May 8, 2012

Sapat Na

Sapat na sa akin ang panoorin ka araw-araw.
Sapat na sa akin ang paglingon mo sa kinaroroonan ko, kahit sandali, 
para maging 'da best' ang araw ko. 
Sapat na sa akin ang magpadala ng mensahe sa'yo, kahit 'di na ako magpakilala. 
Masaya na ako sa kalagayan ko na tumingala sa'yo mula sa paanan ng pedestal,
 na kung saan kita nilagay.

Hindi ka kasi para sa akin. 
Kahit naging magkasama tayo palagi, ni minsan, 
hindi mo naisip na lumapit sa akin at makipag-usap kung ano bang relasyon meron talaga tayo. Natanggap ko nang kahit kailan wala akong maasahan mula sa'yo. 
Malayo ang mundo mo sa mundo ko, kaya hindi ako naaalila ng ideyang magiging tayo. 
Aminado ko na sa sarili ko na hindi kailan man magiging tayo.

Hindi masakit. 

Naghilom na ang sugat bago pa ito dumugo.

Naisip kong walang patututunguhan ang pagtingala ko sa iyo. 
Magkakastiff-neck lang ako. 
Sasaktan, sasayangin at papagurin ko lang ang sarili ko sa iyo. 
Kaya titigilan ko na ang kahibangan ito. 

Naisip ko rin na tanga ang lahat ng ito. 
Katangahan ang umasa na isang araw mapapansin mo ako at magkakagusto ka sa akin, sa pagkatao ko. 

Hindi mangyayari yun... kaya walang kwenta.

Paalam. 

At kung sa aking pamamaalaam napansin mong kulang na ng isang pares ang mga matang nakatuon at tila sumasamba sa'yo sa bawat minuto ng araw mo, ibig sabihi'y pinikit ko na ang mga mata ko. 


Tumingala ka sa langit... nandun ako..!


***








No comments:

Post a Comment

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;