mabuting papa. Kung pwede lang na ito ang isulat ko, sana eh di kanina pa ako nag pasa ng papel kase konti lang naman ang maisusulat ko tungkol sa kanya.

Sa loob kase ng 12 years na ako ay naging isang bata, iisa lang ang nagparamdam sa akin na ako ang prinsesa sa buhay nya, at yun eh si Papa. Kahit magkahiwalay kami at may iba na syang pamilya, mahal ko pa rin sya bilang ama, kase, wala naman ako ngayon sa La Salle Lipa kung walang isang papa na naglagay ng buhay sa sinapupunan ni mama at makalipas nga ang siyam na buwan, inilabas ang isang... AKO.

Sana pala nag text na lang ako kay lola, malamang kanina pa yun nakapag send ng isusulat ko dito sa essay para kay Papa....hay, yari ngayon ang first day ko sa eskwela, walang naisulat kaya eto..nganga !




***
susulat ako sa senado, ilipat ang openning ng klase tuwing Hulyo !









No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;