Aug 14, 2010

manhid

nakakapagod din pala ang magmahal. 

alam kong hindi tama ang umasa, alam kong wala akong mapapala, masasaktan lamang ako. pero ano nga ba ang magiging laban ng isang pusong nagmamahal. 

totoo pala ang sabi nila, na malalim ang pagmamahal kapag na develop ito, yung tipong hindi sinasadya. 

iniwasan naman kitang mahalin, pero dala na rin siguro ng talanding panahon, sa inaraw-araw natin na magkasama sa iisang bubong, hindi ko napigilan ang puso ko. Minahal kita. 

sa mga telenovela at pocketbooks lang nangyayari ang happy endings. sa fairytales lamang nagkakaroon ng prince charming, dahil ang katotohanan ay wala kang pakialam sa akin. isa lamang akong kaibigan para sa 'yo. 

kaibigan na handa kang damayan, na laging nariyan lamang sa 'yong tabihan. 

minsan naiisip ko, buti pa ang laptop at iphone, lagi mong nakakandong. samantalang ako, ni minsan ay hindi man lang naranasan mahaplos ng 'yong mga palad. 

na kahit anuman ang gawin kong pagpaparamdam at papansin ay balewala rin lang, dahil para sa 'yo ako ay wala lamang. 

isa lamang kaibigan. 

pagod na ang puso ko, naaawa na ako sa sarili ko. 
mahirap palang magmahal sa isang manhid, sa isang walang pakiramdam. 
tama nga lang siguro na ako na mismo ang lumayo, at umiwas sa 'yo. 

ayokong dumating ang panahon na magmumukha akong pulubi na humihingi ng limos para sa pag-ibig mo. 

baka kung kailan wala na ako sa piling mo, saka mo lamang maramdaman na may halaga pala ang isang AKO. 

***** 

i'm just a NOBODY to a SOMEBODY.




*

2 comments:

  1. sinabi mo pa, mabuti pang magmahal sa taong pwede kang mahalin kahit papano, na in time mamahalin karin hayzz *sigh*

    ReplyDelete
  2. maganda labli
    bakit nga ba may pagkakataon na malalaman mong mahal mo na ang isang tao kung kelan nararamdaman mo nang lumalayo na sya sayo ;(

    ReplyDelete

Please leave a comment:

Translate

There was an error in this gadget

~♥~`~`~`♥~`~`~`♥~`♥~`♥~`♥~`~`~`♥~`~`~`♥~

Subscribe via email

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

 
;