Nov 10, 2011

bokasyon, hindi propesyon

I'm working in retail. at talagang hindi madali ang trabaho.
araw-araw nakatayo ng 8-12 hours, buenas na kapag nakaupo ng 1 oras.
palaging nag-iisip, ano ang gagawin na promotion, panu makaka hit ng quota, panu makaka survive ang shop na hawak ko, panu mag gu grow at marami pang paano.

there come a time na muntik na akong mag resign.
i applied for a new job, nakapag submit na ako ng G50, malaki ng 3x ang salary sa current na sinasahod ko. I will be under government agency, on call nga lang kapag kinakailangan lalu na at sa technical support team ang hahawakan ko.

i have a sum amount inside my savings account na naka ready para ibalik sa company as what my aggreement says na kailangan bayaran ko ang mga company trip kapag nag resign ako 6 months after the trip, at 2 months salary ko dahil hindi ko na mahihintay ang 2 months notice.

i was about to click "send" button para sa resignation letter ko ng biglang mag ring ang aking phone, in the other line was a customer na kasambahay, bumili sya sa akin ng netbook few weeks ago. tinatanong nya panu gamitin ang singtel mobile broadband na nahiram nya sa amo nya using her netbook.

after i finished talking to her, napa isip ako...anong klase nga ba ng trabaho meron ako within my 5 years dito sa singapore. eto bang mga tumatawag sa akin at humihingi ng tulong eh masasagot ko pa kapag nag iba na ako ng linya ng trabaho?

last na naging tanong ko sa aking sarili, NAGING MASAYA ba ako sa trabaho ko at nakatagal ako ng may 5 years na halos paulit ulit lang na routine at katakut takot na stress ang binibigay sa buhay ko.

after asking that to myself, i click "CANCEL" sa ise send ko sana na email.

hindi ko pala kayang talikuran ang mga customers na naging bahagi ng buhay ko. sometimes, it's not the amount of pay you are recieving, it's the HAPPINESS that you are experiencing.

being in a customer service is NOT a profession, it's a VOCATION.

***
kung di ka na masaya sa trabaho mo, you can leave, go on.
_________________

Sep 21, 2011

napunit na pangarap

Hindi ko napansin, malamig na pala ang kape na nasa aking harapan

Time check : 12:45am
ah, maaga pa. hindi pa nagbubukas ang pintuan para makapag pre-boarding ang mga pasahero na bibyahe pauwi ng Pinas.
4 years....parang kailan lang, jobhunter ako sa Singapore.
Halos magmakaawa ako noon sa mga agency, mahanapan lang ako ng trabaho.
Sabi ko, kahit mababa lang ang sweldo basta ang mahalaga magka trabaho ako.
Araw-araw nagsisimba, nananalangin na sana may tawag ng magmula sa mga inaplayan ko na kumpanya.
Mabait talaga si Lord, halos ilang linggo lamang ay natanggap ako sa trabaho.
Sa isang sikat na Hotel.
Hindi ganoon kalaki ang sweldo, pero ayos na para mabuhay ako ng maayos.
Mabilis lumipas ang mga araw, naging buwan hanggang sa naging taon.
Nagkaroon ako ng napakaraming mga kaibigan.
Mga kaibigan na naging kasama ko upang wag malungkot at mangulila sa pamilya na aking naiwan.

2009, nakilala ko si Joan.
Isa syang telemarketer ng isang kilalang Credit Card company.
Dahil S-PASS holder ako at medyo maganda ang nakalagay na Title ng aking posisyon, hinimok nya akong mag apply ng creditcard.
Kaya daw ng kumpanya nila na maipa approve ang application ko at makakatulong din yun sa aking pang araw-araw na gastusin.

Nagpahimok naman ako.

Mula sa $1200, pinalabas nyang $2500 ang aking sinusweldo.
Makalipas ang ilang araw, may natanggap akong makapal na sobre. Laman nito ang card at ilang papeles mula sa kilalang banko.
Natuwa ako, hindi ko alam ano ang gagawin ko sa card na aking hawak.
Napakalaki ng $8,000 na credit limit na binigay sa akin.

Unang kaskas, bumili ako ng laptop.
Pakiramdam ko habang pumipirma ako, isa akong mayaman.
Nakangiti lahat ng sales staff sa akin, welcome na welcome.
Masyado akong natuwa, kaya't sumunod kong binili ay relo, sapatos, ilang pirasong damit.
Kinagabihan, inimbitahan ko ang aking ilang kaibigan na mag hapunan.
Nilibre ko sila. May pambayad ako, may $8000 credit limit ang aking creditcard.

Nagkita muli kami ni Joan, sabi nya pwede na rin daw akong mag apply sa ibang creditcard company.
At hindi nga ako nag dalawang isip, dahil may laptop na ako, nakapag online ako at malaya kong napuntahan ang mga website ng iba't ibang creditcard company.
Apply dito, apply doon.
Wari'y nalunod ako sa kasiyahan ng maraming hawak na gadgets.
Yung maraming damit sa closet, maraming sapatos.

Dumami lalo ang aking mga naging kaibigan.
Nakapunta lahat dito ng mga kapatid ko, maging si Inay naisama rin.
Nagkaroon ng dating ang pangalan ko, naging bukambibig ng mga kaibigan ko.
Minsan nga nagpapa utang pa ako mula sa mga cash advances ng mga creditcards.
Nagpa package ako ng 3 jumbo box sa LBC, hari ng padala ang tawag sa akin ng mga kamag anak ko. Isa-isa nilagyan ko ng mga pangalan ang bawat pasalubong na nasa kahon.

Nakapasyal ako sa mga bansa sa paligid ng Singapore,
nakapag bakasyon ako sa mga lugar na dati-rati'y sa litrato ko lamang nakikita.
Lahat iyon ay UTANG.

UTANG na kailangan ko palang bayaran.

2010. lumipat ako ng inuupahang tirahan.
Hindi ko na kayang magbayad ng 1 kwarto.
Malaki na ang utang ko at kabi-kabila na ang tawag sa akin ng mga banko, naniningil. Ang iba nagbabanta na iba bangkarote daw nila ako.
Nakakasakit ng ulo, nakakawala ng focus.

Hanggang sa nag bukas ang pintuan ng Resorts World Sentosa
Unang tapak ko sa Casino, nanalo agad ako mula sa aking puhunan na $100, lumago ito at naging $5200.
Natuwa ako, na sa sobrang kagalakan, nakalimutan ko ang aking mga problema.
Nabayaran ko unti-unti ang ilang creditcards ko.

Pero hindi parin ito sapat sa laki ng mga naging utang ko, kaya't nagpabalik balik ako sa RWS.

Nang mabuksan ang Marina Bay Sands, mas lalo ako ginanahan. Malapit kase ito sa aking trabaho. Pagkakalabas ko, dito na ako dumederecho.
Minsan pinapalad, pero kung kukwentahin ko ang naging panalo, mas lamang ang natalo kong pera.
dito ko natutunann ang kasabihang "LIFE IS A GAMBLE"

at sa inaraw-araw kong pagsusugal, nanawa rin ako.
Naubos ang aking mga kaibigan.
Ang mga kasama ko dati sa ligaya, isa-isang hindi ko mahagilap.
Pati sa facebook ini ignore na nila ako. Siguro iniisip nila na uutangan ko sila.
Pati trabaho ko naging apektado na. Hindi na ako makapasok ng ayos, ang ilan sa aking mga kasamahan nautangan ko na rin.

Hindi ito ang buhay na aking pinangarap 4 na taon nakakaraan.
Hindi ganito ang mga plano ko sa aking buhay, ngunit ano ang aking magagawa kundi ang ayusin ito habang may panahon pa.

Alam kong mali ang aking desisyon na pagtakbo sa mga utang.
Ngunit mas mahihirapan lamang ako kung mananatili pa ako dito at lalo lamang mababaon sa hirap, na maaring mag resulta ng hindi maganda.

Mababayaran ko din ang aking mga utang, hindi man sa ngayon malamang kapag naiayos ko na muli ang aking buhay.

at ngayon nga ay heto ako, naghihintay sa eroplano na mag-uuwi sa ating bayan.
Sa Pinas, magsisimula akong muli...tatahiin kong muli ang mga napunit kong pangarap.

*****
this is a true story
character is now in Pinas and planning to return here
to pay his debts after selling a parcel of Land

Jul 6, 2011

Piring sa Puso

"this is your captain, welcome to Singapore !" 

ang bilis ng oras, kani-kanina lamang ay nasa Pinas pa ako kasama ang mga tao na malapit sa aking buhay. 
haharapin ko na naman ang reyalidad, trabaho-internet, bahay-internet, trabaho internet...and so on. paulit-ulit na routine, ganyan ang buhay ko. 

Sabay sa pagdapyo ng hangin sa aking mukha ay ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. 

Nakilala kita noong panahon na ako ay nasa magulong estado. 
Noong una, kakulitan lamang kita, at dahil kailangan ko ang pirma mo sa papeles na hawak ko, nakipag kulitan naman ako. 
Magdamag tayo na nagpalitan ng message sa text, nanakit na nga ang mga kamay ko. 
Sino ba naman ang hindi magti tyaga na makipag text eh ang pogi mo. 
Isa sa mga kahinaan ko. 

Lumipas ang ilang araw, gumimik tayo. 
Gimik na nagpaiba ng galaw sa aking mundo. 

Minahal kita, at alam kong nagkaroon din ng puwang ako sa puso mo. 
Ngunit alam natin pareho na walang patutunguhan ang relasyon na namumuo sa ating pagitan. 
Kailangan kita dahil requirements ko ang pirma mo, 
Kailangan mo ako, dahil achievement mo ang mga impormasyon na dala-dala ko. 
Gamitan, yun ang eksaktong salita para sa klase ng relasyon na meron tayo. 

Tao lang ako na natututong magmahal. 
Nahulog ng husto ang loob ko sa 'yo at hindi ko namalayaan, 
hinahawakan ko na pala ang isang bagay na kailanman ay hindi naman magiging akin. 
Gusto kitang ikulong sa aking mundo, 
isang pagkakamali na ngayon ay natutunan ko. 

Iniwan mo ako... 

Nawala ang tao na nagpabago sa inog ng aking mundo. 

at makalipas ang 5 taon, muli tayong nagtagpo. 

Iba na ako, nagbago na ang damdamin ko sa 'yo. Yan ang sinabi ko sa harapan mo. 
At dahil kailangan ikaw ang makasama ko sa ilang araw na pananatili ko sa Pinas, hindi naiwasang sumilip ng puso ko sa tao na aking kasa-kasama. 
Andun parin ang pagmamahal, andun parin ang salitang UMAASA. 

at para lamang huwag masaktan, tinapik ko ang aking puso upang iwan ang bintana kung saan ka nya nasisilayan. 

Mas maayos na ang ganito, mamahalin kita ng patago na lamang. 
Kesa ihayag ko sa iyo ang damdamin na kailanman ay hindi magkakaroon ng katugunan dahil pareho nating batid na ito ay isang kalokohan. 

Masaya ka sa pamilya mo, malungkot naman ang buhay ko. 
Pero ayos na ako sa ganito, kesa naman tuluyang mawala ang tao na nagturo kung paano paikutin muli ang mundo. 

Para sa isang kaibigan, pasensya na sa aking pagiging hibang, 
Sa susunod natin pagkikita, sisiguruhin kong nakapiring na ang aking puso para hindi na muling makadungaw sa bintana at makaramdam ng 
maling pag-asa. 

****

Jun 19, 2011

huling pagkarga

"Yvette, kayo, san ang punta nyo sa sunday?" 
"sa Eternal siguro, dadalawin si lolo..." malamyang sagot ko. 

Friday pa lang naririnig ko na sa mga ka klase ko na pupunta sila ng SM. 
na mamamasyal sila, kakain sa labas at magsisimba kasama ang mga papa at daddy nila, kase father's day daw. 

Ilang Father's day na ba ang lumipas simula ng makasama namin si Papa? 

4 years old pa lang ako nung maghiwalay sila ni mama. 
hindi ko alam ang reason, basta natatandaan ko lang, umuwi kami kina lola. 
Tapos yung bahay namin dati, iniwan namin, si papa hindi na rin nagpakita. 

Ilang linggo lang, si mama naman ang umalis. Nag abroad sya. 
Napahinto kami ni kuya sa pag-aaral. Aantayin na lang daw ang bukasan ng klase, 
kase hindi na kami pwedeng pumasok sa school namin, 
masyado ng malayo at may sakit si lolo. 

mahirap mawalan ng magulang, sina lolo at lola lang nakakasama namin. 
kalimitan si kuya umuuwi sa bahay, tumatakas sa school. 
nahihiya daw sya kase sabi ng mga teacher at kaklase nya lumipat daw kami kase naghiwalay ang mga magulang namin. 

minsan nagpunta sa school si papa. may affair kase kami noon sa central. 
ang saya-saya ko, kinarga nya ako gaya ng dati nyang ginagawa noong magkakasama pa kami, ang sarap ng feeling! 
ipinikit ko ilang beses ang aking mga mata, gusto kong namnamin ang ginhawa ng pakiramdam kasama ang aking ama. 
ayokong bumitaw sa kanya, kahit alam kong napapagod na sya dahil medyo malaki na ako. 7 years old na kase at matangkad pa. 
after ng event, 
nagpaalam na rin sya. 

Yun na pala ang huling pagkarga nya sa akin. 

Sunod na dumalaw sya, sinabi nya na a abroad na rin daw sya. 
natuwa ako, sa wakas, susundan nya si mama. 
Pero mali pala ako ng hula, kase sabi nya sa Dubai daw ang punta nya. 

Simula noon, di na namin nakita si papa. 
si mama naman minsan lang kung umuwi, kami lang nina lola ang dumadalaw sa kanya. 

Hanggang sa namatay nga si lolo at kami na lang 3 ang naiwan. 

Minsan tumawag si papa, sabi nya may bago na daw kaming kapatid. 
nag-asawa na pala sya, yung babae na sumira ng aming pamilya ang sya ngayon kasama nya. 
Hindi ako umimik ng sabihin sa akin ni papa ang pangalan ng kapatid daw namin. 
Iniabot ko kay kuya ang celphone, at ini off naman ito ni kuya. 
hindi ko na kailangan pang itanong kung bakit, obvious naman na galit din sya. 

Sino ba ang matutuwa kapag nalaman mo na ang papa na nami miss mo, 
ay may kinakarga na palang ibang bata. na imbes na kami ang kasama nya tuwing linggo para mamasyal, ayun at iba ang inaalagaan nya. 

si papa rin kaya ang nagtitimpla ng gatas nung bagong kapatid namin? 
Kapag nanonood kaya si papa ng tv, hinehele nya rin kaya sya hanggang makatulog gaya ng ginagawa nya dati sa amin? 

may kumirot sa dibdib ko. 
siguro nauuhaw lang ako, kailangan ko lang uminom ng tubig para mawala ito. 
hindi naman ako nagagalit dun sa bata, naiinggit lang ako. 

Kanina lang nag open ako ng facebook, nakita ko ang post ni papa.nagpapasalamat sa mga bumati ng happy father's day sa kanya. 
Picture ng anak nyang bago yung nasa profile pic nya, parang may pumipitik sa dibdib ko. 

nasasaktan ba ako? 
hindi, nauuhaw lang siguro. 
nauuhaw sa pagkalinga ng isang ama, na hayun at may karga ng iba. 

hindi ko na itinuloy mag facebook, nag city ville na lang ako. 
mas ok pang maglaro na lang kesa manood ng mga pictures na hindi naman ako masisiyahan. 

*** 

para sa AMA na nilisan ang kanyang pamilya, 
sana maging masaya ka sa kabila ng kalungkutan namin ni kuya. 
hindi ko kaylanman makakalimutan ang iyong huling pagkarga... SALAMAT sa ALAALA PAPA. 
_________________

Apr 9, 2011

Sampung paghakbang papunta sa Altar

Sabay sa pagtugtog ng pyesa na nagmumula sa pipe organ ng simbahan, ay hindi ko napigilan magbalik tanaw sa nakaraan, habang kita'y minamasdan. 

unang hakbang mo papasok sa may bungad ng simbahan 

- naalala ko kung paano tayo nagkakilala sa Singapore. Nakakatawa ka, baduy pumorma, parang laging pupunta sa fiestahan, naka polo barong ba naman. kahit mainit ang araw, dedma lang, may baon ka namang panyo kaya ang pawis ay pinupunasan na lamang. 

ikalawang hakbang papunta sa altar, pinangingiti ka ng cameraman 


- gumimik tayo noon sa Lucky Plaza, na diskubre ko, may boses ka naman pala, yun nga lang..parang hinahataw na baldeng walang laman. Inshort, sintunado ka. birit ka parin kahit utas na ako sa kakatawa. 

ikatlong hakbang mo, pinahinto ka.
Ilang shots pa mula sa camera.
 

- namasyal tayo sa Sentosa, anlupit ng attire mo, naka long sleeves at slacks ka ! Daig mo pa ang aatend ng binyagan, nakalimutan mo na ang Sentosa ay pasyalan, at sa palawan beach tayo ay maglalanguyan. 

sa iyong ika apat na hakbang, napatingin ka sa kanan, naroon ang mga barkada mo sa kumpanya na iyong pinapasukan. 

- nagsimula tayong maghanap ng trabaho, nangarap. nag plano. naranasan natin magtulungan at napatunayan ang salitang pagkakaibigan. dinanas natin ang hirap at nakisama tayo sa mga taong kailan lamang natin naging kakilala at kinalaunan ay naging mga kaibigan. 

ikalimang paghakbang, hindi parin mawala ang mga ngiti sa iyong mukha 

- nagbunga ang ilang panahon nating pagsa sakripisyo. nagkaroon tayo ng trabaho. lahat ng mga sakripisyo at naging hirap natin noon, mga pag aalinlangan at kawalan ng pag-asa, ngayon ay biglang naging masaya. Narinig mula sa atin ang mga halakhak at nakadikit sa ating mga labi ang ngiti na parang kailanman ay hindi na mawawala pa. 


sa ika- anim na hakbang, nagpalakpakan ang ating mga kaibigan na nakilala natin sa Singapore, panay ang ngiti mo sa kanila. 

- nagising na lamang tayo na may unawaan. hindi ko maipaliwanag, at hindi mo rin naman masabi ng deretsahan kung meron ba tayo o kung anu pa man. basta pakiramdam natin, meron tayong something out of everything na ating pinagsamahan, na there is something between us. basta yun na yun. ganun. whatever. 

ika pitong paghakbang mo papalapit sa altar, sinalubong ka ng mga ngiti mula sa iyong bestman na nakasama rin natin noong mga panahon na tayo ay mga baguhan at naghahanap pa lamang ng trabaho. 

- naging masaya ang bawat araw na naging buwan hanggang sa umabot ng 6 na taon. napakarami ng unos at bagyo na nagdaan sa pagitan nating dalawa, pero tumayo parin tayo na magkahawak kamay at nakangiti sa isa't-isa. 

mula sa pag hakbang mo ng ika walo, tumigil sa paglakad ang iyong ama. anaki'y hinapo sya at kinailangan huminto muna. 

- nagulat na lamang ako isang araw na parang kakaiba ka, hindi na kita maintindihan. palagi ka ng pagalit kapag nakikipag-usap sa akin. wari'y hinahanapan mo ako ng mali kahit sa maliit na bagay lamang. nagsimula ka na rin manlamig sa akin, ang dating samahan natin, ngayon ay parang may kulang. pilit kitang inintindi,na marahil ay napapagod ka lamang. 

sa pag hakbang mo ng ika siyam, ang luha ko'y hindi na napigilan 

- ang hindi natin pagkikibuan, animoy naging apoy na kumalat at sumunog sa may ilang taon nating naging samahan. 
wari'y nakalimot sa mga panahon na ating pinag daanan, nawalan ng saysay ang mga sakripisyo at sumpaan. 
tila gumuho sa atin ang lahat,nawala na ang pagmamahalan, 

ngunit iba parin talaga ang may pinagsamahan, dahil sa magandang pundasyon na ating nasimulan mula sa pagiging magkaibigan, muling nagbalik sa normal ang lahat na animo'y walang nangyari na trahedya sa ating pagitan. 


sakto ikasampung paghakbang papunta sa altar, nagmano ka sa iyong magulang. Tumayo ka sa may carpet at mula sa aking kinatatayuan,tayo ay nagkatitigan, nakikita ko sa iyong mga mata ang ningning ng kasiyahan. 

at dito ko naalala ang noon ay sabi nila, it's much better to marry your bestfriend, mawala man daw ang pagmamahal nyo sa isa't-isa, may pagkakaibigan pa na magsasalba sa inyong dalawa upang maging masaya ang pagsasama. 




isang kasabihan na kailanman ay hindi ko na mapapatunayan.

dahil mula sa pintuan ng simbahan, ay nagsisimula ng humakbang papuntang altar ang babae na iyong pakakasalan....
 



***** 

when you love someone, you also give him the capacity of hurting you. 

Di na kailangan pang i memorize yan. Napatunayan ko na ngayon lang... 

+++

Mar 18, 2011

MERLION

i am young, and witty. 

Yan ang laging naririnig ko sa mga kaibigan at kakilala ko. 
Maganda daw ako, sexy. yummy, yan naman sinasabi ng mga palipad 
hangin boys na nakikilala ko. 

Masarap pakinggan na may humahanga sa 'yo, nakakataba ng ego. 

Pero kung alam lang nila ang katotohanan sa likod ng mga ngiti sa labi ko, 
malamang ayawan na nila ako. 

I am a single mother, out of crazy love during my college days. 
Talandi kase ang panahon, bago pa man ako mag 17, naranasan ko na ang luwalhati kung paano magmahal at mahalin. 
Yun nga lang, with the wrong person. 

Nabuntis ako ng isang lalake na pamilyado, si Arthur. 
sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya kung araw-araw dinadaanan ka sa school at tini treat ng dinner. 
feeling ko, prinsesa ako ng mga panahon na iyon. 
At naniwala ako sa mga sinasabi nya na mahal na mahal nya ako. 

after na malaman nya na buntis ako, dun na lumabas ang totoo. 
hindi nya kayang iwan ang pamilya nya, may mga anak sya at naglalakihan na ang mga ito. Ang mrs nya, nasa ibang bansa at papauwi na rin. 
Ang tanging natakbuhan ko na lamang ay ang aking mga magulang. 

Sampal, sabunot, sampal ulit magkabilang pisngi. 
Kulang na lang tadyakan ako ng tatay ko sa tyan para lang malaglag ang bata sa aking sinapupunan. 
Bukod sa mga pagmumura na impit kong tinanggap. 
Tanging unan ang aking naging tanggulan upang ilabas ang emosyon na aking kinikimkim. 

Sabi ni tatay, ipapa agas na lang daw ang bata. 
Ito ang desisyon na hindi ko pinayagan. 
Nagkasala na nga ako minsan ng umibig sa lalake na may pamilya, magkakasala na naman ba ako sa pagpatay sa sariling dugo at laman ko bunga ng maling pag-ibig. 

naging malungkot ang aking mga araw, linggo, buwan hanggang sa dumating ang araw ng aking pagluluwal. 
Noong una, ayaw pang dalawin ni tatay at nanay ako sa ospital, tanging sina tya cely at tyo amado lang ang nagbabantay at nag aasikaso sa akin. 
Nang iuuwi na ako, hindi ko alam kung welcome ba ako sa bahay namin. 
Nasa isip ko noon, kina tya cely na lang muna ako, hanggang sa makapaghanap ako ng paraan paano bubuhayin ang aking anak. 

ikinagulat ko na lang ng makita sina tatay at nanay sa may pintuan ng ospital binayadan ang aking bill at sinundo ako pauwi sa aming bahay. 
Hindi magkamayaw ang mga ito sa pag aalaga sa aking anak, sa kanila na nga ito tumatabi sa gabi imbes na sa akin. 
Walang tigil ang paghingi ko ng tawad, at pangako na magbabago na pagbigyan lamang ako na muling makapag-aral. 

at eto nga, naririto ako ngayon sa Singapore ng 6 na buwan, OJT sa isang restaurant. 
Tuwing matatanggap ko ang aking allowance, imbes na bumili ako ng para sa aking sarili, iniisip ko muna ang aking anak. at ang aking mga magulang. 
Tuwing makakakita ako ng damit na bagay sa akin, naiisip ko muna kung may gatas pa ba si baby, kahit alam kong ibibili ito nina tatay, ayoko naman na isipin nilang wala na akong inisip kundi sarili ko lamang. 

mahirap maging single parent lalu na sa edad kong 20 anyos. 
madami akong gustong gawin, madami pa akong gustong maranasan na alam kong hindi na mangyayari dahil sa aking naging kasalanan. 

Minsan naitatanong ko sa aking sarili, 
bakit sa dinami dami ng tutuksuhin ni Taning, ba't ako pa ang pinili nya. 
Sa dami ng lalake na mamahaliin, bakit sa may-asawa pa ako napapunta. 

mga katanungan na iniiwasan ko nang sagutin, dahil makapagpapahina lamang ito ng aking loob. walang maganda na maitutulong sa akin. 

Ika limang buwan ko sa singapore nang makilala ko si Jared. 
Isa syang emplyeyado sa malaking kumpanya ng Electronics. 
Noong una palipad hangin lamang palagi ang ginagawa nya, nagsasama ng mga kaibigan sa restaurant kung saan ako nagti training. 
Mabait sya, gwapo, simpatiko. Yun nga lang may pagka bolero na talaga namang nakakatuwa kapag nangungulit. 

Minsan niyaya nya akong mamasyal nang araw na offday ko. 
Kinailangan nya pa na mag MC para lamang makasama ako dahil na rin sa ang off ko ay week days. 
Namasyal kami, kumain, walang humpay na tawanan. 
Pakiramdam na halos nakalimutan ko na may 3 taon ng nakakaraan. 
Pagkahatid nya sa akin sa tinutuluyan kong flat, binibiro ako ng mga kaibigan ko. 
Mukhang enjoy daw ako at ni hindi ko napansin na halos 1am na pala at maya-maya lamang ay papasok na ulit ako. 

ganun pala ang feeling ng nagdadalaga, parang walang pakelam sa surroundings. 
masaya, humahalakhak, as in parang ang tagal tagal kong na miss ang ganung pakiramdam. 
sabay sa pagmumuni-muni ko, tumakbo ang aking imahinasyon. 
kwelang kasama si Jared, may matatag na trabaho. 
simpatiko, at palagi akong pinatatawa. 
bagay kami kung sa itsura at height ang titingnan. 
binata sya, 
may anak naman ako.... 

at dito ako napabuntong hininga ng napakalalim. 

paano kung mahulog ng husto ang loob ko sa kanya, 
kakayanin ko bang sabihin sa kanya ang katotohanan na ako ay isang disgrasyada. kaya ko bang tanggapin kapag iniwasan nya ako? 

mga tanong na aking nakatulugan na. 

March 05, 2011. 

Huling offday ko na sa trabaho. 
sa makalawa lang ay aalis na ako, magpapaalam na ako sa aking mga naging kaibigan at kakilala dito sa singapore. 
Kung makakabalik pa ako, hindi ko alam. Kailangan ko pa kaseng tapusin ang mga naiwan kong subjects. 

at gaya ng nakagawian ni Jared, MC na naman ito. 
10am pa lamang ay nasa baba na sya ng tinutuluyan kong flat, naghihintay na sa akin. 

at habang nakasakay kami sa cable car papuntang sentosa, bigla syang tumabi sa aking kinauupuan. 
sabay hila sa aking mga kamay at sabay sa pagtahip ng aking dibdib ay sinambit nya ang mga kataga na hindi ko alam 
kung naintindihan ko ba ng malinaw ang pagkakasabi, o nabingi lang ako sa bilis ng tibok ng aking puso. 

hindi ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari. naramdaman ko na lamang na napakasaya ko. 
oo, mahal ko na si Jared. 
pagmamahal na kakaiba kesa sa naramdaman ko 4 years ago kay Arthur. 
natapos ang maghapon namin na para bang walang hanggang ligaya, panay kuhanan ng pictures at palaging magkayap at magka akbay. 
isang araw na punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan. 

March 07, 2011. 

Habang nag e empake ako ng aking gamit, naghahanda na ako para sa aking pag alis bukas. 
Makikita ko na ang aking anak, at ang aking mga magulang. 
Bitbit ang ilang pasalubong para sa kanila, inilagay ko at pinagkasya ang aking gamit sa maleta na binili ko pa noong pangalawang buwan ko sa aking training. 

Maya'maya lamang ay kumatok ang aking flatmate at sinabing naghihintay daw sa labas si Jared. 

oo nga pala, huling gabi namin ni Jared na magkakasama ngayon. 

at napadpad kami sa harap ni Merlion. 
Magkahawak kamay kaming naglalakad, habang nagbibilin sya sa akin ng mga dapat kong gawin kapag nasa Pilipinas na ako. 
Araw-araw mag sms daw ako sa kanyang roaming, mag chat sa gabi after ng trabaho nya, bukod pa sa tatawagan nya naman daw ako araw-araw. 
mga bilin na hindi ko na ma absorb. 

at sa harap ni Merlion, lumuluha akong humarap sa kanya. 
"Jared, mahal kita kaya't ayoko na sa iba mo pa malalaman ang totoo. Isa akong SINGLE MOM. " 

at sa puntong iyon ay nakita ko ang reaction sa mukha ni Jared. 
Tanging nasambit na lang nya ay paano nangyari sa akin yon. 

Naikwento ko sa kanya ang lahat sa loob ng 10 minuto. mula sa simula hanggang sa makilala ko sya. 
wala akong nakitang kakaiba sa mukha ni Jared, napalunok lamang sya ng ilang beses. at pagkatapos kong masabi ang lahat, 
parang walang anuman na umakbay sya sa akin, sabay yaya kung gusto ko daw munang mag pa picture sa harap ni merlion. 

at gaya ng mga nakaraan, inihatid nya ako sa tinutuluyan kong flat, isang mainit na halik ang iniwan nya sa aking mga labi 
sabay bulong na "mahal kita, i'll be missing you" 

yun ang huling tagpo na hanggang ngayon ay nananatili sa aking isip at puso. 
hindi na nya naibigay sa akin ang kanyang roaming number, tinangka ko syang tawagan sa kanyang singtel number ngunit naka off na ito. 

siguro ay hindi nya kayang tanggapin ang aking nakaraan. 
malamang, nag-iisip pa sya kung kakayanin nya ba akong mahalin sa kabila ng aking sitwasyon. 

siguro...siguro... puro na lamang haka-haka at pang aalo ng damdamin ang iniisip ko upang maiwasan ang nararamdamang sakit. 

at naisip ko, kailangan kong mag sakripisyo. mas kailangan ako ng aking anak. madami pa naman sigurong lalake na magmamahal sa akin 
at tatanggap sa aking nakaraan at kasalukuyang sitwasyon. 

sa ngayon, pagbubutihin ko muna ang aking pag-aaral, 
pag-aaralan ko na rin kalimutan si Jared, masakit, pero kailangan. 

****

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;